CHAPTER 3

101 8 2
                                    


"LOVE, gising na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"LOVE, gising na."

Nagising ako sa malambing na boses ni Bryan na sinabayan niya ng paghalik sa balikat at leeg ko.

Uminat ako at bumalik sa pagpikit. Inaantok pa ako, at medyo masakit ang katawan ko dahil sa ginawa naming dalawa kagabi bago matulog.

"Gising na oh, dali." bumulong siya sa tainga ko. "Or else, umagang-umaga, mag-iisang round na naman tayo, sige ka."

Napadilat ako at natatawang hinawi ang mukha niya palayo.

"Seriously, Bry, hindi ka ba napapagod, ha?" garalgal ang boses ko dahilan kaya tumikhim ako bago umupo, hawak-hawak ang kumot para takpan ang dibdib ko.

Mapanukso siyang tumawa bago lumayo. "Alam mong hindi sa ganong bagay."

Pinanood ko siyang maglakad palabas ng kuwarto. Hindi ko maiwasang mapatitig sa katawan niyang walang suot maliban sa boxer shorts. Bryan has this toned body na inaalagaan niya kahit noong bago pa kami magkakilala. He just makes sure he is fit, and not exagerratedly muscled. Bilang girlfriend niya, feeling ko suwerte ako sa aspect na iyon.

"Tara na. Naghanda ako ng almusal natin." pahabol niyang sabi bago tuluyang lumabas sa pinto.

Hinatak ko ang pinakamalapit na damit na nasa sahig. T-shirt ito ni Bryan. Sinuot ko ito bago lumabas ng kuwarto para maghilamos at mag-almusal kasabay siya.

Bryan and I have been together for more than three years now. Pero mas matagal ko na siyang kilala, mula pa noong fourth year college kami.

Kami ni Bryan, masasabi kong nagkakilalang dalawa noon sa hindi magandang lugar. During my college days, medyo nagrerebelde ako sa nanay ko kaya minsan, kaysa mag-aral, kung saan-saan ako nakikitambay para uminom at magpalipas ng oras. Dahil magkaiba kami ng pinapasukang school noon, nagkakilala lang kami through a mutual friend na nag-host ng isang inuman after ng exams namin. Napansin ko na siya noon pagpasok ko pa lang sa bahay ng kaibigan ko. Siya kasi 'yong lalaki na sa isip mo, masasabihan mo ng, "ang pogi naman" dahil sa porma niyang napaka-casual, 'yong ngiti niya na parang nang-aakit dahil sa isa niyang dimple sa kanang pisngi. Although siya rin 'yong lalaki na nasa listahan ko na hindi ko ipu-pursue, magustuhan ko man siya, dahil nasa aura niya ang pagka-mahangin at babaero.

Pero sinong niloko ko? Nang i-approach niya ako, in-entertain ko siya. Pumayag pa ako na i-add namin ang isa't isa sa SNS at messanging app namin, at nagpatuloy kami sa pag-uusap through chat. Araw-araw kami nag-uusap noon hanggang sa mahulog ang loob namin sa isa't isa. Sinubukan naming mag-date nang ilang buwan. Niligawan niya ako. At isang buwan bago kami gumraduate, sinagot ko siya.

Oo, may ihip nga siya ng hangin minsan. May anger management issue din siya minsan. Pero ang pinakamalaking bagay talaga na nagawa niya ay ang maintindihan ako't matanggap ako sa kabila ng issues ko sa buhay. Sa lahat ng kumausap sa akin sa buong buhay ko, siya lang 'yong naging curious at nakaintindi sa pinagdadaanan ko emotionally.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now