Chapter 36

21.7K 825 801
                                    

Ameliana Ezra "Eli" Gonzalez in the Media :)

Andra's POV:

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas. na ilibing na si Abuelito kaya nag babalak na akong bumalik sa New York para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Sa nakalipas na dalawang linggo parating dumadalaw sa bahay si Eli pati narin si... Anastasia.

Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Anastasia sa akin, napansin ko na sobrang laki ng pinagbago niya hindi na siya mapilit at nirerespeto na niya ang mga desisyon ko.

Nandito ako sa kwarto dahil kakatapos lang ilibing ni Abuelito. Masakit ang ulo ko dahil siguro sa kakaiyak kanina pati narin sa init at sa pakikipag socialize sa mga kaibigan ng pamilya namin.

Napansin ko na ako palagi ang pilit pinapaharap ni papa sa mga bisita, ipinapakilala niya ako sa kung sino-sinong business partners or mga kilalang politiko.

"Isabel, are you okay?" Tawag pansin sa akin ni Eli. Napatingin naman ako sakanya na nasatabi ko.

Siya ang nag hatid niya sa akin kanina dahil may kailangan pang gawin si papa sa office at si Astrid naman ay kasama si Lauren.

Syempre ano pa ba ang gagawin nila ang baliw na astrid hindi na nahiya kakalibing palang ni Abuelito tumakbo na sa sasakyan ng girlfriend niya.

"Yeah medjo masakit lang ang ulo ko" ngumiti ako sakanya ng tipid bago ibinalik ang tingin sa pinapanuod namin sa Netflix.

Nandito kase kami ngayon sa kwarto ko dahil nahihilo ako kanina napansin yun ni Eli kaya nagpilit siya na ihatid na ako dito sa bahay. Hindi ko naman alam na hanggang sa kwarto ay ihahatid niya parin ako. Pero kahit na ganon ay thankful parin ako sakanya dahil baka nahulog na ako sa hagdan kanina kung hindi niya lang ako kapit.

Hinihilot ko ang noo ko dahil masakit talaga ang ulo ko kanina pa, nasa tabi ko lang si eli dahil nakaupo kami sa sofa dito sa loob ng kwarto ko.

Naramdaman ko na nakatingin siya sa akin kaya binaling ko ang tingin ko sakanya at ngumiti.

she's just staring at me intently, na para bang nakikipag away siya sa isip niya. Napakunot noo naman ako bago siya tawagin dahil napaka seryoso niya habang nakatingin sa akin.

"Eli? May gusto kabang sabihin?" Napabalik naman kaagad ito sa wisyo dahil umiling-iling pa ito bago ako tiningnan ulit -

"Oh.. ahm I-I'm sorry" ngumiti ito sa akin bago umiwas ng tingin at nag focus nalang sa pinapanuod namin sa Netflix.

"Gusto mo ba ng food? Kukuha ako sa baba" tanong ko sakanya kaya napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Hindi na busog pa ako thanks, what about you? Gutom kaba gusto mo ikuha-" naputol ang sasabihin ni Eli at sabay kaming napatingin dahil kumatok si Manang sa labas ng kwarto ko.

"Wait lang eli" paalam ko bago tumayo, tumango naman ito at ibinalik nalang ang atensyon sa pinapanuod namin.

Dali-dali akong pumunta sa may pinto at binuksan yun- "yes manang?" Tanong ko kay manang Sonya na nasa labas ng pinto ko.

"Hija may naghahanap sayo sa baba, puntahan muna" sagot ni manang.

Napakunot noo naman ako at hindi na nagtanong pa, lumabas nalang ako ng kwarto at dali-daling bumaba ng hagdan.

Nakakailang step palang ako papaba ng hagdan ng makita ko ang babaeng nakatalikod habang nakaupo sa malaking sofa dito sa living room.

Deja Vu

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now