Chapter 2

35.4K 1.2K 740
                                    

A/N: yung chapter 1, bagong chapter na'yon. Deleted na yung original chapter 1. So baka malito kayo kung bakit hindi connected dito sa chapter 2. Ibabalik ko muna lahat ng chapters para mabasa nung mga bagong readers. then unti-unti ko nalang palitan para mag tugma :))

-----------------------------------------------------------

Andra's POV:

Nandito ako sa kwarto na binigay sa'kin ni sir Conrad-ni papa. hanggang ngayon na-iilang parin akong tawagin siya na papa.

Mag-iisang linggo na ako dito sa bahay niya. simula kase noong pumunta siya sa bahay at sinabi niya ang lahat-lahat sa'kin ay hindi na niya ako tinigilan pa.

Nalaman ko na sobrang yaman pala nito at may-ari nang ibat ibang malalaking kompanya. siya rin pala ang President and CEO nung Airport na gusto kong applyan kapag naging piloto na'ko.

Nung unang tapak ko palang sa bahay niya ay na mangha na ako sa laki at ganda nito. nakita ko pa ang mga baby pictures ko hanggang sa lumaki na'ko, naka display ito sa may pintuan na parang time lapse.

meron din akong malaking portrait  na nakasabit sa may hagdan, gagi ang ganda ko don. Yun yung time na naging Reyna Elena ako nung flores de mayo sa probensya nila nanay nuong umuwi kami.

Ang galing nang pagkaka paint nito,  kuhang kuha mas pina-ganda nga lang kaya hindi ko rin masyadong nakilala ang sarili ko.

+5 sa'kin yung nag paint.

Binitawan ko yung hawak kong phone nang may kumatok sa pinto nang kwarto ko-- "Hija? Andra baba nadaw sabi ng papa mo, kakain na."

Dali-dali akong napa bangon sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. kakatok pa sana si manang pero naunahan ko na siyang buksan ang pinto.

"Sige po saglit lang, paki sabi nalang po na susunod na ako. Salamat." tumango lang naman ito at bumaba na. nag suot lang ako nang oversized na t-shirt at maong short.

"Anak" lumapit sa'kin si sir Conrad at hinalikan ako sa noo at yumakap. ngumiti lang naman ako dito at pumunta na sa tabi nito.

Napansin ko na masyado itong clingy sa'kin. Siguro dahil matagal kaming hindi nagkita.

Nalaman ko sakanya na secretary niya ang tunay na mother ko. Nagkaroon sila ng relasyon pero saglit lang ito dahil sa hindi raw nagwork ang pagsasama nila. Nabuntis niya ang tunay na mama ko at hindi pinaalam sakanya. Bunsong kapatid ni nanay Leonor ang tunay kong ina, at ang kadahilanan daw ng pag kamatay nito ay dahil sa hirap huminga nuong pinapanganak ako.

Sinabi rin ni nanay na ayaw ni mama na ipaalam sa tunay na ama ko ang tungkol sa'kin. Kaya naman inadopt nila ako at tinuring na parang isang tunay na anak.

Tinanong ko naman si sir Conrad kung paano niya ako nahanap. Sinabi niyang matagal na niyang alam kung nasaan ako pero natatakot lang ito sa nanay ko dahil nga sa kadahilanan na hindi maganda ang paghihiwalay nila ng tunay na ina ko.

Nag start na kaming kumain, tahimik lang akong kumakain at ganuon rin naman siya. Minsan magtatanong lang siya sa'kin about sa school or kahit anong topic may mapag-usapan lang kaming dalawa.

"Hija?"

"Po?"

"Do you have any plans for tomorrow? may lakad kaba? Or kayo kasama ang mga kaibigan mo after school?" Nakangiting tanong nito sa'kin.

Umiling naman ako dahil wala naman akong gagawin bukas or kahit anong lakad. busy yung dalawa.

"Wala naman po, why po?" Mas lalong lumawak naman ang ngiti nito sa sagot ko.

Anastasia Goroztiza's Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now