Chapter 49(2)

20.8K 685 545
                                    

Anastasia's POV:

"Where the hell is she!"

Sigaw ko sa mga kasama ko dito sa loob ng bahay. Nandito na kami kung saan sinabi nila na nandito nagtatago si Gonzalez kasama si Andra.

Tanging puting kumot lang na mga nakatabon sa mga kagamitan ang naabutan namin sa loob.

Malinis ang paligid. Mukhang kaaalis lang nila, pero napaghandaan.

"Anastasia, calm down. Hindi nila-" hindi ko na pinatapos pa si Lauren. Napa-kunot noo akong lumapit sa may malaking salamin na nakasabit dito malapit sa kinatatayuan namin ng mga kasama ko.

It was a letter.

To: Anastasia Goroztiza.

This is Ameliana Gonzalez- Zobél. Yes,you read it right. It's been months now simula nung ikinasal kami ni Andra. I am now a Zobél. And by the time na mabasa mo ito, nasa malayo na kami. Kaya please, wag kana mag-abalang hanapin pa kami. Masaya na siya sa'kin. All you have to do is to move-on. Hindi niya kailangan ng isang baliw na katulad mo. Don't worry, aalagaan ko siya at pakamamahalin.

she's always been mine ever since mga bata palang kami. and now, she's now my wife. So back off.

From: Ameliana Gonzalez-Zobél

"

No. This can't be true. Hindi, FUCK HINDI." malakas na sigaw ko at malakas na ibinato yung papel sa kung saan.

No. Hindi siya pweding ikasal sa iba. Dapat sa'kin lang. Ako lang dapat.

"Ano pang tinatanga -tanga niyo riyan! Hanapin niyo siya." Hindi naman kaagad sila kumilos kaya kaagad kong kinuha yung baril sa gilid ko at tinutok sa isa sa mga kasama namin.

"What the- put that gun down anastasia. Now." Lauren nervously said.

"Ahhhh, fuck." sigaw ko bago dalawang beses na pinaputukan yung vase na nasa may hagdan.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Marahas ko itong pinunasan.

It's been years now. Lahat naman ginawa ko na para lang mahanap siya, pero bakit palaging hindi sang-ayon sa'kin ang Tadhana.

"La-laur.. Lauren, k-kasal na siya. Kasal na sila." Naiiyak na sabi ko sa kaibigan.

"It's just a piece of paper, Anastasia. Don't lose hope. Makikita natin siya."

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Hinang- hina ako dahil sa pagod, wala na akong matinong kain at tulog. Sabayan pa ng pagkadismaya sa nalaman.

"Bumalik na muna tayo sa Manila. You need to rest. Pupuntahan ko si David. we need his father's help."

Tumango nalang ako sa sinabi niya. David is a friend of ours. Maimpluwensya ang pamilya niya, kaya malaking tulong kung papayag siya.

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Napa-kunot noo ako dahil Unregistered number ang nasa screen.

Walang gana na sinagot ko ang tawag-

"Hello?" Ilang segundo pa ang lumipas pero walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello?" Tawag pansin ko muli sa nasa kabilang linya.

Inis na tiningnan ko ang Screen ng phone ko dahil hindi parin nagsasalita yung tumawag.

"What? Are you mute? Bingi ka ba-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita na ito --

"hello? Is-is this, Anastasia Goroztiza?"

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now