"Hala? Love triangle?" Bulong ni Kei at dali-dali kaming sumakay sa motor ko.


"Huy, ako magda-drive," sabi niya at kumunot naman ang noo ko.


"At bakit?" Tumaas ang kilay niya.


"Aba't dapat lang, ako ang lalaki. Ang sagwa tingnan kapag ikaw nag-drive at ako ang umaangkas sa likod."


"Tch, ang arte. O, bilis!" Bumaba ako at siya ang nagmaneho. Arte-arte kasi.


Nakasunod lang kami sa kanila at hindi na pala namin kailangang maghiwalay. E, pareho lang sila ng daan na tinatahak o.


"Kumapit ka sa bewang ko Zeke, baka mahulog ka," sabi niya at napairap naman ako.


"Sabihin mo, nancha-chansing ka lang. Kaya siguro gusto mong dito ako sumakay 'no?"


"Hindi no, masama ba'ng concern?"


Hindi ko na siya sinagot pa at tinutok na lamang ang atensyon ko kina Steve. Concern niya mukha niya, simula pa kaya noong una ay minamanyak na ako ng kumag na'to.


"Huminto si Steve sa mall." Malapit akong nakatulog sa motor at buti na lang ay nagising ako nang nagsalita si Kei.


Pinarada namin ang motor malayo sa kanila para 'di nila kami makita. Pumasok sila sa mall at parang mga tuta sina Cliren at Blue na sumusunod kay Steve.


Ano ba'ng trip ng dalawa no'n? Kapag nalaman ko lang talaga na pinagti-tripan nila kaibigan ko-- malilintikan talaga sila sa'kin.


Hindi na kami pumasok sa mall at sina Rev at Bran na lang ang pumasok at kami dito sa labas.


Wala kaming nagawa ni Kei kaya nag-asaran, hampasan at nag-batukan kaming dalawa, pero sa huli-- tinadyakan ko na talaga siya, nakakapikon kasi!


"Hahaha pikon ka pala e," kanchaw niya habang nakahawak sa tiyan niya.


Binatukan ko siya. "Tumahimik ka!"


Tumigil siya sa pagtawa at lumapit sa'kin. "Hoy, ano'ng binabalak mo?" Tanong ko.


"Kiss muna," aniya at ngumuso.


Tumaas ang kilay ko at agad pinitik ang labi niya. "Kahit kailan ka talaga ang chansing mo! Ako pa talaga pinili mong manyakin!"


"Aray naman, joke lang naman 'yun e. Ang pikon kasi," sabi niya habang hinihimas ang labi niya.


"'Yun kaya ang kiss sa'kin, gusto mo pa?" Pang-aasar ko sa kanya at nginiwian lang niya ako.


"Sadista 'to," bulong niya pero halatang nagpaparinig.


"Ano sabi mo?!"

Skip a DanceWhere stories live. Discover now