CHAPTER 21

162 3 1
                                    



"WOAH, ang cute-cute super!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"WOAH, ang cute-cute super!"

"Mini-me talaga ni Jewel, 'no?"

"Ahhh, Ate! Hinawakan niya daliri ko oh?"

Natawa si Ate Danica sa pinaggagawa at mga reaksyon ni Domi habang tinitingnan nila ang baby ko.

It's been two days now since manganak ako. Nasa ospital pa rin ako, pero nakakasama ko na ang baby ko rito sa kuwarto ko. Kinailangan ko lang mag-stay pa rito hanggang mamayang hapon, until I get an approval from Doktora Juliet na puwede na ako ma-discharge. They just have to be very sure that I am all good matapos kong manganak outside the hospital, lalo na at medyo maraming dugo raw ang nawala sa akin dahil doon. My bleeding has already stopped though, and I've been given blood transfusion. Hindi ko sasabihin na okay na ako, but I feel better now: physically at the very least.

"Oh siya, papasok munang school si Ninang Domi ha? Buh-bye, Baby Rosey!" paalam ni Domi sa anak ko.

"Mag-ingat ka papasok, ha?" paalala ni Ate Danica sa kapatid.

"Oo naman. Bye Ate Jewel, bukas dadalawin ko kayo sa inyo ha?"

Nakangiti akong tumango. "Sure. Basta ba tapos na schoolworks mo."

"Of course, ako pa ba?!" Naghalukipkip siya.

"At saka nga pala..." Tuwid akong umupo sa gilid ng hospital bed at hinarap siya nang maayos. "Domi, thank you sobra sa pagtulong sa amin ni Rosey noong nakaraang gabi. Seriously... bilib na bilib ako and thankful at the same time sa ginawa mo. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko na alam kung anong nangyari sa amin ng baby ko."

Sa wakas, nakapagpasalamat din ako nang maayos kay Domi. Kahapon kasi, halos buong araw lang ako natulog dahil sa panghihina. Kagabi ko nga lang nalaman kay Dion ang buong nangyari: kung paano buong tapang na nag-volunteer si Domi sa pagpapaanak sa akin, hanggang sa kung paano ito nanguna sa pagdedesisyon sa mga kailangan gawin mula sa pagtawag ng ambulansya hanggang sa mga gamit na dapat ihanda para sa panganganak ko. Si Domi raw ang pinakakalmado sa kanilang lahat noon at ang may pinaka-alam sa dapat gawin.

"Sus, Ate Jewel. No problem. Ako lang 'to." She acts proud once again, making me and Ate Danica laugh. "Basta ninang ako ni Baby Rosey ha?"

She's been proclaiming herself as Rosey's godmother which of course, inaprubahan ko kaagad. I am confident, she'll be perfect for that role in Rosey's life.

Domi soon takes her leave. Tinulungan naman ako ni Ate Danica sa pag-aayos ng mga gamit namin ni Rosey para handa na ang lahat mamaya kapag okay na kami umuwi.

Mula nang ma-admit ako rito sa ospital, halos hindi na ako iwan nina Ate Danica, Domi, at Dion. Kagabi at noong isang gabi na sinugod ako dito, si Dion ang nakasama ko. While on daytime, si Ate Danica ang naiiwan para samahan ako. And here it is again: 'yong pagkahiya ko sa sobra-sobrang pang-aabala ko sa pamilya nila.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now