Chapter 50

20.1K 576 381
                                    

Andra's POV:

Nagising ako dahil sa malakas na sigawan dito sa loob ng kwarto.

"Shut up, Alianna. Akala ko ba matalino ka? Ano ba ang hindi mo naiintindihan, ha? Kasal na nga kami diba." Rinig kong sigaw ni Eli.

Dahan-dahan kong nimulat ang mga mata ko. kahit medjo malabo pa, ramdam ko na hindi lang silang dalawa na magkapatid ang nasa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Sinaktan mo siya Ame. Sinabi mong mahal mo siya... But look, look at her. Ganyan ba ang pagmamahal." Sagot naman ni Alianna.

Unti-unti nang lumilinaw ang mga mata ko. Kita ko na may isa pa silang kasama na babae, nakaupo lang ito sa sofa na malapit sa may pinto habang pinapanuod yung dalawa.

Hindi ko siya masyadong makilala dahil hanggang ngayon hilo parin ako.

"Normal lang yon sa mag-asawa. Hindi ko naman sinasadya e, nabigla lang ako."

Gusto kong maupo dahil feeling ko sobrang tagal ko na nakahiga. Dahan-dahan akong umupo sa higaan,  napa aray pa ako dahil bigla sumakit ang noo ko.

Matagal akong napakapit dito dahil naramdaman ko na may nakabalot sa may ulo ko. head bandage?

Napatingin rin ako sa left arm ko. Meron din itong nakabalot na arm  bandage.

Sinuri ko ang buo kong katawan, marami akong pasa at sariwa pa silang lahat. Napangiwi pa ako ng biglang sumakit ang buo kong katawan.

Naagaw ko yata ang atensyon nila dahil bigla silang tumahimik. Nag-angat ako ng tingin kay Eli at kaagad naman nagtama ang mga mata namin sa isa't isa.

Mukhang nagulat pa ito ng makita akong nakaupo na sa kama, pero kaagad rin naman itong ngumiti ng malawak at dali-daling naglakad papunta sa tabi ko.

"Hon. Thank God you're awake now. i'm so worried about you" sa sobrang bilis niya, hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya at niyayakap na ako.

Napatingin naman ako sa kapatid nito na tahimik lang na pinapanuod ang ginagawa ng kapatid niya. Napansin niya siguro na nakatingin ako sakanya kaya bigla itong tumingin sa'kin.

Ngumiti ito ng tipid. Tumingin siya sa mga mata ko bago bumulong nang
"You'll be fine." Nagtaka naman ako sa kinilos niya, pero kaagad rin naman itong umiwas ng tingin.

Bigla naman nag-play sa isip ko yung nangyari sa'min ni Eli. Yung mga ginawa niya sa'kin. Hahalikan na sana niya ako sa pisngi, pero kaagad kong nailayo ang mukha ko.

Gamit ang right hand ko, pilit kong inalis ang hawak niya sa katawan ko. Hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya, kaya kaagad ko itong naalis.

Hindi ko tiningnan ang naging reaksyon niya dahil nagsisimula na naman manginig ang katawan ko, dahil sa takot sakanya.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero biglang nag-play sa utak ko yung mga nangyari sa mga nakaraang buwan. Yung mga pananakit niya sa'kin sa loob ng kwarto kung saan inakala ko na mamamatay na ako. Yung sex video, the way she hit my head on the wall. Yung pag kidnapped niya. Lahat lahat ng ginawa niya sa'kin.

"Ahhhhhh, no. D-don't. Don't touch... Please don't." Sigaw ko.

Lalapitan niya pa sana ako ng bigla akong tumakbo sa kung saan-saan. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko.

"Please, Andra. Don't hit your head."
Rinig kong sigaw ni Alianna.

Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko. Ang alam ko lang gusto kong maalis sa isip ko yung mga nangyari, hindi ko na kinakaya.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora