EPILOGUE

223 5 2
                                    


LEARNING sure is a never-ending process

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LEARNING sure is a never-ending process.

There will be a point in our life na akala natin, tama tayo, na alam na natin ang lahat. We will refuse to accept what is actually right dahil ma-pride tayo. Or worse, dahil pinipili nating magbulag-bulagan for the sake of comfort na ayaw nating mawala--only for us to end up broken and miserable later on.

We, sometimes, just have to learn the hard way.

Kagaya ko.

Nanindigan ako sa isang lalaki na sa huli, halos sirain ang buong pagkatao ko. Dahil tinanggihan kong matuto sa mga pinagdaanan ko noon sa kanya. Dahil ayaw kong mawala siya sa akin. Dahil minahal ko siya, at naniwala akong minahal din niya ako.

I guess I've taken love so lightly.

When I've thought I know perfectly well what it means, someone has come to let me know what really it is and what it's supposed to mean.

"Mm, anong oras na?" Antok kong tanong nang maramdaman ko ang pagyakap ni Dion mula sa likuran ko.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya napadilat ako. All I can feel is his one arm over my waist, and his breathing on my nape.

Antok pa ako kaya babalik din sana ako ulit sa pagtulog, nang maproseso ng utak ko na dito pala kami sa sala nakatulog ni Dion. Naalala ko, nanood kami ng pelikula kagabi pampaantok--pero kung saan na kami nauwi pagkatapos.

Sinipat ko ang LED clock na nasa pader. It shows 5:10am. Madali akong umupo hatak-hatak sa dibdib ko ang kumot na gamit namin. Inabot ko sa sahig ang shirt at shorts ko bago tumayo at nagbihis.

"Dion, bangon na. Passed 5am na." Kinuha ko sahig ang black T-shirt at sweatpants niya at nilagay iyon sa kanyang tabi.

Dumilat siya saglit bago muling pumikit at umungot. "5 minutes..." Sabay hatak niya sa kumot para balutin ang sarili.

"Hindi puwede, uy! Kailangan natin makaalis nang at least 7am."

"Hindi 'yan... Aabot 'yan..." sagot niya sa pahina nang pahina na boses.

Napahalukipkip ako habang nakatitig kay Dion. I don't know... Naintindihan ba niya ang sinabi ko? Naaalala ba niya kung anong araw ngayon? Sobra ko ba siyang napagod kagabi?

Buong akala ko agad siyang nakabalik sa pagtulog. Pero bigla siyang dumilat muli at tiningala ako. Nagtitigan kami, hanggang sa abutin at hawakan niya ang balakang ko.

"Dito ka nga muna ulit sa akin..." Marahan niya akong hinatak.

Noong una parang ayaw ko pa. Gusto ko na kasi sanang kumilos para mag-ayos sa lakad namin mamaya. Pero nang ibalot ni Dion ang braso niya sa baywang at tiyan ko, sumuko na rin ako at muling humiga sa tabi niya, yakap-yakap siya. Mahina pa siyang natawa bago ako hinalikan sa noo.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now