CHAPTER 8

86 6 0
                                    


NAGISING ako nang namamaga ang mga mata ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAGISING ako nang namamaga ang mga mata ko. My body also feels heavy, pero deep inside, may gaan akong nararamdaman.

Kagabi noong umalis si Bryan, umiyak lang ako nang umiyak habang inaalo ni Mia. Napakamiserable ng pakiramdam ko kagabi. Naaawa lang ako sa anak ko dahil 'yong akala kong sincere nang pagtanggap sa kanya ng ama niya, mauuwi pa pala sa paghihinala at pagtatakwil. And for a moment, natakot ako na baka muli akong duguin at tuluyan nang mawala ang baby ko. Pero buti na lang hindi. Buti na lang matapang siya at sa kabila ng mga nangyari, kumakapit pa rin siya sa akin.

Gusto kong magalit kay Bryan dahil sa inasta niya at sa mga binitiwan niyang salita. But I feel like I'm already too tired to bear that much hatred. Now, I just want to feel glad that finally, we have parted ways. That finally, our cycle has stopped, kahit ba hindi sa maayos na paraan.

Umupo ako at agad nakita ang paper bag na nakapatong sa ibabaw ng upuan sa tabi ng higaan ko. Katabi no'n ang shoulder bag na gamit ko kagabi.

Kinuha ko 'yong paper bag at tiningnan ang laman nito. Inside, there's a black windbreaker, a gray T-shirt, a black jogger, and a convenience store-bought underwear. Inasahan ko na may card man lang akong makikita para malaman kung kanino ang mga iyon galing, pero wala.

I space out, wondering who those clothings are from, nang may mapansin ako sa bedside table. Sa ibabaw no'n ay may isang stem ng red rose na nakatusok sa bote ng mineral water na may lamang onting tubig. Seeing that rose makes my heart skip a beat. Walang ibang pumasok sa isip ko na magbibigay no'n maliban kay Dion.

"Good morning, ma'am Jewel." Halos mapabalikwas ako sa pagkakaupo nang pumasok si Mia sa kuwarto at binati ako. Her eyes show tiredness and lack of sleep, pero all smiles pa rin siya. "Kamusta na po ang pakiramdam niyo?"

Pilit kong ginantihan ang ngiti niya. "Mas okay na kaysa kagabi. Feeling ko puwede na akong umuwi at sa bahay na magpahinga."

Mia heaves out a sigh of relief. Pagkatapos ay ginawa niya ang routine check up niya sa akin para makasigurado kung pasado na akong ma-discharge ngayong araw.

"Same lang po ba inuuwian niyo ni Sir Bryan?" May pag-aalala niyang tanong pagkatapos ako i-check up. Sobra-sobra ang pag-aalala niya sa akin nang magdesisyon ako kagabi na magpa-blotter lang at hindi magsampa ng kaso kay Bryan.

Umiling ako. "Minsan lang siya kung mag-stay sa apartment ko. Most of the time, doon siya umuuwi sa mga magulang niya. Or maybe... sa babae niya..."

Pagod, pero muli niya akong nginitian. "Masaya ako na nakalaya na kayo ma'am sa ganong relasyon. Masaya ako na kahit papaano, may pasyente pa rin kaming natutulungan sa ganitong bagay. Kung alam niyo lang, ma'am, marami kaming pasyente na biktima ng domestic violence, pero pinipili pa ring samahan ang partner o asawa nila. Hindi ko nga maintindihan, pero wala naman kaming magagawa kundi irespeto desisyon nila. Pero kayo ma'am Jewel, sobra respeto ko sa inyo. Hindi lang sa nagawa niyong makipaghiwalay sa partner niyo, kundi mas pinili niyo kapakanan ng baby niyo."

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now