Chapter 3

32.6K 1K 588
                                    

Andra's POV:

"Finally we met again. the long wait is over..."

What? We met again? What does she mean?

Kanina pa naka-yakap sa'kin si tita Anastasia. ilang minuto na kami dito sa may pinto nang cr at nakayakap parin siya sa'kin. Hindi ko alam kung anong trip niya at ganito siya. pero hinayaan ko nalang at mahinang tinatapik tapik  ang likuran nito.

Naramdaman ko na mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa'kin at nakasuksok na ang mukha niya sa leeg ko. ilang minuto pa at nagulat ako ng naramdaman kong lumapat ang labi niya sa leeg ko. ramdaman ko ang pamamasa duon dahil sa laway niya na naiwan sa leeg ko.

Mahina ko siyang naitulak dahil sa gulat. Bahagya akong lumayo sakanya at napahawak sa leeg ko kung saan niya ako hinalikan kanina.

Tiningnan ko ito habang nakahawak parin sa leeg ko. naabutan ko pa ang pagdila niya sa labi niya ng tumingin ako sakanya.

"tita? bakit mo naman ginawa 'yon" hindi ko napigilan na itanong sakanya. nakatingin lang siya sa'kin at parang na siyahan pa siya sa naging reaction ko.

"Hmm, i was supposed to lick my lips. I forgot na nasa leeg mo pala ang labi ko. my bad." Hindi ko ito sinagot at dali-daling pumasok ulit sa loob ng banyo para kumuha ng tissue.

"Let's go? your dad is alone out there" turo niya sa labas, kung nasaan si Papa. tumango nalang ako dito at sinenyasan siyang mauna na.

10pm na at hanggang ngayon ay nandito parin kami ngayon sa labas. Sabado naman bukas, kaya okay lang na magpuyat. Walang pasok.

Tuloy lang sila sa kwentohan habang nanunuod lang ako sa tiktok at paminsan minsan ay sumasagot kapag tinatanong nila.

"Well it's getting late already na Conrad, i better go home now" rinig kong sabi ni tita Anastasia. Kaagad akong nag angat ng tingin, nagulat pa ako ng kaagad magtama ang tingin namin sa isa't isa. ngumiti ito sa'kin kaya ngumiti nalang din ako ng tipid bago ibinalik ang atensyon sa hawak ko na phone.

"You can sleep here hon. there's a lot of guest room here, it's late already hindi na safe sa labas... Right sweetheart?" Si papa tiningnan ko muli si tita Anastasia at naka tingin narin pala siya sa'kin na parang hinihintay ang sagot ko.

Late na nga at paniguradong delikado na sa labas. Baka mapano pa siya kung babyahe siya ng ganitong oras.

"Ah yes po, tama si papa hindi na safe sa labas." sagot ko at ngumiti ng tipid. nakita ko naman ang pag silay ng malawak na ngiti nito sa labi. lalo siya sumaya sa sinagot ko.

"Okay. If you guys insist."

"Great so paano ladies? let's call it a night" si papa tumayo na ito at ganoon din kami ni tita Anastasia.

Nauna na itong pumasok dala yung mga basong pinag-inuman namin kanina. naparami ang inom ko kaya naman medjo nahihilo na ako. Hindi naman ako umiinom and this is my first time drinking.

hahakbang palang sana ako ng makaramdam ako ng sobrang pagkahilo. Napahawak ako sa ulo ko at sandali pang tumigil dahil medjo kumirot ito.

"You okay bab-- Andra?" Si tita Anastasia na mabilis akong hinawakan sa braso at inalalayan.

Tumango lang ako at lalakad na sana ulit, pero kaagad rin napatigil dahil naramdaman ko na ipinulupot ni tita ang kanyang kaliwang braso sa bewang ko. Nagulat ako kaya naman tiningnan ko ito. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil busy itong inaayos ang laylayan ng damit ko na tumataas. inaalalayan na niya akong makapasok sa loob nang bahay.

"Oh what happened? Andra? anak are you okay?"

Mula kay tita Anastasia ay napalingon naman ako kay papa na kababalik lang galing sa loob.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now