Special chapter 3: last SC

12.7K 361 94
                                    

Andra's POV:

Monday nanaman ngayon at paniguradong marami nanaman ang  tatrabahuhin ko sa opisina.

Akala siguro ng iba na porket ikaw ang CEO at ikaw ang may-ari ng company ay paupo-upo nalang. Pa chill chill nalang, pero hindi. Iniisip ko na sana naging empleyado nalang ako.

6:30 na kaya naman bumangon na ako at kaagad pumasok sa banyo para mag-ayos. Mabilis lang naman ako maligo, paglabas ko ay tulog parin si Anastasia.

Ayos lang naman na malate yan sa sarili niyang kompanya. Wala daw siyang pakealam dahil mayaman na daw siya.

Nugagawhen?

Bumaba na muna ako para tingnan ang mga anak ko. Dahil nga Monday ngayon ay may pasok din sila sa school.

"Miracle? Farah?" Pasigaw na tawag ko, pero malambing.

Wala sila sa living room kaya paniguradong nasa dining table sila at nag-aalmusal na.

Hindi ko na pinoproblema ang pagkain nila sa umaga dahil kumuha na kami ng makakasama dito sa bahay. Ang hirap kasi kapag ako pa ang magluluto ng breakfast nila.

Wala naman ng problema dahil malalaki na ang mga anak namin ni Anastasia. Grade 6 elementary na si Farah, habang si Miracle naman ay nasa college na.

"Good morning, girls." Bati ko sa mga anak ko na busy sa pagkain.

Kaagad naman silang napalingon at mabilis na tumayo para yakapin ako at halikan sa pisngi.

"Good morning, mama" si miracle ang nauna, hindi na nga nabitawan nito ang libro na hawak niya.

Sobrang talino ni Miracle. Palaging hakot awards sa school. siya lang rin naman ang Valedictorian nung Elementary and Highschool. Sobrang bait at never kaming binigyan ng sakit sa ulo ng mommy niya.

Minsan nga ay pinagsasabihan namin siya ni Anastasia na okay lang magpahinga at kahit walang top ay ayos lang. Enjoyin niya ang buhay studyante niya. Baka kasi napapagod na siya kakaaral.

Mabuti nga at hindi siya nagmana kay Anastasia.

"Good morning, mama andra." Napabitaw naman si Miracle ng biglang sumingit si Farah.

Isa parin ang anak ko na'to. Manang mana sa'kin, sobrang galing niya rin pagdating sa school at katulad ng ate niya ay never niya rin kaming binigyan ng sakit sa ulo.

Sana lang ay hindi sila mag bago.

Napansin ko na sa dalawa ay si Farah ang tahimik. More like prim and proper. habang si Miracle naman ay palakaibigan at palaging nakikisalamuha hindi katulad ni Farah na tahimik lang at nakikiramdam.

"Bilisan niyo na ang pagkain dahil malilate na kayo. Miracle? Umuwi kaagad kayo mamaya. Bibisita ang lolo dad mo."

Ngumiti naman ito at mabilis na tumango-tango.

"Marami nanaman akong pera mamaya." mahinang sabi nito pero narinig ko parin naman.

Napailing-iling nalang ako dahil masyado siyang spoiled kay papa. Pati narin kay Astrid.

Nagpaalam na muna ako sa dalawa para gisingin ang mommy nila. 7:30 na at hindi parin bumababa ang isang 'yon.

"Love? Bumangon kana jan, tanghali na!" Tinapik tapik ko ang pisngi nito pero hindi parin siya nagigising.

Umupo ako sa gilid nang kama namin bago dahan-dahan lumapit sa mukha niya para bigyan ito ng halik sa labi.

Kaagad ko naman naramdaman ang pag-galaw ng labi niya at ang pag pulupot ng braso niya sa batok ko.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now