Kabanata 1 : Paghahabi

334 38 5
                                    


Kabanata 1 : Paghahabi

Years Later

Manila


"Salamat Amon." nakangiting sabi ni Elis sa nobyo ng bigyan na siya nito ng bulaklak habang nasa isang restaurant sila at nagde-date.

Napangiti si Amon ng maibigay ang bulaklak sa nobya.

"Kumain muna tayo." malamyos na sabi ni Amon sabay halik sa pisnge ng nobya.

Napangiti si Elis, hindi niya kasi akalain na magiging nobyo niya si Amon Valiente ang ngayo'y may hawak ng Valiente Empire.

Ilang buwan ang nakalipas ng lumapit ito sa kanya para ipasok ang pinsan nitong si Shiloh at isang tauhan ng El Casa na si Peso parang maging modelo niya sa Lingerie Business niya.

Sa una ayaw niya dahil pinsan ito ng anak ng stepcousin ng Mama niya at iniiwasan niyang makihalubilo sa mga ito.

Pero dahil naging mabait ito sa kanya, na sa una ang akala niya may hidden agenda ito sa kompanyang hawak niya pero nagkamali siya dahil ito ang tumutulong sa kanya para maging okay ang lahat.

Napatingin naman si Amon kay Elis, sa una ang akala niya maarte ito at matanda ito sa kanya dahil sa kilos nito pero hindi pala dahil front lang pala iyon ng dalaga para galangin ito ng lahat. Bente uno anyos na siya at si Elis magbebente anyos pa lang pero sa edad ng dalaga ito na ang namamahala ng pinakamalaking lingerie sa bansa.

"Anong gusto mo?" sabi ni Amon sabay bigay ng menu kay Elis ng iabot iyon ng waiter pagkaupo nila.

"Mamon." nakangiting sabi ni Elis na ikinangiti ni Amon.


Hindi niya kasi inaasahan na simple itong babae, ibang-iba kasi ito sa pagkakakilala ng lahat o sa pino-portray nitong katauhan o imahe sa mga tao.

"Walang mamon dito, sa bakery lang iyon." napangiting sabi ni Amon na isa sa nagustuhan niya kay Elis, mabait ito, at simple bagay na kung titingnan mo hindi ganoon si Elis dahil sa awra nito, sa kilos, galaw, pagsasalita at expression ng mukha nito na tila mataray, matapobre at maarte.

"Pansit." nakangiting mahinang sabi ni Elis na ikinatawa ni Amon dahil noong una akala niya nagbibiro si Elis o akala nga ni Amon iniinsulto siya nito o ang akala niya alam nito ang katauhan niya na nagkagusto siya sa isang basurera pero hindi dahil walang alam si Elis sa grupo niya.

Napangiti ng lihim si Elis, sa hinuha nito ang alam ni Amon mamon ang paborito niya dahil dito. Magakahawig kasi ang pangalan nito sa salitang mamon, ni hindi naman ito nagtatanong kung bakit mamon ang nakahiligan niya kainin.

"Hahaha! Hon, walang pansit dito." natawang sabi ni Amon.

"Wala ba?" sabi ni Elis na alam naman niya iyon kaya napangiti ito.

Napatitig si Amon sa nobya, isa sa katangian ni Elis childish ito. Iyon nga lang sa kanya lang pinapakita ng nobya kakaiba kasi ito kapag kaharap ang ibang tao kahit ang mga magulang nito na tipong matanda na si Elis kumilos at kung kausapin ang mga ito o kung humarap sa mga tao nakakatakot na halatang istrikto ito sa mga empleyado at tao sa paligid nito bukod sa kanya.

"Wala." napangiting sabi ni Amon.

"Ahmmm." sabi ni Elis sabay bukas sa mamahaling bag nito na ikinangiti ni Amon dahil bukod sa mga sinabi niyang katangian ni Elis, makikita sa mga gamit nito na suot at dala na kakaiba ang rangya nito sa pamumuhay bagay na swak sa kanya dahil iyon ang gusto niya sa babae iyong maihaharap mo sa tao na tila ka may dalang tropeo. Kumbaga si Elis ang tipo ng babae na nonobyahin mo at daig pa ang expensive car na dala mo dahil kay Elis pa lang aangat ka na sa puntos na maibibigay nito sa buhay mo.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now