Chapter 39

21.9K 788 614
                                    

Andra's POV:

"We will talk. Later."

Napakunot noo ako ng mabasa yung text message. Galing nanaman ito sa iisang number na nagtext sa akin nung nakaraan.

I was about to reply pero kaagad din natigil nang tumunog ang phone ko, tumatawag si papa-

"Hello Andra? Anak where are you na? Kasama ka sa magiging meeting later dito sa kompanya" bungad kaagad sa akin ni papa sa kabilang linya.

Nagtataka naman ako sa sinabi niya, Ano naman ang gagawin ko dun?

"Po? Bakit po kasama pa ako?" Tanong ko sakanya, iniisip ko kasi kung bakit at para saan.

"Basta sweetheart, I will explain to you later okay. Dalian muna dahil 2pm ang start ng meeting. Bye." Yun lang ang sinabi niya at kaagad naman akong pinatayan ng tawag.

Tiningnan ko lang ang screen ng phone ko bago kibit balikat na inilagay yun sa night table at bumalik sa pagkakahiga. 12:30 palang naman may isang oras pa ako para matulog.

Na gising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng phone ko, nakapikit pa ang isang mata ko bago ko kinuha ang phone at sinagot ang tawag-

"Hello" inaantok na sagot ko sa kung sino man yung tumawag.

"Hello miss Zobél Andra, this is Muriel po, your dad's secretary. pinapaala ko lang po yung meeting niyo mamaya kasama ang mga shareholders."

Kaagad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga dahil sa narinig. Tiningnan ko ang oras at ganon nalang ang panlalaki ng mata sa nakita, shete 1:30 na 2pm ang start ng meeting na sinasabi ni papa.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos. Nagsuot lang ako ng long sleeve na kulay light blue, polo ang tatak. at isang trouser na high waisted na kulay white.
Binuksan ko na lang yung dalawang butones ng long sleeve.

Pag kalabas ko nang bahay ay kaagad akong pumasok sa ginagamit na sasakyan ni papa, wala kase akong sasakyan dito sa Pilipinas dahil nasa new york, sayang naman kung bibili pa e babalik rin naman ako.

"Good afternoon mam andra" bati ng bagong driver ni papa. Tumango lang ako dito at ngumiti, kaagad naman niyang pinaandar ang sasakyan papunta sa kompanya.

Ito ang pangalawang beses na makakapunta ako sa main company nila papa. Unang beses kong pumunta don ay noong pinakilala ako ni Abuelito sa mga empleyado niya.

Ilang minuto lang naman ang itinagal ng byahe mula bahay hanggang dito sa kompanya. Nasa tapat na ako ng entrance ng building, pinagmamasdan ko ang paligid masyadong malaki ang pinagbago.

"Hi, Zobél Andra." Maikling sabi ko sa babaeng nasa front desk ng kompanya.

Napangiti ako ng tipid dahil kaagad nanlaki ang mga mata nito sa sinabe ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil may tinatawagan pa siya sa telephono.

"Ahh..ahm miss Zobél, pake hintay nalang daw po ang secretary ng daddy mo" itinuro niya yung malaking sofa malapit sa may entrance. Nagpasalamat naman ako bago pumunta don para umupo.

Ilang minuto lang at kaagad naman ng dumating ang secretary ni papa na si Muriel. Sabay kaming pumunta sa floor kung nasaan ang office ni papa.

"Pa" masayang tawag ko kay papa ng nakapasok na ako sa loob ng opisina niya. Nag-angat naman kaagad ito ng tingin sa akin habang busy siyang nakaupo sa swivel chair at may binabasa sa mga papelis na nakakalat sa harapan niya.

"Andra" nakangiti itong tumayo sa pagkakaupo at dali-daling pumunta sa harapan ko para yakapin.
"Buti naman at sumunod ka anak" natawa nalang ako bago umiling-iling at pumunta sa bangko na nasaharapan ng table niya.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon