CHAPTER 2

102 8 1
                                    


PA-ALAS siyete na ng umaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PA-ALAS siyete na ng umaga. 30 minutes ago pa dapat ako bumangon, pero ito ako, nakahiga pa rin habang nakatitig sa Messenger sa phone ko at paulit-ulit binabasa ang chat sa akin ni Bryan.

BRYAN: Sorry, tagal ko nagpalamig ng ulo.
BRYAN: Pupuntahan kita mamayang gabi.
BRYAN: I love you.

Niyakap ko ang isang unan ko na laging ginagamit ni Bryan tuwing dito siya natutulog, sabay nagpagulong-gulong ako sa kama. Wala akong ganang bumangon. Gusto ko pang matulog. Parang gusto ko na lang humiga maghapon hanggang sa puntahan ako mamaya ni Bryan.

Pero sa kabila no'n, pinilit ko pa ring bumangon, maligo, at mag-almusal. Wala e, kailangan kong magtrabaho.

Pakiramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Nakakapangsisi na inuwi ko kagabi ang trabaho ko sa bahay out of frustration sa nangyari sa amin ni Bryan. Napuyat tuloy ako. Pero buti na lang, okay na kami. Pupuntahan na niya ulit ako mamaya. Magkikita na ulit kami.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang malapad mag-isa sa pinag-iisip ko habang nakatayo sa loob ng tren. Hindi nga ito 'yong pinaka-ideal na tipo ng relasyon para sa nakararami, pero para sa akin, mas okay na 'to. Gaya ng sinabi ko kay Arice, ganito kami palagi ni Bryan kapag nagtatalo kami o nagkakatampuhan. Minsan lang talaga kami mauwi sa sakitan, at ayun ay kapag sumosobra na ako sa pakikipag-away sa kanya. Kaya madalas pinipili na lang niyang magpakalayo muna para magpalamig ng ulo, e. Isa o dalawang araw, hindi niya ako haharapin o kakausapin. Tapos sa huli, babalik siya at makikipag-ayos. Mangingibabaw pa rin ang pagmamahal sa aming dalawa. Kagaya ngayon.

Bumili muna ako ng iced coffee bago dumiretso sa office.

Sa office, wala si Sir Warren. Naalala ko, may scheduled meeting siya ngayon. Pero naroon na sa bay namin sina Arice at Dion.

Si Arice, kinakausap na ulit ako na para bang hindi kami halos magtalo kahapon tungkol kay Bryan.

Si Dion, tahamik as usual at work-mode sa sarili niyang puwesto. Ni hindi niya ako nilingunan noong binati ko sila ni Arice. Halos mapasimangot ako roon. Dapat yata araw-araw ipakita ko sa kanya na nahihirapan ako magbukas ng bote ng nata de coco para pansinin niya ako?

Nag-focus na lang ako sa trabaho ko. Kaso ang lakas ng tama ng antok sa akin, halos walang epekto 'yong iced coffee na ininom ko. Napapapikit ako sa gitna ng trabaho ko.

"Arice, mauna na akong mag-lunch break." paalam ko sa katabi ko nang matapos siyang may kausapin sa phone.

"Okay ka lang ba?" mukha siyang nag-alala. "Para kang may sakit."

"Hindi, wala. Iaantok lang ako. Itutulog ko muna 'to bago ako kumain." Tumayo na ako.

Tumango lang si Arice bago sinagot ang bagong tawag na pumasok sa phone niya.

Nagpunta akong pantry. Kumain muna ako nang onting nata de coco na tinabi ko na as stock sa ref namin, at saka ako pumuwesto ng upo sa may sofa para umidlip.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now