Part 1: Painting

2.9K 138 12
                                    

The Ocean Tail: Loving The Merman

Ai Tenshi

Part 1: Painting

Ang "Historica" ang pinakamalaking art gallery sa buong siyudad. Dito nagtutungo ang mayayamang tao upang bumili ng mga paintings at iba pang uri ang art work.

Si Ryou ay nakatingin sa isang kakaibang konseptong painting sa loob ng art gallery. Ang painting ay larawan ng isang merman na nakaupo sa batuhan habang nakatanaw sa buwan. Hindi niya masyadong maunawaan ang detalye ng painting dahil marami itong mga hidden meaning na ang gumawa lamang ang siyang makakaunawa.

Ang pinakamagandang at pinaka interesanteng parte lamang ng painting ay ang magandang pagkakagawa ng buntot ng merman. Ito ay kulay pilak at kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Ito ang nakapukaw sa atensyon ng binata. Kakaiba ang estilo ng pagkakagawa nito na siyang nagiging angat sa iba.

Siya ay si Ryou Guererro, at the early age of 28 ay isa na siyang Bilyonaryo. Siya ang may ari ng Aquarius Martime Tanker LTD. Dahil sa kanyang sipag, talino at husay sa pag handle ng negosyo ay naging matagumpay siya sa kanyang field. At ngayon ay ninamnam na lamang niya ang tamis ng kanyang success. Istrikto si Ryou lalo na pagdating sa negosyo dahil gusto niyang laging organize at well arrange ang mga transaction na ginagawa ng company. Ngayon, isa siya ng pinaka batang bilyonaryo sa bansa at isa rin siya pinakamahusay na entreprenuer sa Asia.

Gwapo si Ryou, 5'11 ang height, maganda ang built ng pangangatawan at maganda ang tindig kapag nakatayo. Bukod sa pagiging bilyonaryo ay marami ring nag offer sa kanya na maging isang modelo o artista sa telebisyon, ngunit tinatanggihan niya ito dahil naka focus lang siya sa kanyang mga negosyo. Kaya nga siya bilyonaryo at the early age, dahil trabaho lang ang kanyang top priority.

"Maganda ba? Nagustuhan mo ba ang painting?" ang tanong ng isang lalaki sa kanyang tabi habang abala siya sa pagtingin dito.

Tumangin sa kanya si Ryou pero hindi ito kumibo. Nakapukaw sa kanyang atensyon ang weird na itsura nito dahil ang kanyang sapatos ay hindi magkamukha at ang kanyang damit ay parang nirecycle lamang.

"Naniniwala ka ba sa mga sirena? Ang sabi nila ay totoo ang mga sirena at sila ay nabubuhay pinakamalalim na parte ng karagatan. Kung minsan ay umaahon sila sa mga isla upang panoorin ang magandang liwanag ng buwan," ang dagdag pa ng lalaki habang nakangiti.

"Sino ka ba?" tanong ni Ryou sa kanya.

Ngumiti ang binata at sumagot, "Ako si Yuelo, ikaw si Ryou Guerrero diba?" ang tanong niya.

"Kilala ako ng lahat, ano bang kailangan mo? Bakit ba ganyan ang suot mo? Ikaw ba ang gumawa ng painting na ito?" tanong ni Ryou sa kanya.

Bumakas ang magandang ngiti sa inosenteng mukha ni Yuelo. Kahit hindi siya nakapag-ayos ng sarili ay hindi maitatanggi na gwapo talaga ito. "Oo, ako ang gumawa ng painting na iyan. Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang nakangisi na parang inosenteng bata.

"Ah, I see. Ikaw pala ang gumawa ng painting na ito. Kaya pala weird katulad mo," ang sagot ni Ryou.

"Ang sama naman ng tao na ito, gwapo nga pero mayabang naman at masayadong mataas ang tingin sa sarili," ang bulong ni Yuelo sa kanyang sarili.

Napansin ni Ryou na bumakas ang lungkot sa mukha ang binatang si Yuelo, "Weird yung gawa mo kaya gusto ko ito. Gusto ko yung mga ganitong ka weird na paintings. Mas naappreciate ko yung mga hidden meaning nila. Sige, bibilhin ko ito," ang dagdag niya.

Natuwa si Yue, "Talaga? Salamat naman at nagustuhan mo," ang masaya at excited na sagot ng binata. Naglulundag ito sa tuwa na parang bata at yayakapin niya sana si Ryou pero mabilis na gumalaw ang kamay nito at pinigil ang kanyang mukha.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now