Chapter 29

23K 870 1.9K
                                    

Andra's POV:

"Andra, let's go? ihahatid na kita."

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Angela sa kamay at bahagyang hinila palabas ng school.

Nandito kami sa classroom dahil kinuha ni angela ang mga gamit ko na naiwan dito kanina.

Nakatulala lang ako dahil kakatapos ko lang umiyak. Hindi ko na alam ang mga nangyari sa parking lot pagka alis namin. Hindi ko nga namalayan  na nahila na pala ako ni Angela papunta dito sa classroom namin.

Basang basa na ang mukha ko pati narin ang uniform ko dahil siguro sa pawis at sa walang tigil na pag-iyak.
Nahihirapan narin akong huminga.

Ang sakit sakit ng ginawa ni Anastasia. hindi ko parin matanggap na kaya niya akong lokohin. Dahil akala ko mahal na mahal niya ako. Pero hindi! Nagawa na nya. at yung mga hinala ko dati ay tama pala.

Pero bakit si Margaux! bakit si Margaux pa. ang dami namang iba diyan, bakit yung kaibigan ko pa!?

Naisip ko na naman yung mga nangyari noon. yung mga pa saring ni Angela, yung pagpunta ni Margaux sa office ni Anastasia... noong prom night!

Naramdaman ko nalang na bumubuhos nanaman ang luha ko. bwesit! kanina pa 'to eh. hindi ba sila napapagod!

Kasi ako? pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako kakaiyak. ang sakit na ng ulo ko dahil sa kakaisip kung bakit! Bakit ginawa sa akin 'yon ni Anastasia?

Ang daming beses ko syang tinatanong kung may nangyayari ba sakanila ni Margaux. pero ang palagi niyang sinasabi ay wala, na mahal niya ako. Mahal ko siya kaya pinapaniwalaan ko lahat ng sinasabi niya. nag bulag bulagan ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin-

Pero mas masakit pala talaga kapag sinampal na sa'yo yung katotohanan... Kitang kita nang mga mata ko kung paano siya halikan ni Margaux. Na para bang hindi ito yung unang beses na nangyari.

Dahil hindi na pala talaga ito ang unang beses na nangyari! Tangina.

"Miss Varez? bakit nandito ka pa? uwian na- Isabel?" It's professor, Gonzalez.

Alam ko na siya 'yon dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin na isabel.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko at mabilis na tumalikod. inayos ko muna ang sarili ko bago humarap kay Eli.

"Hi prof-Eli... b-bakit hindi ka pa umuuwi?" Tumingin ako sakanya bago ngumiti ng tipid. nasa may pinto siya at ng makita niya ako ay mabilis siyang lumapit.

Nakangiti lang ako sa harapan niya habang siya naman ay naka kunot- noo nakatingin sa akin. Nakita kong may pag-aalala sa mga mata niya bago niya ako dahan-dahang nilapitan para yakapin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. niyakap niya ako ng mahigpit bago lumayo para punasan ang mga luha ko gamit ang right thumb niya.

"Shh, everything is going to be okay Isabel." niyakap niya ulit ako bago hinalikan ang tuktok nang ulo ko.
"I'm just here for you. just let it out, okay?"
Tuluyan na akong naiyak habang nakayakap sa akin si Eli.

"Prof Gonzalez? pwede mo po bang ihatid si Andra? May emergency po kasi sa bahay." I looked at Angela, nakatingin narin pala siya sa akin. nakitaan ko ng lungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. ngumiti ito ng tipid bago nag-iwas nang tingin. nakita ko pa kung paano niya pinunasan ang kanyang pisngi.

"Sure. okay lang ba sayo Isabel?" Napatingin ako kay Eli ng magsalita ito.

"O-okay lang po ba?" Nag-aalanganin kong tanong sakanya. Ngumiti naman ito at pinunasan ang mukha ko gamit ang handkerchief niya bago tumango.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon