"Oo na... Kami na ang talo ni Brent..."   Sagot naman ni Kent. Tama ba namang pagpustahan ang gender ng baby namin? Hahaha! 

"Eh kayo, dad? Why are you here with my gang?"

"Magbobowling kami... See?" Inangat ni Dad yung bag niya sa pagbobowling. "Hindi na kita isasama kasi kasama mo ang fiancée' mo. Wait, who's that little cutie?" He's reffering to Axel. Kinuha ko na yung feeding bottle ni  Axel kasi ubos na.

"Pamangkin namin, dad... Anak ng kapatid ni Kaye Anne..." Sagot ni Kurt.

"Nakikipamangkin ka na ah.. Hahaha! Osya, we'll go ahead na. Bye, Axel..."

"Bye~!!!" – X9.

"Axel, wag mong bati si Tita ah? Inaway-------" <-Toffer.

"Che!!" Hindi makamove-on!!

Nang makaalis na sila ay siya namang may nagtext kay Kurt. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagtetext siya. Ang gwapo talaga ni Tristan Kurt Lee!! Hinding-hindi ako magsasawa sa pagtingin sa mukha niya.

Natapos na yata siya sa pagtetext kaya tumingin siya sa akin.

"Baby love, we have to go home. Susunduin na si Axel ng Mommy niya."

 

~~~

Kakarating lang namin sa unit ko. Grabe lang! Sobrang pagod.

"Ang dungis na ni Axel oh..." Sabi ni Kurt tapos pinunasan niya ng wet towel yung mukha ni Axel. Kanina pa kasi siya kumakain nung lollipop na colorful... Nagkalat tuloy sa paligid ng bibig niya. Hahaha!

"Hindi mahirap alagaan si Axel... Hindi siya malikot gaya ng ibang bata eh..." Komento ko habang nakatingin lang sa dalawa.

"Tss... Pero kanina nung umiyak siya, hindi mo mapatahan."

"Duh! Kung hindi ko pinanggigilan, hindi siya iiyak." 

 

*BBZZZZTTT BBBZZZTTT BBBZZZTTT*

 

"Sabi mo eh..." Saka siya tumayo tapos pumunta na sa pinto para buksan. May nagdoorbell kasi. Si Ate Emerald na siguro yun. "Hi... Ate Emerald, come in."

Pumasok na sina Ate Emerald at kasama niya pa si Kuya Sean. The moment they got inside, Axel hurriedly ran towards to welcome them. Aww! Iba talaga 'pag mommy and daddy! :3

"Hi, baby... Are you being a good boy to Tita Gail and Tito Kurt?" Ate Emerald asked Axel.

"Opo... Lots of toys...." 

"Wow, they bought you lots of toys? What will you say to them then?"

Axel faced me and Kurt... "Mamats!"

"Salamat sa pagbabysit kay Axel. Si Kaye Anne kasi may lakad pala... Kami naman ni Emerald ay nagkappointement sa Davao City." Nakangiting sabi ni Kuya Sean.

"That's nothing... Basta si Axel, anytime." Kurt replied.

Saglit lang ay nagpaalam na sila. Kahit saglit ko lang nakasama si Axel, marami naman akong natutunan na mga bagay-bagay tungkol sa pag-aalaga ng bata. Although, sobrang skilled na si Kurt sa pag-aalaga. Mas humanga pa kasi ako sa kanya nung nag-poop si Axel. Siya pa rin yung umasikaso kahit nasa mall kami. How cute is that! 

 

CHLOE'S POV

Kagagaling ko lang sa meeting with my blockmates. Hell week na kasi this coming week. As being E.H.U students, kailangan naming magjoin sa mga fare sa bazaar next week. For sure, busy na rin sina Kaye Anne because of this. Every year naman eh. Ayos na rin ito para hindi ako mabored at magkulong sa bahay. Ano namang gagawin ko sa bahay aber? Mag-eemo? Magmumuni-muni? Magrereminisce ng nakaraan? Tch! kat@ng@han nalang yun.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon