CHAPTER 18

86 5 0
                                    


"OKAY ka lang?" tanong ko kay Dion na nakaupo sa tabi ko

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


"OKAY ka lang?" tanong ko kay Dion na nakaupo sa tabi ko.

Namimilog ang mga mata niyang napalingon sa akin, ang mga kamay niya ay nakahawak sa magkabila niyang tuhod.

I can tell, naiilang siya. Why not, puro buntis ba naman ang kasama namin ngayon dito sa lobby ng ospital.

Gaya ng paalam niya noong nakaraan, sinamahan niya ako sa scheduled prenatal check up ko ngayong araw. Buti na nga lang at Sabado ngayon at wala masyadong pasyente, hindi gaya ng ibang araw ng check up ko.

"Puwede mo naman akong hintayin na lang sa parking kung gusto mo." offer ko sa kanya. Nahihiya rin ako kasi hindi naman talaga niya ako kailangang samahan hanggang dito.

"Hindi," Napailing siya. "Okay lang ako. Sasamahan kita."

Nagtitigan kami. Seryoso siya at mukhang walang balak mag-back out.

"Ngayon niyo ulit susubukan alamin gender ng baby mo, 'di ba?" tanong niya.

"Mm," Tumango ako, thinking about the last time na sinubukan ng OB ko iyon but to no avail dahil sa posisyon ng baby ko. "Bakit?"

Dion smiles as he turns his look away. "Gusto lang din malaman kung baby boy ba siya o baby girl."

Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti nang malapad. It just warms my heart, knowing how much interested he is as well sa bagay na iyon. Akala ko wala lang iyon sa kanya e kasi hindi naman siya nakisali sa usapan namin ni Ate Danica tungkol dito noong nag-Pasko ako sa kanila.

Wala sa sarili kong hinimas ang tiyan ko. "Alam mo, hiling ko sana baby girl siya. Pero siyempre, mapa-baby girl o baby boy, okay na okay lang sa akin. Pero sa tingin mo, ano kaya ang gender nitong baby ko?"

"Hmm... Siguro... Baby girl?"

"Talaga? Bakit?"

Tiningnan niya ang tiyan ko. "May mga nabasa lang akong article tungkol diyan. Isa sa nabasa ko, kapag bilog na bilog ang tiyan ng buntis, most likely babae raw ang baby."

I can't disagree on that. May nabasa rin akong ganon. Kahit si Mama, ayun ang nasabi sa akin at ganon din ang hula niya.

"At saka," Binaling niya ang paningin sa mga mata ko. Alam kong may sasabihin pa siya, pero hindi na siya nagsalita at nanatili na lang na nakatingin sa akin.

"At saka?" tanong ko nang natagalan na ako sa kanya.

"Ano," tinuro ni Dion paikot ang mukha niya. "'Yong hitsura mo..."

Nahiya ako at kinabahan. "B-bakit? Anong meron sa hitsura ko ngayon?"

"Hindi, hindi." natatawa niyang winagayway ang isa niyang kamay. "Ang ibig kong sabihin, maganda ka this whole time na nagbubuntis ka."

Naestatwa ako. At lalo pa yata akong nakaramdam ng hiya. I just can't with Dion telling me na maganda ako.

"Pero hindi ko ibig sabihin na hindi ka maganda noon ha." Bigla siyang nagtunog defensive. "Sabi lang din kasi 'yon sa parehong article na 'yon, na kapag baby girl, mukhang blooming daw palagi ang mommy."

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu