Chapter 24

22.4K 775 671
                                    

Andra's POV:

Nandito lahat ng kasali sa cotillion sa gym dahil last day na ng practice, bukas na ang prom at tinaon sa Valentine's day February 14.

Naging maayos na kami ni Ryan at ngayon ay magkaibigan nalang, hindi narin niya ako kinukulit at naguusap lang kami after ng practice.

Sinabi ko kasi sakanya na balak kung sagutin si Anastasia bukas dahil nagtangka nanaman siyang ligawan ako. Siya at si Angela palang naman ang nakakaalam ng tungkol sa'min ni Anastasia.

Speaking of Anastasia, ilang araw na siyang hindi na punta dito sa school. Pinapapunta niya nalang ako sa office niya sa Goroztiza's Empire tuwing break time namin para dun kami magkita.

Mas lalo siyang naging clingy and sweet sa'kin nitong mga nagdaang araw. Palagi rin siyang nagsasabi ng "I love you" at "sorry" hindi ko alam kung para saan yung sorry niya dahil kapag tinatanong ko naman siya ay umiiling-iling lang ito at ngingiti sa'kin.

Hinahayaan ko nalang dahil baka nangtitrip lang, baliw pa naman kaya pinagbibigyan ko nalang.

Naputol ang pag-iisip ko nang may naramdaman akong kumalabit sa'kin.

"Teh saan kaba nag punta?" Tanong ko at ngumiti kay Angela na nasaharap ko.

"Water break" iniabot niya sa'kin yung hydro flask ko dahil nandito ako sa taas ng stage kasama sina pres at ang iba pang kasali sa sayaw. Kinuha ko yon at nag thank you.

Tumabi siya sa gilid ko at hinayaan ko nalang. Napatingin ako sakanya nang tanungin niya ako-

"Andra? Sure kana ba talaga kay president?" Sinarado ko ang flask ko bago bahagyang pinunasan ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha ko.

"Oo naman, why did you asked?" Nakakunot noo ko na tanong sakanya. Ang seryoso niya kasi habang tinatanong niya yun saakin.

"Masaya kaba..sa kanya?" Napatingin ako sakanya habang nagtataka, hindi kasi ako sanay nung ganito siya kaseryoso.

"Oo naman, balak ko na nga siyang sagutin bukas after ng prom" ngumiti ako sakanya bago kinuha yung phone ko sa loob ng bag ko.

Hindi siya sumagot kaya napalingon ulit ako sakanya, nakatingin lang siya sa'kin na parang may iniisip.

"Hoy? Ayos kalang?" Napabalik yata siya sa wisyo ng tapikin ko siya, tumango nalang siya bago nagiwas ng tingin.

"Andra para na kitang kapatid, masyado kang mabait kaya siguro may karapatan ako na sabihin sayo ang mga nalalaman ko" nawala ang ngiti ko dahil sobrang seryoso ni Angela.

"Ano ba yang nalalaman mo?" Tumango ako sakanya para sabihin na ipagpatuloy niya yung gusto niyang sabihin.

"Andra kase... kase si Margaux at Pre-"

"Andra" napalingon kami ni Angela sa likod ko kung saan nanggaling yung boses nung tumawag sa'kin.

Napangiti ako nang makita ko si Anastasia na nakatayo na malapit sa'min, nakatingin siya kay Angela at nilipat lang ang tingin saakin nung makalapit na ako sakanya.

"Hi" bati ko dito kaya nabaling ang atensyon niya sa'kin.

Napatingin ako sa kaibigan ko na umiinom na sa flask niya habang seryosong nakatingin sa mga studyanteng nasa baba ng gym.

"What are you doing here Anastasia?" Tanong ko sakanya, tumingin naman kaagad siya saakin bago ako hinawakan sa kamay.

"Sa office tayo?" Tanong ko dahil inaalalayan na niya ako papunta sa building kung nasaan yung office niya. Tumango lang ito habang hindi ako nililingon, nagpatianod nalang ako sa hila niya.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now