CHAPTER 6

82 4 0
                                    


"OH, Jewel, kamusta na pakiramdam mo?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"OH, Jewel, kamusta na pakiramdam mo?"

Ayun agad ang itinanong sa akin ni Sir Warren pagbalik ko sa office the following day.

"Okay naman na po, sir." nakangiti kong sagot sabay ayos ng mga gamit sa station ko.

"Dapat nagpahinga ka pa ngayong araw e." May pag-aalala hindi lang sa boses kundi pati na sa hitsura ni Arice na nakaupo sa sarili niyang station.

"I told her that," dagdag ni Sir Warren na tumayo habang nasa ibabaw ng palad niya ang nakabukas na laptop. "Pero 'yang kaibigan mo, hindi ko alam kung workaholic ba o ano. Mas gusto raw niyang magtrabaho ngayong araw. Anyway, pupunta muna ako sa kabila't may meeting kami. See you later."

Muli nang umuwi kami galing sa Team Building namin, patuloy akong chinat nina Arice at Sir Warren para kamustahin ang pakiramdam ko. Napakatamlay ko ba naman the whole trip. Kaya hindi na rin sila nagulat nang magpaalam akong mag-sick leave kahapon. Pero wala pang may alam sa kanila kung anong kondisyon ko.

Sa paglabas ni Sir Warren, nagkasalubong sila ni Dion na may hawak na mug ng kape.

"Dion, 'yong pinapapasa ko mamaya ha?" paalala ni Sir Warren.

"Ah, opo." tumango-tango si Dion bago tumuloy sa bay namin. Napatingin siya sa akin, pero saglit lang, at dumiretso na siya sa station niya.

Balik na naman kami sa dati, noong unang beses kaming magkita rito sa kumpanya. Nagkakatinginan, pero para bang hindi kami magkakilala. Para bang never kaming nagkausap. Para bang hindi kami naging malapit minsan. Para bang hindi kami--

Umiling ako at nagsimula nang magtrabaho. Pero sa pagtatrabaho ko, hindi ko naman maiwasang isipin si Bryan at ang naging palitan namin ng chat kahapon nang i-send ko sa kanya ang picture ng ultrasound ko.

BRYAN: Ano 'yan? Buntis ka?

JEWEL: Oo.
JEWEL: At hindi ako mapakali, Bryan.
JEWEL: Magkakaanak na tayo, pero ganito tayo.
JEWEL: Kaya mag-usap tayo, please. Nang harapan. At nang maayos.

BRYAN: Kailan mo pa nalaman 'yan?

Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan na kinailangan niyang itanong ang tungkol doon. Mahalaga ba kung kailan ko nalaman itong pagbubuntis ko? Hindi ayun ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kanya, not even on chat. Kaya pinaliwanag ko ang lahat ng pinagdaanan ko, mula sa masamang pakiramdam ko noong Team Building, ang pag-take ko ng pregnancy tests, hanggang sa pagpapa-check up ko sa OB kahapon din.

BRYAN: Okay. Hindi ako puwede ngayon, so bukas na lang tayo magkita.

At ayun na lang ang huling sinabi niya sa akin. Ni hindi man lang siya nag-initiate na tawagan ako. But knowing him, malamang pinoproseso pa ng utak niya ang kalagayan ko--ang kalagayan naming dalawa. At naiintindihan ko, dahil biglaan ito. Umaasa ako na kapag magkausap na kami mamaya nang personal, maayos naming mapapagplanuhan kung ano nang gagawin namin, hindi lang para sa baby namin kundi para na rin sa aming dalawa.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now