Special Chapter 2

23.9K 595 231
                                    

Seiara Miracle Goroztiza's POV:

Today is such a great day. Nakuha ko lang naman ang gusto, As always.

Paniguradong proud nanaman sa'kin si Mom and Mama dahil na close ko lang naman ang isang malaking deal.

Nakangisi akong pumasok sa office ko at uupo na sana sa swivel chair ko ng bigla naman tumunog ang telepono dito sa loob ng office ko.

"Hello?"

"Miracle, come here at my office. Now." It's mom.

Hindi na ako nakasagot dahil mabilis nitong pinutol ang linya. This is bad. Ganito siya kapag nagagalit siya or may isa sa'min ni Farah ang may nagawang kasalanan.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, dali-dali na akong lumabas sa office ko at kaagad pumunta sa elevator papunta sa office ni mommy Anastasia.

Mabilis lang naman akong nakarating dahil wala akong kasabay sa elevator. Nasa labas na ako ng office ni mommy, hindi muna ako pumasok at piniling kumatok muna.

Walang sumasagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tuluyan na akong pumasok ng makita ko si Farah na nakaupo sa floor ng office ni mommy habang hawak hawak ang pisngi niya. Mukhang na sampal ni mom.

"Ma? Mommy, what happened? Farah? Ano nanaman ito!" Tanong ko habang pabalik-balik ang tingin ko sa magulang ko at sa kapatid ko.

Hindi basta bastang nananakit si mommy. Siguro ay nasagad nanaman siya ni Farah kaya napagbuhatan ito ng kamay.

I can't blame my parents kung minsan nilang nasasaktan si Farah. She's such a stubborn child.

Hindi ko alam ang nangyayari sakanya dahil palagi akong busy sa trabaho. Farah is still in college, laman siya ng detention room at palaging nasasangkot sa gulo.

"Your sister, miracle. Nahuling gumagamit ng marijuana sa loob ng school. Seriously, Farah? Ano bang nangyayari sayo? Anong ginawa namin sayo para maging ganyan ka? Hindi naman kami nagkulang sayo hindi ba--" si Mama Andra.

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil marahas na tumayo si Farah at hinarap simama--

"Shut up, Ma. Hindi nga ako gumagamit. Bakit ba ayaw niyong maniwala sa'kin, huh?"

kaagad naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Farah kay mama. Mabilis akong lumapit kay mommy ng bigla nitong malakas na sinampal si Farah.

"Ameliana Farah. Don't talk to your mother that way. You're grounded." Seryoso at nakakatakot na sigaw ni mom.

"What is wrong with you, Farah? Bakit pinagsalitaan mo si mama ng ganun." Naiinis din ako sa inaasta niya. Wala siyang galang.

I don't know what happened to my sister. She used to be the prim and proper child. A loving daughter and sister.

Ni hindi nga makabasag pinggan yan before. Simula ng mag college siya ay naging ganyan na siya. Nagiging rebelde at natuto narin sumagot sa magulang namin.

"Dahil ayaw niyong maniwala sa'kin! Sinabi nang hindi ko nga ginawa yon." Pasigaw na sagot nito.

~

Matapos ang sagutan na nangyari sa office ni mommy ay tuluyan niyang ginawa ang sinabi niya. Farah is grounded for 3 months. No phones or gadgets at kahit mga barkada niya ay hindi niya magagawang makausap.

"What do you think happened to your sister?" Nandito ako sa office ko habang nakatingin sa mga naglalakihang building.

Napalingon ako kay Solene na nakaupo sa sofa dito sa office ko. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa mukha.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now