Chapter 35

21K 821 327
                                    

Andra's POV:

"How are you?"

Napatingin ako kay Anastasia na nakaupo na sa gilid ko, hindi siya malapit sa akin pero hindi rin malayo.

Nakatingin lang siya sa harap ng TV habang ako naman ay nakatingin sa maganda niyang mukha. Hindi ako sumagot dahil nakatingin lang ako sakanya kaya dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Good. I'm Good" nagtitigan pa kami ng ilan pang minuto bago ko naisapang umiwas ng tingin.

nasasaktan parin talaga ako kapag nakikita siya hindi ko alam kung dahil ba sa nakaraan o dahil sa laki ng pinagbago niya.

Ramdam ko nakatingin parin siya sa akin, pero hindi ko siya tinitingnan pabalik. Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo dito at tanging yung ingay lang sa TV at nung dalawang naglalampungan sa kama ang naririnig namin.

"Gusto niyo bang lumipat kami sa kabilang room para makapag-usap kayo? Baka nakakaistorbo kame ha" napalingon ako kay Astrid na nakaupo na sa kama habang yung Lauren ay nasa likod niya at hinahalikan ang batok ni Astrid-

Napairap nalang ako bago magsalita-
"Baka kami pa ang nakakaistorbo? Nakakahiya naman sainyo-" naputol ang sasabihin ko nang tumawa ng malakas yung baliw kong pinsan.

"Hala couz, buti naramdaman muna? Grabe ang slow mo" nag tsk tsk pa ang baliw bago umiling-iling at bumalik sa ginagawa nila kanina.

Nagtatawanan yung dalawa dun habang tahimik lang kami ni Anastasia na nakaharap sa TV, naramdaman ko na tumayo yung dalawa at umupo sa kabilang couch kaya napatingin ako sakanila at ganun din si Anastasia

"Hindi ba kayo naiinggit?" Nakangising tanong ni Astrid habang nakaupo ng patalikod sa lap ng girlfriend niya-

"No." "Shut up astrid" nag katinginan pa kami ni Anastasia dahil sabay kaming nagsalita. Kaagad kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa kaya na tawa ng malakas si Astrid habang si Lauren naman ay nakangisi lang na nakatingin kay Anastasia.

"Really Atasia?" Nakataas ang isang kilay ni Lauren habang nakatingin siya kay Anastasia, Lauren smirked more ng hindi sumagot si Anastasia at seryoso lang nakatingin sakanya.
"Oh right, change life kana nga pala" tumango tango pa si Lauren bago inilagay ang baba sa balikat ni Astrid.

Naghaharutan lang yung dalawa sa harap namin ni Anastasia, habang kame naman ay tahimik lang na nakaupo at tinitingnan yung dalawang ubod ng landi dahil sa harap pa talaga namin.

Alam ko na nakatingin sa akin si Anastasia dahil nasa tabi ko lang siya pero hindi ko siya tinitingnan pabalik-

"Andra..." Nagulat ako ng lumapit siya sa akin bago niya ako tawagin, tumingin ako sakanya habang nakataas ang isang kilay hinihintay siyang magsalita- "ahm.. can i invite you to-" naputol ang sasabihin ni Anastasia ng may biglang kumatok sa pinto.

Napatingin naman ako dun pati narin si Anastasia at yung dalawa na wala yatang sawa sa kakahalikan sa harap namin, bwesit na astrid to sugat sugat na yung labi ni Lauren hindi parin tinitigilan.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Anastasia at kaagad akong tumayo para buksan yung pinto-

"Kris? Bakit?" Nakangiting tanong ko sa pinsan ko.

Tumingin naman siya sa likod ko bago ngumiti at humarap na ulit sa akin-

"Andra may naghahanap sayo, si Ezra Gonzalez. Nasa labas siya" sabi niya habang nakatingin lang sa akin.

"Sige paki sabi wait lang" ngumiti lang siya at tumango.

Sinarado ko muna ang pinto bago ako bumalik sa couch at kinuha yung basag ko na phone. Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Anastasia yung wrist ko, hindi mahigpit pero hindi rin maluwag tama lang.

Nakatingin lang siya sa akin habang hawak-hawak niya ang wrist ko. Tumingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi siya sumasagot at nakatingin lang sa akin, ng ilang segundo pa ang tinagal ay ako na ang umalis sa pagkakakapit niya.

Hindi naman siya nagpumilit pa at hinayaan nalang ako sa ginagawa ko, tahimik lang yung dalawang mag jowa sa gilid habang nakatingin sa amin ni Anastasia.

Hindi na ako nagpaalam at dali-dali nalang lumabas ng kwarto. Pagka sarado ko palang ng room ay kaagad akong napahinga ng malalim, gosh grabe parin talaga yung effect niya sa akin.

Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang tumawag sa akin-

"Isabel..." Kaagad akong napalingon sa tumawag sa akin, si Eli. "Hi" nakangiti ito habang lumalakad palapit sa akin.

"Hi Eli, buti nakarating ka" hinalikan ko siya sa pisnge na kaagad niyang ikinapula, napakunot noo naman ako dahil baka naiinitan siya.

Ng makabawi ay kaagad siyang ngumiti sa akin at niyakap ako. Napakunot noo naman ako dahil sa ginawa niya pero tinugunan ko nalang. Hihiwalay palang sana ako kay Eli ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto sa likod ko kaya napatingin ako-

Laking gulat ko naman ng makita ang seryosong mukha ni Anastasia na nakatingin sa amin or kay Eli. Kaagad akong napahiwalay kay Eli at inayos ang sarili ko bago ibinalik ang tingin kay Anastasia na hanggang ngayon ay seryoso parin siyang nakatingin kay Eli.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom na ngayon, ng siguro ay naramdaman niyang nakatingin ako dun ay kaagad siyang bumuntong hininga bago naglakad paalis. Akala ko ay sa gilid siya dadaan pero laking gulat ko ng sa gitna siya mismo namin ni Eli dumaan kaya napahiwalay ang kapit ni Eli sa kamay ko.

"What is wrong with her? And... What is she doing here?" Nagtatakang tanong ni Eli sa akin habang ang tingin niya ay nasa likod ni Anastasia na naglalakad na palabas ng hallway ng kwarto.

Napailing-iling nalang ako bago ngumiti sakanya at niyaya na siya para ipakilala kay papa-

Lalakad palang sana ako ng bigla ulit bumukas ang pinto at iniluwa nun yung dalawa, napairap nalang ako at tiningnan ang pinsan ko na inaabot nanaman ng kaharutan.

"Astrid pwede ba, ikalma mo nga nasa funeral tayo ni Abuelito" may diin na sabi ko. Kaagad naman siyang humiwalay kay Lauren na seryoso lang na nakatingin kay Eli bago nag peace sign.

Inirapan ko nalang siya bago ako napatingin sa girlfriend niya na tinitingnan si Eli mula ulo hanggang paa na para bang jinajudge niya si Eli.

Problema neto.

"Baby, punta lang ako kay Anastasia" rining kong sabi ni Lauren bago hinalikan si Astrid sa labi at umalis na. Pero bago yun ay nakita ko pang inirapan niya si Eli na ikinabigla ko naman.

"Problema ng jowa mo, hawang hawa sa kaibigan ah" bulong ko kay astrid. Natawa lang ang baliw bago nagtatatalon na lumabas ng kwarto.

Napailing-iling nalang ako bago tiningnan si Eli na busy lang sa phone niya.

"Eli? Let's go" tawag pansin ko sakanya. Tumango naman siya at ngumiti. Naglalakad na kami palabas ng kwarto ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Napatingin naman ako sakanya pero seryoso lang itong naglalakad papunta sa labas. Hinayaan ko nalang dahil parang wala siyang balak na pakawalan ang kamay ko.

Paglabas namin ni Eli ay kaagad kong nakita si Papa na kausap si Lauren at Anastasia. Kaagad nagtama ang tingin namin ni Anastasia, napakunot noo ako ng bigla niya akong irapan at tumalikod. Napailing-iling nalang ako at niyaya si Eli na pumunta kay papa para ipakilala.

Palapit palang kami ng biglang umalis si Anastasia sa tabi ni Lauren habang nakahalukipkip, tumingin muna ito sa akin bago kay Eli at umirap-

"What is her problem?" Bulong na tanong sa akin ni eli habang ang tingin niya ay na kay Anastasia. Tinaas baba ko nalang ang balikat ko bago tumingin kay Anastasia na nakaupo na sa tabi ni Lauren.

"Pa this is-" naputol ang sasabihin ko nang may biglang nagsalita sa likod ko-

"Conrad, mauna na kami. Anastasia is not feeling well e, baka mag tantrums siya here "

-----------------------------------------------------------
A/N: boring chapter muna gays, sorry walang update for 2 days? Busy lang hehe bawi ako mamaya 2 or 3 chaps.

❤️

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now