"Para po," sabi ng babaeng katabi ko.

"Para po," pag-uulit niya. Pero dire-diretso pa rin 'yong driver.

"Paraaaaa poooo!" sigaw ko at biglang pumreno 'yong driver.

"Iyan! Sa susunod, ganoon kalakas dapat ang boses mo kapagpapara ka, ha? Hindi 'yong kasinliit ng antik 'yang boses mo! Baka sa susunod, sa Manila ka ibaba dahil 'di ka marinig-rinig ngdriver sa sobrang hina ng boses mo," sigaw ko doon sa babae at agad siyang bumaba ng jeep. She might think that I'm weird, pero sige . . . bahala siya sa buhay niya. Pinapainit niya ang ulo ko. Pero ayos lang, good mood pa rin ako.

Pumara na ako nang makarating ang jeep sa huling kanto. Bumaba naman ako at sumunod si Tulog. "Hoy, kailangan ko na talagang umuwi. Bye," paalam ko at tumakbo ako pauwi sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang, Blossom Prim Sasaki?"

"Nahiya ka pa, Momsie. Sana sinama mo na 'yong middle initial ko, 'di ba?"

"Blossom!"

"Joke lang po. I'm home! Nasaan si Dade?"

"Maagang nakatulog. Pagod 'yon sa trabaho."

"Ah, trabaho? Hindi ba 'yon 'yong sinasabi ng mga tao 'pag may katabi silang mabaho? Tara! Baho!" Humalakhak ako. Benta sa 'kin 'yong joke ko. Binatukan ako ni Momsie kaya napaaray ako. Sadista talaga siya. Tsk.

"Kumain ka na. Nagluto si Manang Asseng doon sa kusina."

"Ay, Momsie naman. Bakit si Manang pa ang pinagluto ninyo? Alam mo namang matanda na siya, eh. Sana pinagpahinga n'yo na lang."

"Eh, si Manang ang makulit, eh. Hindi raw siya sanay magpahinga."

Si Manang Asseng ang katulong o nanay-nanayan nila Momsie noon sa boarding house nila noong college sila. Magkasama kasi sina Momsie, Dade at iba pa nilang mga kaibigan sa boarding house na tinirahan nila noong college sila.

Napamahal na si Manang Asseng kay Dade kaya noong lumipat kami rito sa Mariveles ay sinama niya na si Manang Asseng. Nasa 65 na yata ang edad niya.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nag-toothbrush. Natigilan ako nang tabihan ako ni Momsie.

"Hindi pa rin natin siya nahahanap," malungkot na sabi ni Momsie. Hay, ayaw ko ng malungkot na atmosphere. Alam kong iiyak na naman kaming dalawa mamaya kaya naman inunahan ko na lang siya at bumanat ako ng malupit na joke.

"Momsie, ano'ng tunog ng utot ng brush?"

"Oh, ano?"

"Eh 'di toot! Toothbrush!"

Hindi ako pinansin ni Momsie at iniwan ako sa kusina. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at humilata sa kama.

***

"OH! Panis!" tumatawang sigaw ko. Naglalaro kami ng monopoly ngayon.

"Ang duga naman, Blossom!" reklamo ni Jessan.

"Duh? 'Di pa kayo nasanay d'yan kay Bloss. She's a monopoly master," mataray na sabi ni Rain.

"Hoy, Ulan, umi-English-English ka na naman d'yan! Kapag umulan ng dugo 'tong ilong ko, ikaw uulanin d'yan, makita mo! At ano na namang Bloss ang sinasabi mo d'yan? Hindi ako pang-alis ng tinga sa ngipin," asar na sabi ko kay Rain at tumawa naman sila pare-pareho.

"Ang tagal naman 'ata ni Sofia," nagtatakang sambit ni Jessan.

"As usual, baka 'di na naman siya pinayagan ng daddy niya na pumunta rito," sagot ko at humiga na lang ako sa kama ni Rain. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nina Ulan.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now