Prologue

42 2 1
                                    


One Night Full of Lies

" Cath, saan ka? " tanong ng bestfriend kong si Thea kasama ang isa ko pang bestfriend na si Ashley.

They're going to the canteen but I need to look for some books for our research. Pasahan na ng chapter 3, medyo matrabaho at ako pa ang leader kaya nape-pressure ako.

" Lib, need to look for some books for our research."

Sumimangot si Ashley. " Sandali lang naman, samahan ka namin agad sa lib after natin sa canteen. Isang order lang ng siomai."

It's tempting.

" Kayo na lang muna, kailangan ko talaga mag library. Sunod na lang kayo. " sagot ko at tumalikod na sakanila bago kumaliwa sa corridor papunta ng library.

Nasalubong ko ang mga college students dahil tabi ng library ang hagdan paakyat sa rooms ng college. Nasa college building kasi ang library habang nasa harap nito ang rooms para sa senior high.

" Uy! Si cutie pala 'to, hanap mo Kuya mo? "

I looked at the guys who called me "cutie". So annoying! I just ignored him just like what I always do to men who were obviously trying to caught my attention and hit on me. Hindi naman siya isa sa mga tropa ng Kuya ko kaya kahit dedmahin ay ayos lang.

" Maka Kuya 'to, tropa kayo ni Zav? " narinig ko ang maangas ngunit natatawang sambit ng isang lalaki na nalingunan kong si Lucas, ito ang legit na kaibigan ng kuya ko.

Kasama nito si Sean at Timothy na parehong nasa circle of friends ni kuya na parehong kumaway sa akin. Bahagya lang ang naging pag tango ko rito, I know them because they always hang out in our house but we're not close and I don't think we should. Ayaw ni Kuya non, restricted daw ako. As if naman.

Marami pa akong sipol at pag tawag na naririnig sa paligid dahil mukang break time ng mga college students pero dahil nasanay na ay binalewala ko na lang iyon. I've been studying here since junior high until now that I'm in my last year of senior high.

Pinili ko ang pang isahang upuan at inilapag ang puting backpack doon saka umalis para tumingin sa History section ng mga libro, iyon kasi ang kailangan. There are some junior high here but mostly are senior high. Siguro ay pang research din ang hinahanap.

" Need a help? "

Naka ngiting Kevin ang tumambad sa akin. Lumabas ang pantay nitong mga ngipin sa pag ngiti niya. Umiling ako at tipid lang na ngumiti bago nagpatuloy sa paglalakad sa aking table bitbit ang limang librong napili.

I opened my laptop when I heard a squeak of a moving chair. Kumuha ito ng upuan na inilagay sa tapat ko, annoying!

" Para sa research? "

Obvious ba?

" Kev, I'm busy. Just please don't disturb me." pagpipigil kong inis na sabi.

Kevin was my classmate in junior high, we even sat beside each other because we have a same letter of our surname. He usually talks and I'm just listening, well, I rarely listen because I'm not paying attention. I just don't like what he's saying, bragging about himself and his shoes. Anong gagawin ko roon?

He courted me last school year but I rejected him and for the past few weeks, he's been pestering me again. Hindi naman siya iyong playboy na basagulero gaya sa mga palabas pero grabe ang kayabangan niya at iyon ang hindi ko matagalan dito. Wala naman sanang problema sakaniya dahil may itsura at sinasabi sa buhay pero ang bagyong dala niya ay higit signal number 3.

" Gusto ko lang maka tulong." natatawa niyang sabi.

Don't say some harsh words, Catherine. Just please don't.

One Night Full of LiesWhere stories live. Discover now