CHAPTER 16

86 5 0
                                    


LAKING pasasalamat ko at pinagbigyan ako ni Sir Warren sa biglaang request ko ng leave

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAKING pasasalamat ko at pinagbigyan ako ni Sir Warren sa biglaang request ko ng leave.

It's just three days before new year. Ngayon dapat ang huling araw ng pasok namin sa office para sa taon na ito. Pero pinilit kong tapusin lahat ng dapat tapusin kahapon para wala na akong ibang iisipin sa araw na ito ngayon bukod sa paglilinis sa bahay namin ni Mama, na mamayang gabi na ang dating galing ibang bansa.

"Achoo!"

Natawa si Dion sa pagbahing ko. Kausap ko siya ngayon sa phone habang nakaupo ako sa sofa para magpahinga.

"Ayan, sinisipon ka na." Magkahalong may pag-aalala at panininita sa tono niya.

"Hindi, hindi. Nangati lang saglit ilong ko." paglilinaw ko habang pinipisil ang sarili kong ilong. "At saka naka-mask naman ako habang naglilinis."

"Tapos ka na ba maglinis?"

"Dito pa lang sa unang palapag." Napatingin ako sa kabuuan nitong unang palapag ng bahay namin. Buti na lang hindi ito ganon kalakihan. Kinailangan ko lang mag-vacuum at magpagpag para mawala ang alikabok. Napakatagal na rin e mula noong huling dalaw ko rito. Siguro isang taon na rin. "Ikaw ba, tapos ka na ba sa mga kailangan mong gawin?"

"Siyempre naman."

Napangiti ako. That is so Dion-like, ang matapos lahat ng trabaho if not in advance, e on time.

"Tinutulungan ko na lang si Carmel sa isa niyang project."

Bigla-bigla, gusto kong mapasimagot. But then, that is just so like him as well: ayaw nag-aaksaya ng oras. Kung may magagawa siya especially if it's for the whole team's benefit, gagawin niya. Also, there is no more reason for me to feel uncomfortable sa interactions nila ni Carmel. Dahil matapos ng naging pag-amin ni Dion sa akin noon, napansin ko na naging maingat na rin ang kilos ni Carmel. Although nagkaroon onting ilangan sa pagitan naming dalawa eversince.

"But as of now, pinapakain ko si Ming-Ming." dagdag ni Dion.

Muntik akong matawa. I can imagine Dion squatting right beside Ming-Ming as he watches her eat sa 5th floor garden.

His lunch break soon ends kaya tinapos na namin ang tawag para makabalik siya sa trabaho. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa sofa, hawak-hawak ang tiyan ko habang iniikot ang tingin dito sa sala.

Sa totoo lang, hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing umuuwi ako rito. This place... it just looks sadder than ever.

Dito ako lumaki. For the first ten years of my life, kumpleto pa kami noon dito: ako, si Mama, at si Papa. Of course, may mga times na masaya kami noon. May times din na, hindi. Nasaksihan ko ang mga pagtatalo nila noon--pati na ang pagbubuhat minsan ng kamay ni Papa kay Mama. Naaalala ko pa 'yong nakatayo ako rito sa sala habang pinapanood sila mag-away sa kusina. Umiiyak ako no'n at walang umaalo sa akin. Hanggang sa dumating ang araw na pinanood ko si Papa na umalis dala-dala ang isang maleta. Umiiyak ulit ako no'n. Nangako naman siya, bibisitahin niya ako at tatawagan. Hindi naman iyon nangyari. Ilang taon siyang hindi nagparamdam. Nakita ko na lang ulit siya noong high school graduation ko, tapos umalis ulit siya at muling hindi nagparamdam. Pagtungtong ko sa college, si Mama naman ang umalis para mag-ibang bansa. So sa huli, naiwan akong mag-isa rito sa bahay na ito. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na umalis dito noong makahanap na ako ng trabaho matapos kong mag-aral. Tutal, napakalayo rin naman nito sa kabihasnan. At saka noong time na iyon, suportado pa ako ni Bryan sa mga gusto kong gawin at tahakin sa buhay.

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now