CHAPTER 20

109 4 0
                                    


TODAY's a busy day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TODAY's a busy day.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dahil sa pagkirot mayamaya ng tiyan ko, pero pinili kong hindi muna iyon indahin. Although anytime puwede na ako manganak sabi ni Doktora Juliet as I am now two weeks away from my due date. Pero sa tingin ko, itong nararamdaman ko ay dahil lang sa kaba at excitement sa magiging 35th birthday party ni Ate Danica sa araw na ito.

"Phew!" Nagpunas ng pawis si Domi gamit ang isa niyang kamay habang nakapamewang at tinitingnan ang ayos na ginawa namin sa sala. "Puwede na ba, Ate Jewel?"

Nakangiti akong tumango-tango. "Ang ganda."

Favorite color ni Ate Danica ang color pink at ang cherry blossoms kaya ito, nagsabit kami ng mga artifical cherry blossoms mula sa may gate hanggang dito sa loob ng sala nila. Nagsabit din kami ng pink and white LED lights to compliment the arificial flowers for dramatic effect sa magaganap mamaya.

"Sana maging happy si Ate..." bulong ni Domi habang nakatitig sa inayos naming mga bulaklak sa sala.

"Bakit naman hindi? Pinaghandaan niyo 'to ni Dion at ni Kuya Leo. At saka," Mula kay Domi, nilipat ko rin ang paningin ko sa mga bulaklak. "Magiging isa ito sa mahalagang parte ng buhay niya. So for sure, sobra-sobra siyang magiging masaya."

Humugot nang malalim na hininga si Domi. "Na-feel ko lang na deserve ni Ate na maging super happy--ayun bang hindi lang basta happy. Kundi super, super, super happy! Siguro alam mo na, Ate Jewel, ang mga nangyari sa amin noon. Maraming sinacrifice si Ate Dani para sa amin ni Kuya Dion, hanggang sa magkasakit na lang siya kaya marami rin siyang sariling pangarap na hindi pa natutupad."

May lungkot sa tono ni Domi dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ko. Naalala ko rin tuloy ang mga naikuwento noon sa akin ni Ate Danica tungkol sa kanilang magkakapatid.

"Pero pramis talaga, kapag ako naman magka-work at maka-ipon, reregaluhan ko si Ate ng trip to Japan!" Lumiwanag din agad ang ekspresyon sa mukha ni Domi, ang boses niya ay nagkaroon muli ng sigla. "Tapos isasakto kong spring season para makita niya 'yong cherry blossoms doon."

Nginitian ko siya. Then my phone in my hand vibrates. Tiningnan ko iyon at nakitang nag-message si Dion.

"Si Dion... Pabalik na raw sila ni Ate Dani." Pag-update ko kay Domi.

"E si Kuya Leo?"

Umiling ako. "Hindi ko alam... I think thirty minutes ago pa siya huling nag-update sa akin."

Halos mapanganga si Domi. "Paano kung mauna umuwi sina Ate?"

Wala ako maisagot kay Domi. Nagtitigan na lang kaming dalawa, hanggang sa mapatakip siya ng mga tainga.

"Baka mag-fail ang plano natin!" Pagpa-panic niya. "Hindi maaari!"

Nakaramdam din ako ng panic. Parang lumala tuloy ang kirot ng tiyan ko. Napahawak ako rito bago nagsalita.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now