CHAPTER 19

90 3 0
                                    


INASAHAN ko na ito: going into the later part of the third trimester of my pregancy sure makes almost every thing difficult for me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


INASAHAN ko na ito: going into the later part of the third trimester of my pregancy sure makes almost every thing difficult for me. Kahit simpleng paglalakad, nahihirapan na ako.

Hindi ko alam anong nangyari sa anak kong nasa sinapupunan ko, parang naging sobrang healthy kaya grabe ang inilaki ng tiyan ko over the past weeks. Pero sabi naman ni Doktora Juliet, normal ang baby ko pati na ang kondisyon ko. Thank God, but it really is difficult now that I can feel how heavy I am with this baby inside me. May mga araw na nga na sa bahay na lang ako nagtatrabaho. Pinipilit ko na lang minsan pumasok sa office dahil sa totoo lang, mas prefer ko iyon. Gusto ko 'yong nakakapag-exercise ako kahit papaano.

Isa ang mga araw ngayon na gustong-gusto kong pumasok sa office. Valentine's day kasi ngayon, at gusto ko magbigay ng treat sa mga katrabaho ko.

"Wow naman! Thank you, Ate Jewel." Napakalapad ng ngiti ni Carmel nang abutan ko siya ng white chocolate na ginawa ko kagabi. "Ang cute naman nito." At malapitan niyang tinitigan iyon. Naka-shape kasi iyon na bear.

"Of course, dapat lang cute 'yan kasi cute din ang pagbibigyan ko."

Nginusuan niya ako. "Hay nako, Ate! How I wish 'yong crush ko ang magsabi niyan sa akin."

"Gusto mo ba?" hamon ko sa kanya. Namilog ang mga mata niya sa akin. "Pupuntahan at sasabihan ko si Edward--"

"Shh!" Napatayo siya at takip sa bibig ko. "Ate Jewel naman ehhhh."

Halos matawa ako. I don't get her, really. Kay Dion noon, napaka-upfront niya. Pero kay Edward, who is one of our resident photographers na nakatrabaho niya last week sa isang project, hiyang-hiya siya. Also, as if maririnig ni Edward ang usapan naming dalawa, e naka-station ito sa itaas na floor.

Tinaas ko ang pareho kong mga kamay na para bang sumusuko ako. Pinakawalan niya ako kaagad at saka huminga nang malalim.

The truth is, hindi naging madali ang reconciliation namin ni Carmel matapos ng confrontation namin noon dahil sa binalak kong pagre-resign sa trabaho para iwan at layuan si Dion. Ang awkward lang ng naging interactions namin na thankfully very minimal lang dahil si Dion talaga ang partner niya at nakakasama palagi sa trabaho. Until one time, napagtanto ko na hindi dapat kami manatili na ganon, na dapat ako ang unang mag-approach sa kanya especially ako ang tinulungan niya. At ayun na nga ang ginawa ko: nakipag-usap ako sa kanya, nag-sorry, at nagpasalamat.

"Okay na, nilibre mo na kasi ako ng kape." sagot niya sa akin noon sabay angat sa cup ng kape na binili ko para sa kanya.

Pagkatapos no'n, onti-onti naging mas komportable kami sa isa't isa.

"Oh, nandito ka?" Gulat na gulat si Dion nang makabalik siya sa bay namin. Paano, hindi ako nagpaalam sa kanya na papasok ako nang half-day after lunch.

Tumango lang ako sabay abot sa kanya ng chocolate.

Napangiti siya bago tinanggap 'yong chocolate ko. "Thank you."

Tell me, what is love? (Love Definition Series #1)Where stories live. Discover now