"Hep hep, dyan ka lang. Malulukot yung damit ko kapag niyakap mo ako. Alam mo Yue, gwapo ka, maputi at makinis. Pero sana matuto kang magdamit ng maayos ha. Sayang din yung tangkad mo kung mukha kang tanga," ang natatawang wika ni Ryou habang pigil sa ulo si Yuelo na parang bata upang hindi ito makalapit sa kanya.

Habang nasa ganoong posisyon sila ay dumating naman si Jihan Singh, siya ang rumored partner ni Ryou pero hindi pa nila kino-confirm ang real standing sa kanilang relasyon. Gustong gusto ni Jihan si Ryou kaya madalas ay nakasunod siya sa binata na parang isang anino.

Si Jihan ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya ay may malaking cosmetic company na nag ooffer ng imported na anti aging beauty products. Ang mga Guerrero at Singh ay dati pang business partners kaya't malapit sila ni Ryou sa isa't isa. Obviously, gwapo si Jihan dahil siya mismo ang model ng cosmetic products na kanilang ieexport sa ibang bansa. Mukha itong asian heart throb at talagang makinis na parang isang babae.

"Ryou, bakit ba ang tagal mo? Don't tell me binili mo yang panget na painting na parang gawa ng isang grade school?" tanong ni Jihan.

"Jihan, bakit ba nandito ka? Hindi ka naman nakaka appreciate ng art dahil hindi ka mahilig dito," sagot ni Ryou sa kanya.

Marahang lumingkis ang kamay ni Jihan sa braso ni Ryou, "Of course mahilig ako sa mga art, kaya nga lahat ng mga paintings sa office ay inaaral kong mabuti. Teka? Sino ba yang lalaking na iyan? Mukha siyang tanga ha," tanong ni Jihan noong mapansin si Yue nakatayo lang sa kanilang harapan at nakangiti na parang sira ulo.

Napatingin si Jihan sa mukha at sa damit na suot ni Yue, "Sino ba tong lalaki na ito? Ang gandang at lambot ng buhok niya, natural na nakabagsak na parang isang fresh korean look na woke up like this ang styling niya. Ang ganda ng mukhang niya, ano kayang ginagamit niya sa balat niya? Bakit sobrang makinis ito?" ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili habang nakatingin sa mukha ni Yue.

Maya maya ay napatingin naman siya sa damit na suot ng binata, "Bakit ganyan ang suot niyang sapatos? Kailan pa nausong pagsamahin ang dalawang magkaibang brand? At ang ganda ang color combination ng damit niya kahit hindi ito magkaterno. Bakit masyado siyang mahusay sa fashion? Late na ba ako? Ganyan na ba ang bagong trend ngayon?" ang sunod sunod na tanong ni Jihan sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Yuelo na nakatayo suot ang damit nito na literal na wala sa kombinasyon.

Litong lito si Jihan, masyado ito fashion conscious kaya ganito ang kanyang reaksyon. Gusto niya kasi na laging updated sa latest trend at ayaw niyang nahuhuli.

"Jihan, are you okay? Bakit ba kanina ka pa nakatitig dyan kay Yue?" tanong ni Ryou.

"Sino ka ba? Bakit ganyang ang fashion mo? Nasaan mo ba nakuha ang ganyang style?" ang tanong ni Jihan kay Yue.

"Etong damit ko? Wala, dyan ko lang ito nakuha sa tabi tabi," ang nakangiting sagot ni Yuelo. Dito ay naalala niya na pinulot lang niya ang mga damit at sapatos sa basurahan noong isang araw at nilinis niya ang mga ito at saka isinuot.

"Jihan, ano ba yung sinasabi mo? Hindi ka ba nawiwirduhan sa damit niya? Siya yung nag paint ng image na iyan. Naawa ako sa kanya kaya binili ko na itong gawa niya," ang sagot ni Ryou, inakbayan niya si Jihan at saka sila lumakad palayo kay Yuelo.

"Hindi mo ba napapansin? May kakaiba sa lalaking iyon. Sa tingin ko ay isa siyang high class fashion stylist dahil kahit hindi combination ang suot niyang damit ay maganda pa rin itong tingnan sa kanya," ang wika ni Jihan.

Natawa si Ryou habang naglalakad sila, "Yan lang ba talaga ang nasa isip mo? Paano siyang magiging high class na fashion stylist, isa siyang weird na pintor. Gwapo siya pero parang may kakaiba talaga sa kanya."

"Ayoko may ibang mas gwapo sa akin, gusto ko ako lang ang pinakagwapo sa paningin mo," ang sagot ni Jihan at nilambing pa si Ryou habang naglalakad sila. Samantalang si Ryou naman ay lumingon pa kay Yue at nagbigay siya dito ng second glance.

Habang abala sa paglalakad sina Ryou at Jihan ay nakatayo pa rin si Yuelo sa tabi ng kanyang artwork at maya maya ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag ngiti ay unti unting naging seryoso ang kanyang itsura. At mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang isang matalas na patalim na gawa sa ngipin ng pating.

"Makakaganti rin ako sa iyo Ryou! Maigaganti ko rin ang aking mga kalahing nasaktan dahil sa kagagawan mo," ang bulong ni Yue sa kanyang sarili habang nakatingin ng tuwid sa binatang bilyonaryo.

Noong mga sandaling iyon ay walang kamalay malay si Ryou na sadya siyang sinusundan ni Yue upang maisagawa nito ang kanyang paghihiganti. Ito ang kanyang misyon at kailangan niya itong gawin sa lalo't madaling panahon.

Paglabas ni Yue sa art gallery ay malapit na lumubog ang araw kaya naman agad siyang nagtatakbo patungo sa pampang ng karagatan. Hindi siya maaaring abutan ng dilim dahil malalagay sa danger ang kanyang buhay.

Noong makarating siya sa pampang ng karagatan ay nagtungo agad siya sa lugar na walang tao. Tumuntong siya sa malaking bato habang hinahangin ang kanyang buhok.

Tahimik ang paligid, mga alon lamang sa karagatan ang tanging maririnig.

Nakatapos na naman ang isang araw at hindi pa rin niya nagagawa ang kanyang misyon. Gayon pa man ay napalapit na siya kay Ryou at ang lahat ay magiging madali na lamang mula ngayon.

Huminga ng malalim si Yuelo..

At bago pa tuluyang bumaba ang araw sa kalangitan ay nag-dive ito sa ilalim ng tubig. Ang kanyang mga binti ay nagliwanag at unti unting lumabas ang kanyang pilak na buntot at kaliskis.

Si Yue ay isang merman na umayat lamang sa lupa para sa isang misyon. At ito ang patayin si Ryou Guerrero, ang lalaking responsible sa pagkasira ng kanilang tahanan.


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now