16 | The Infinity

217 30 1
                                    

Chapter 16: The Infinity

"WHAT ARE YOU doing? Huwag mo nga akong sinusundan! North is there." Tinuro ko ang direksiyong pa-norte at bumuntong-hininga. "Stop pestering me, Chase, will you?"

Tinawanan lang ako nito na siyang lalong nagpainis sa akin. "Sungit. Por que may Ace ka na, itatakwil mo na ako?"

I scowled and proceeded forward. He continued babbling senseless things, but I did my best to ignore him and keep a close eye on the vicinity for any wandering citizens.

From afar, a man in an alley outside a convenience shop caught my attention.

"Manong, bakit pa po kayo nandito?" I approached the motorcycle driver who was still sitting on his vehicle. "Lahat po ng mga mamamayan ay obligadong sumunod sa paglikas na isinasagawa ng gobyerno. Hindi na sana kayo naririto."

However, the man spat violently on my side, making me flinch at his sudden reaction. "At sinong bobo naman ang maniniwala sa mga sinasabi ng gobyerno? Ano nga ulit 'yon, may aatakeng mga hindi kilalang dayuhan sa ating shudad? Ano'ng silbi ng gobyerno at sandatahang pambansa kung hindi naman nila kayang pigilan ang kaguluhang 'yon?!"

I bit my lip while listening to his rants. I was actually looking forward to seeing no one in this place, which meant that everyone had already moved out. Pero may mga tao pa rin talagang hindi naiimpluwensiyahan ng kapangyarihan ng pamahalaan, and yet I couldn't even blame them. We were all privy of the filthy tricks going on and behind the smiling and angelic faces of practically all leaders and politicians.

But this was totally a different case! Hindi gobyerno ang kalaban namin dito kung 'di mga makapangyarihang tao sa iba't ibang bahagi ng mundo na nais makuha ang mga bato!

If only I could tell him the truth, he'd understand why we were doing this.

"At ikaw, sino ka naman? Nagtatrabaho ka ba para sa gobyerno?" he sarcastically laughed. "Kawawang bata, sana nagtapos ka na lang ng pag-aaral. Walang magandang maidudulot sa 'yo ang pagiging alipin ng mga korap na lider ng Wesdale. Tanging kasinungalingan at kasamaan lang ang matututunan mo sa kanila."

My forehead creased. Napagkamalan pa ngang alipin ng gobyerno. Kung alam lang ni manong na kinamumuhian ko rin ang mga taong nasa likod no'n.

"Actually, hindi kami mga alipin ng gobyerno. Sila mismo ang mga alipin namin."

I exasperatedly sigh when I heard his voice. Akala ko pa nama'y tinigilan na niya ako.

"Kuyang driver, concerned lang naman kami sa buhay n'yo. Ayaw namin kayong madamay sa mangyayaring sagupaan dito sa Wesdale. Totoong may paparating na digmaang walang kasiguruhan kung atin ba itong maipapanalo o hindi, kaya mabilis kaming nagsagawa ng paglikas para maprotektahan ang mga mamamayan ng ating bayan," Chase explained and crossed his arms. "Pero kung ayaw n'yong sumunod, hindi na rin namin kasalanan kung nais n'yong matigok sa gitna ng bakbakan—"

"We're sorry, but we can't waste time. We need to do this the easier way," I softly said, interrupting Chase's words, along with the glowing of my eyes.

"Calm down and follow me."

Before the man could react, he was already entranced by my command. My voice held a great deal of authority, which compelled him to gape and make small nods.

And then a series of clap filled my ears. "Hoy, ang angas! Ngayon ko lang nasaksihan ang kakayahan mong 'yan!" Chase exclaimed with so much awe in his face. Pumasok na kasi siya ng ahensiya no'ng mga oras na ginamit ko ang kakayahang ito kay Sie kagabi. "But isn't that an act of controlling and manipulating someone without his consent? It's against the Law of Universal Order, Zai. Your power may corrupt you." Sumeryoso na ito at mariin akong tinitigan.

The Fifth OrderWhere stories live. Discover now