CHAPTER 1

219 7 3
                                    


"JEWEL, welcome back!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"JEWEL, welcome back!"

Nginitian ko si Arice na siyang bumati agad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa Editorial bay ng Team Magazine. Nakapuwesto na siya ng upo sa sarili niyang station habang umiinom ng kape sa hawak niyang mug.

"Kamusta ang isang linggong bakasyon, ha?" tanong naman ni Sir Warren with his usual na malambot at malambing na boses. Mula sa station niyang nakagitna sa aisle ng bay namin, binigyan niya ako ng isang mapanuksong ngiti.

Si Sir Warren ang isa sa pinakamatagal na rito sa SME Publishing at ang kasalukuyang Managing Editor namin. Fifteen years na rin siya rito, at kung saan-saang team at department na siya napadpad bago na-assign para i-lead and Editorial staff ng Team Magazine--which is ang team na kinabibilangan namin ngayon.

"Sulit na sulit naman po." Pilit akong ngumiti bago umupo sa sarili kong station sa tabi ni Arice.

"Wow naman sa sulit na sulit," panunukso ni Arice sa akin.

Senior editor naman si Arice ng team namin at pangalawa sa amin na pinakamatagal na rito sa kompanya. Ayaw nga lang niya magpatawag ng Ma'am o kahit man lang Ate kahit ba nasa limang taon din ang tanda niya sa akin.

"Maganda ba Boracay? 'Asan pasalubong ko?"

"Wala," natatawa kong sagot kay Arice. Hindi ko siya binalingan ng tingin at inasikaso ko kaagad ang pagbubukas ng computer ko.

"Wala? Puwede ba 'yong limang araw kang nag-Bora tapos wala ka man lang naiuwi kahit isang butil ng buhangin para sa amin?" reklamo pa ni Arice. Inusog niya ang upuan niya palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at inalog-alog ako. "Puwede ba 'yon, huh?"

Nakaramdam ako ng sakit sa paghawak ni Arice na pinilit ko balewalain, pero hindi ko kaya.

"A-aray. Huwag mo ako hawakan diyan." natapik ko ang kamay ni Arice dahilan para bitawan niya ako.

Natulala siya sa akin. Gulat naman na napatingin sa amin si Sir Warren at si Dion, ang isa pang associate editor kagaya ko naka-station sa likuran namin ni Arice.

"Bakit? Anong problema?" pagtataka ni Sir Warren sa naging reaksyon ko.

"Ah, w-wala po, may sugat po kasi ako sa braso ko kaya masakit." paliwanag ko habang naiilang na nakangiti. Napahawak ako sa braso kong iyon na buti na lang, natatakpan ng mahabang sleeves ng suot kong blouse.

Napansin ko si Dion na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Nagtataka rin kaya siya? Nag-aalala? O wala lang? Halos wala kasing karea-reaksyon ang hitsura niya, as always.

"Okay lang ba 'yang sugat mo?" seryosong tanong ni Arice habang nakatingin nang diretso sa akin. Naramdaman ko rin ang pag-emphasize niya sa salitang sugat.

Napalunok ako. Alam ko, alam na ni Arice ang nangyari sa akin.

"O-oo naman." sagot ko. "Pagaling na 'tong sugat ko..."

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon