CHAPTER 4

83 6 2
                                    


"ANO, mas okay na ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Arice habang kapit-kapit ang buhok ko para hawiin ito mula sa mukha ko

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.


"ANO, mas okay na ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Arice habang kapit-kapit ang buhok ko para hawiin ito mula sa mukha ko.

Tumango ako at uminom sa hawak kong bote ng tubig.

Kabababa lang namin kanina ng sasakyan nang bigla-bigla ay dumiretso ako sa CR ng villa para dumuwal. Agad naman ako sinundan nitong si Arice para alalayan.

Ngayon, nandito kami sa Laguna kung saan gaganapin ang Team Building ng buong Team Magazine. Hindi lang kami na editorial staff ang nandito. Narito rin ang mga taga-creative department, sales department, at pati na marketing and events department. And of course, our leaders are with us as well.

Kung kami-kami lang mismo na taga Team Magazine, hindi kami lalagpas ng 20 na katao. Pero meron sa amin na nagdala ng kasama, ang ilan ay mga partner, meron ding mga anak na bata. Buti malaki at maraming kuwarto itong villa na nakuha nina Sir Warren.

Pagkatapos ako alalayan ni Arice sa CR, sinamahan niya ako sa magiging kuwarto namin. Doon, mayroong dalawang bunk bed. 'Yong malapit sa bintana ang kinuha namin ni Arice, at sa ibabang kama ako pumuwesto.

'Yong isa pang bunk bed, pinuwestuhan ng dalawa ring babae na taga-Creatives department. They're Patty and Stella. Hindi talaga kami close ni Arice sa kanila pero hindi rin kami naiilang sa presenya ng isa't isa dahil araw-araw kaming nagkakakitaan sa office at minsan, nagkakasama sa ilang meeting. Nakasanayan na rin naming magbatian tuwing magkakasalubong kami.

"Magpahinga ka na lang muna rito, ha? Tatawagin na lang kita kapag handa na ang dinner."

Tinanguan ko lang si Arice na agad akong iniwan dito sa kuwarto. Kasama niyang umalis sina Patty at Stella.

Nakakahiya. Imbes na tumulong ako sa mga kailangang gawin sa ibaba, ito ako, nakahiga sa kama at nagpapahinga. Paano, kaninang umaga pa masama ang pakiramdam ko. Parang kahit anong pagkain pa ang kainin ko, ayaw tanggapin ng tiyan ko at idinuduwal ko lang kaya halos magmukha akong lantang gulay ngayon.

Gaya ng sinabi ni Arice sa akin kanina nang mag-early out kami sa office, dapat nga yata ay hindi ko na lang pinilit na pumasok at sumama rito sa Team Building namin.

'Yong totoo, hindi talaga ako dapat sasama sa Team Building na ito. Pero noong nag-meeting kami last week at nalaman kong sasama si Dion, napa-oo na lang din ako. Ayaw ko namang ako lang ang hindi sasama mula sa editorial department, ang lakas maka-KJ.

Pero ikinabigla ko ang naging desisyon na iyon ni Dion. Siya? Nagdesisyon na sumama sa ganitong social gathering? This is very unlikely of him. Buti sana kung major company event ito, hindi ako magtataka. Pero ang isang simpleng team building gaya nito, sumama siya?

Naalala ko ang hitsura ni Dion noong nag-meeting kami tungkol dito at noong umoo siya sa pagsama. Halos walang emosyon na mababakas sa mukha niya. Hindi ko tuloy mawari kung may pakialam ba siya sa nagaganap sa paligid niya, o nakisasabay lang siya sa mga nangyayari. Makes me remember our high school days. Kahit pa noon, ganon na si Dion.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat