Chapter 9

32.3K 970 917
                                    

Andra's POV:

"Baby"

Napatingin kame kay Maddy, tumayo naman si Pauline at kumuha ng tissue para punasan yung pagkain na nabubo sa damit ko.

Hinarap ni Pauline si Maddy at sinamaan naman niya ito ng tingin-

"YOU" tinuro ni Pauline si Maddy, tinaasan lang nung isa ng kilay "you did that on purpose." Hindi yon tanong.

"Stupid accident lang yon no" Maddy said and rolled her eyes at Pauline.

"You Bitc-" Naputol ang sasabihin ni Pauline ng naglakad si Maddy palapit sa'kin at binangga pa ang balikat ni Pauline.

"Oh my god baby, do you have extra shirt ba? I'll lend you my extra shirt nalang you want?" Si Maddy at kumuha ng tissue para punasan yung dumi sa damit ko.

"I have extra shirt too Andra, let's go sa restroom niyo para makapag palit kana" Pauline said.

"Can you shut up?, Sino kaba"

"you don't have to know you stupid bitch" Pauline said at hinawi ang kamay ni Maddy para ipagpatuloy yung pag punas sa'kin.

I heard Angela whistle, kaya napatingin ako sakanya sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang ako ni Tanga.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang damit ko, tiningnan ko yung dalawa at naabutan ko naman itong nagsusukatan ng tingin. Ano bang trip nila?

"Hindi na, may extra shirt naman akong dala. teka magpapalit lang ak-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita nang sabay yung dalawa-

"Samahan na kita" "I'll go with you"

"Ano ba?" Si Pauline na mukhang naiinis na kay Maddy, actually hindi mukha Talagang naiinis na siya at paniguradong ganon din si Maddy.

"Ano ba din, bakit kaba dikit ng dikit sa baby ko tsk, Andra let's go?" Si Maddy.

Sasabihin ko palang sana na wag niya akong tawaging baby dahil baka akalain nang iba na may relasyon kame nang may kumapit sa kamay ko-

Nagulat ako nangmaramdaman ang pamilyar na kamay na kumapit sa left hand ko.

It's Tita Anastasia.

Teka anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko siya sa mukha at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa dalawa.

Ilang minuto niya ding tinititigan si Maddy at Pauline bago niya ibinaling ang paningin niya sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa may dibdib ko kung saan natapon yung pagkain.

"Let's go, magpalit kana" hindi na ako nakasagot nanghilahin niya ako papunta sa loob ng building namin.

Seryoso lang siyang naglalakad habang hila-hila ang kamay ko, hindi ko namalayang nasa labas na pala kami nang classroom namin. At teka paano nanaman niya nalaman na classroom namin to?

Binuksan niya ang classroom ko at bahagya pa akong tinulak papasok, sumunod naman siya sa loob. Narinig ko yung pag click nang lock sa pinto.

Bakit niya ni-lock ang pinto?

Tiningnan ko siya pero seryoso lang siyang nakatingin sa'kin, galit ba siya?

Kami lang dalawa ang tao dito sa room dahil wala ang mga kaklase ko busy ang iba sa booth at yung iba naman ay gumagala sa loob nang school.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now