Special chapter

21.4K 594 268
                                    

Andra's POV:

Maaga akong nagising para ipaghanda nang breakfast yong dalawang bata. Isang 7 years old at isang isip bata. Ngayon ko rin balak pumunta sa hospital para bisitahin siya.

It's been seven years since I last saw her. I already moved on from what happened. Pinatawad ko na siya sa mga ginawa niya sa'kin.

Hindi ko alam pero hindi ko  magawang magalit sakanya habang panahon. Minahal niya lang ako, pero sa maling paraan. Nagawa niya lahat ng 'yon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'kin.

Simula ng magising ako ay hindi ko na siya nakita. Ang sabi ni Astrid ay nasa mental hospital daw ito at kusa na mismong sumuko. Napag-alaman ko din na hindi legal ang kasal namin ni Eli, dahil peneke ni Alianna ang mga papeles para hindi ako tuluyang makasal sa kapatid niya.

Hindi naging madali sa'kin ang lahat. Sobra akong nanibago, to the point na kahit si Anastasia ay ayaw ko na lumalapit sa'kin dati dahil feeling ko ay sasaktan niya din ako physically.

I suffered a lot. Mentally, emotionally. Nagka Post-traumatic stress disorder rin ako for 2 years. Salamat sa mga doctor ni Anastasia at nalagpasan ko ang mga ito.

Bumangon na ako para maghanda, Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing parin na natutulog. Mahina pa akong napatawa ng mahina dahil bahagya pang nakaawang ang labi nito. Cute.

Bago pumunta sa baba ay inuna ko muna na puntahan ang kwarto ng mga anak namin... Inuna ko ang kwarto ni Miracle dahil ito ang mas malapit sa kwarto namin ng mom niya.

"Miracle? Anak, are you awake already?" Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.

Naabutan ko ito na nakaupo sa gilid ng kama niya habang may hawak hawak na laruan. Mukhang kakagising lang din nito dahil nakatulala pa siya habang nakatingin sa bintana.

Nilapitan ko ito bago lumuhod sa harap niya at ngumiti.

"Good morning, my miracle." Inayos ko ang magulong buhok nito bago lumapit para halikan ang pisngi.

Anak nga talaga siya ni Anastasia. Sobrang ganda ng anak namin. Habang lumalaki ito ay mas lalo lang siyang nagiging kamukha ni Anastasia. Idagdag pa ang height nito na hindi pang 7 years old. Kung hindi lang siya baby face ay baka napagkamalan na itong grade 6 dahil sa tangkad niya.

"Mama, I want to drink Choc. O" sabi nito habang nakatingin parin sa bintana ng kwarto niya.

"No love, You need to eat breakfast first. masyado pang maaga para uminom niyan." Sagot ko bago tumayo para kargahin ito at isama nalang sa'kin pababa.

Hindi naman ito sumagot at mukhang inaantok pa dahil isinandal nito ang ulo sa balikat ko.

Sunod ko naman pinuntahan ang isa pang miracle sa buhay namin ni Anastasia. Isasara ko na sana ang pinto nang kwarto ni Miracle ng bigla naman akong napatingin sa pinto ng kwarto namin.

Gising na ang isa pang baby.

"Baby? What time is it?" Nakapikit pa ang isang mata nito at pilit na binubuksan pero mukhang inaantok pa talaga siya.

Tiningnan ko ang suot ko na apple watch at 6:30 palang naman. Sunday naman ngayon at wala siyang trabaho kaya dito lang kami sa bahay pero dahil nga pupunta ako sa hospital ay pilit na sumasama ang isang to.

"6:30am. Bumalik kana muna don at gigisingin nalang kita mamaya." Tumango-tango naman ito at tumalikod na para bumalik sa kwarto.

Napa facepalm nalang ako sa isip ng malakas itong nauntog sa pinto ng kwarto namin. Ano ba namang babae to.

"Damn." Rinig kong sabi niya habang hawak hawak ang noo kung saan siya nauntog.

"Gising kana ba?" Natatawang tanong ko sakanya.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now