Chapter 15

26.7K 917 364
                                    

Andra's POV:

Kakauwi ko lang dahil na late si mang edward sa pagsundo dahil baha raw sa daan na dapat nyang dadaanan kanina. 8pm na ako nakauwi dahil kakahupa lang ng baha.

Nandito na ako sa loob nang bahay at aakyat na sana sa kwarto ko para maligo dahil medyo basa na yung ulo ko pati narin yung hoodie ni Ryan, nang biglang may magsalita sa may couch malapit sa may hagdan.

Nagulat ako dahil hindi ko siya nakita kanina pagpasok ko, nakauwi na pala siya!

"Bakit ngayon kalang?" Tanong niya at pagkatapos uminom siya duon sa baso na hawak-hawak nya at may laman na alak.

Hindi siya naka tingin sa'kin, dahil nakatalikod ang pwesto niya.

"Baha kasi tita kaya nalate si manong Edward sa pagsundo." Diniinan ko yung pagsabi ko ng Tita.

Hindi na siya nagsalita kaya aakyat nalang ako papunta sa kwarto ko. Ngunit nasa hagdan na ako at hahakbang nalang sana nang magsalita siya ulit-

"So... it's Tita now" ngayon ay lumingon na sya sa'kin, at napakunot noo ako nang mag tama ang tingin namin.

She looks drunk and... Mad?

Tumingin lang ako sakanya at seryoso ang mukha bago sumagot sakanya-

"Yon naman ang dapat..diba?, Pupunta na po ako sa kwarto ko"

Hindi kona siya hinintay sumagot at kaagad akong pumunta sa kwarto ko. kanina pa ako nilalamig dahil nga basa ako dahil sa ulan.

Ni-lock ko muna ang pinto sa kwarto ko bago ako pumasok sa banyo para magpalit. Nang matapos ako ay kaagad akong lumabas ng banyo para ilagay yung hinubad ko na damit sa basket.

Narinig kong bumukas ang pinto sa kwarto ko kaya kaagad ako napatingin dito.

Pumasok lang naman ang magaling kong step mother.

"Anong ginagawa mo dito? Matulog kana." seryoso kong sabi dahil pa gewang-gewang na ang lakad niya, mukhang lasing na lasing na.

Nakangisi siya habang naglakad nang pasuray palapit sa'kin. Ng makalapit siya ay inilagay niya ang dalawang braso niya sa balikat ko habang ang isang kamay ay hinahaplos ang batok ko.

"Masarap ba?" Nakangisi siya habang nakatingin sa mga mata ko ang mata niyang mapupungay dahil siguro tinatamaan na siya.

Napakunot noo lang ako sa sinabi niya at kinuha ang kanyang mga kamay para alisin sa pagkakayakap sa batok ko- "Hindi ko alam ang sinasabi mo Tita Anastasia, lumabas kana po at magpahinga sa kwarto niyo ni papa."

Nakita kong umigting ang panga niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Ganitong ganito ang itsura niya nuong panahon na tinatakot niya pa ako na papatayin nya si nanay at tatay.

Tiningnan ko lang rin siya nang seryoso para ipakita sakanya na hindi na ako natatakot sakanya.

"You're not answering my calls and emails, You are ignoring me for weeks. I thought you were just busy at school kaya hinahayaan kita..." Tumigil ito sa pagsasalita at humakbang palapit sa'kin.

"Pero mukhang sa iba ka nagiging busy baby" hinawi niya ang buhok ko habang sinusundan yon nang tingin.

ng mailagay niya na sa likod nang tainga ko ang buhok na hinawi niya ay kaagad siyang tumingin sa'kin sa mata. "Masarap ba?" Medjo lasing pa yung boses niya.

"Ano bang pinagsasa-" naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw niya.

"Don't make me stupid you bitch" nagulat ako dahil sa sigaw niya, nakaramdam naman ako ng takot dahil parang iba yata yung galit niya ngayon kumpara sa pinapakita niya sa'kin dati.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now