Chapter 12

29.6K 1K 930
                                    

Andra's POV:

Today is Monday. Maaga akong pumasok sa school dahil nga Monday at required sa mga marian's na umattend sa Rosary.

Para mabawasan narin ang kasalanan ko. Ipagdadasal ko sana si Anastasia kaso baka kontrahin nung tito niya sa baba kaya wag nalang.

Nakatayo lang ako sa pila habang may hawak na Rosary. Naramdaman kung may kumakalabit na demonyong kulay blonde ang buhok sa likod ko-

"Hoy ang seryoso mo naman diyan, baka makarating kana sa langit ha" ang bwesit na si Angela. Hindi talaga bagay yung name niyang Angela sakanya e.

"Manahimik ka" yun lang ang sinabe ko at nag focus nalang sa pakikinig kay sister.

Huling subject na namin to sa umaga 10:30am ang start nang last subject namin pero 11:49 na wala parin si miss Sajo.

"Dadating paba si miss?" Tanong ni Margaux sa mga kaklase namin na busy sa mga kanya-kayang ginagawa.

Ang iba ay naglalaro ang iba naman ay nakikipag harutan sa mga jowa nila at ang naman ay natutulog.

"Wala sila, may emergency meeting daw para sa bagong president ng school" sagot nung class president namin.

Bagong president ng school? Ah baka anak ni president wenceslao ang papalit sakanya. Dahil sa sobrang boring sa loob ng room, naisipan nila Angela at Margaux na tumambay sa labas nang classroom. Naghila kami nang mga bangko para ilagay sa labas.

Ang ganda kasi ng tanawin dito sa labas, makikita mo yung mga studyanting naglalaro sa malawak na field sa baba.

Tahimik lang akong nagbabasa ng libro habang yung dalawa naman ay walang tigil ang bunganga sa kakachismis sa isa't isa.

"Oo nga paulit ulit margox"

"Paano mo nasabi?" Si Margaux na seryoso ang awra na nakatingin kay Angela.

"E kasi...may bibig ako?" Hays.

"Wala talaga kaming maaasahang matinong sagot galing sayo." I say Tama Margaux.

"Pero seryoso, chinat kasi ako ni Hugo kanina e ang ganda nung bagong owner nitong school hot mommy"

Binaba ko ang librong binabasa ko at nag-angat nang tingin kay Angela. New owner?

"New owner? As in bagong may ari? Hindi na wenceslao?" Seryoso kung tanong. kinuha ko yung mountain dew ko at ininuman.

Tumango tango si Angela habang kumakain nung turon niya.

"Oo Goroztiza daw ang last name, Anastasia Goroztiza- ANDRA" sigaw ni Angela ng maibuga ko sa mukha niya yung iniinom kung mountain dew-

Ang sakit sa lalamunan.

"A-ano? Sino?"

"Anastasia daw, Goroztiza... Ano bayan andra kadiri" sagot niya naman.

"Baliw ba siya? Bakit niya binili yung school."

"Ano? Are you saying something?" Napailing ako sa tanong niya at bumalik sa upuan ko.

Anastasia ano ba. Wala kana bang mapaglagyan ng pera mo kaya kung ano-ano nalang ang ginagawa mo sa buhay mo?.

Nagulat ako nang biglang mag ring ang bell sa may taas ng classroom namin meaning lunch break na.

Niyaya na ako nung dalawa na pumunta sa Cafeteria para kumain. Naglalakad kami sa hallway ng school nang biglang may humawak sa kaliwang kamay ko-

"Hi Andra" it's Ryan. he's a basketball captain here sa school, nung isang linggo niya pa ako kinukulit na payagan ko daw siyang manligaw.

Hindi ko nalang siya pinapasin dahil baka malagot ako kay Anastasia, demonyo pa naman yun.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now