Chapter 42

21.3K 740 669
                                    

Andra's POV:

Maaga akong nagising dahil ito ang pangalawang araw ko na papasok sa kompanya. Pinakilala na ako kahapon ni papa sa lahat ng empleyado ng kompanya bilang bagong COO ng Admiral Zobél Cooperation- AZO

Madali lang ang magiging trabaho ko sabi ni papa dahil kailangan ko pang tapusin ang pag-aaral ko ng BS Aviation sa isa sa mga sikat na pilot school dito sa Pilipinas.

Kailangan ko lang ng matinding time management dahil kailangan ko maging active sa kompanya.

Pinangako naman ni papa sa akin na tuturuan niya ako hanggang sa kaya ko na.

About naman sa naging usapan namin ni anastasia nung nakaraang araw sa tagaytay ay maayos naman na kaming nag kaliwanagan.
Hindi lang yun ang huli namin pag-uusap dahil hanggang sa naihatid niya ako sa bahay ay walang sawa ito sa paghingi ng tawad.

Sinabi rin niya sa akin na kung pwede raw ba niya akong ligawan ulit at masaya naman akong pumayag.

Mahal ko parin si Anastasia, kahit sobra akong nasaktan sa nangyari noon meron paring part sa akin na hinahanap hanap ko ang presensya niya. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sakanya, napalitan lang yun ng galit pero after kong malaman ang totoong nangyari ay napatawad ko narin naman siya.

Parehas lang kaming nag suffer. Pero nasaktan rin ako sa katotohanan na may nangyari parin sakanila ni Margaux.

Pero matagal na yun. Wala na nga akong balita kay Margaux at pati narin kay Angela. Hindi ko na alam kung nasaan sila.

8am na kaya dali-dali akong lumabas ng bahay dahil baka malate na ako.
Wala parin akong sasakyan hanggang ngayon kaya hatid sundo parin ako ng family driver. Pagkapasok ko palang ay kaagad ng pinaandar ni kuya driver ang sasakyan papunta sa kompanya.

Ilang minuto lang naman ang tinagal nang biyahe at kaagad naman nakarating ng safe sa labas ng building. Maraming empleyado ang bumabati sa akin at binabati ko rin naman sila pabalik. Mabait si papa sa mga empleyado niya kaya kailangan ako rin.

Papasok palang ako sa loob ng elevator ng biglang tumunog ang phone na hawak ko. Inangat ko yun para makita kung sino ang nagtext, kaagad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita na si Anastasia yun.

Atasia:

Good morning gorgeous ❤️

can i come to your office later👉🏻👈🏻

I miss youuu 🥺

Bahagya akong napatawa sa mga emojis na sinisend niya sa akin. Pumasok muna ako sa loob ng elevator bago nagreply.

To Atasia:

Morning, sure bawal pumunta pag walang dalang foods HAHAHA

Minsan masarap din talagang pagtripan tong si Goroztiza e, kaagad naman siyang nagreply na ikinatawa ko ng malakas. Buti ako lang ang tao sa loob ng elevator.

Atasia:

What do you want baby? do you want the whole restaurant nalang?

Napangiti nalang ako at napiling hindi nalang replyan. Baka totohanin baliw pa naman.

Ng makarating na ako sa loob ng office na binigay ni papa ay kaagad akong naglinis ng table kumuha lang ako ng wipes at inalis ang konting mga alikabok sa taas ng table bago naupo sa swivel chair.

Wala pa akong secretary dahil hiring palang naman, kaya ako muna sa ngayon mag-isa.

Inumpisahan ko ng magbasa-basa ng ibang mga documents sa email o sa mga papel na nakakalat sa harapan ko para naman mabawas bawasan.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon