Chapter 38

21.4K 757 664
                                    

Andra's POV:

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa may tummy ko.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at kaagad tumama ang sikat ng araw na ng galing sa binta ng kwarto-

Wait... Kaninong kwarto ito?

Kaagad akong napabangon sa pagkakahiga, bumaba ang tingin ko sa brasong nakayakap sa bewang ko.

Tiningnan ko kung sino yun, kaagad nanlaki ang mga mata ko sa nakita... Fuck.

Bakit katabi ko si Eli!! at... N-nakahubad siya. Yung bewang niya lang ang natatabunan nung comforter kaya nakita ko ang hubad niyang dibdib.

Marami siyang hickey sa dibdib, meron din sa leeg, magulo ang buhok niya na parang sinabunutan at may sugat pa ang ibabang labi.

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kanang kamay ko bago dahan-dahang inalis ang nakayakap niyang braso sa bewang ko. Tatayo na sana ako para umalis sa tabi niya ng bigla akong makaramdam ng lamig, napatingin naman ako sa katawan ko at ganun nalang ang gulat ng makitang nakahubad rin pala ako.

WHAT THE FUCK? Anong nangyari! Nagiinuman lang naman kami kagabi sa club ah, tapos ngayon nakahubad na ako sa tabi ni Eli.

Naputol ang pag-iisip ko nang may maramdaman akong basang labi na tumatama sa balikat ko-

"Good morning" Hindi ko naramdaman na gising na pala siya. Napatingin ako kay Eli na nakatingin sa akin habang pinapatakan ng Halik ang balikat ko.

Kaagad kong kinuha yung comforter at itinakip sa hubad kong katawan. Habang si Eli naman ay pinapatakan ng halik ang balikat ko.

Ni hindi manlang siya nag abalang magtakip ng katawan niya, nakikita ko kase yung hubad niyang dibdib kaya kaagad akong napaiwas ng tingin.

Nang napunta ang halik niya sa leeg ko ay kaagad akong umiwas at tumayo habang kapit-kapit ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko-

"Why?" Nakakunot noo niyang tanong ng bigla akong tumayo, Bakas sa mukha niya ang pagtataka ng tanungin niya ako. Nakaupo parin siya sa kama habang mataman na nakatingin sa akin.

"Wh-what happened?" Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto para hanapin yung dress ko- "may nangyari...ba?" Obvious naman pero Kinakabahang tinanong ko parin siya para sigurado.

Napakunot noo naman si Eli at nakita ko pang umigting ang panga niya bago umiwas ng tingin. Hindi niya ako sinagot at tumalikod lang para kuhain yung t-shirt na nasa may night table niya bago yun isinuot.

"We make LOVE last night, Isabel" diniin niya yung pagkakasabi ng Love bago lumingon sa akin at tumingin ng seryoso, kaagad naman akong kinalabutan dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang parang galit. "Wala ka ba talagang natatandaan?... Oh talagang kinalimutan mo lang"

Hindi ko masyadong narinig yung panghuli niyang sinabi dahil kaagad siyang tumayo at umalis sa kwarto. Naiwan naman akong nakatulala habang nakatayo sa gilid ng kama niya at hawak hawak parin yung comforter na nakatabon sa hubad kong katawan.

Wala pang ilang minuto ay kaagad naman siyang bumalik sa kwarto at may dala-dala ng damit at undergarments.

"Here, magpalit kana. Hihintayin kita sa labas" ngumiti lang siya ng tipid bago ibinaba yung damit sa kama. Hindi na nga ako nakapag pasalamat dahil kaagad siyang umalis sa loob ng kwarto.

Kinuha ko nalang yung damit at pumasok sa CR niya dito sa kwarto, hindi ko na dinala yung comforter dahil ako nalang naman mag-isa dito sa loob ng kwarto. Dali-dali akong pumasok sa CR isusuot ko palang sana ang damit na binigay ni Eli ng makita ko ang buo kong katawan.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now