Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

¨Narining ko ang pangalan ko?¨ boses mula sa likuran ko. Nilingon ko siya. Nakangiti ito at ang katabi niyang babae. (Mommy ko.) ¨Hindi pa ba kayo malalate sa Check-up mo?¨ Tanong ni Mommy.

¨Nope. Okay nang malate basta busog ang baby ko.¨ sagot ko sa kanya.

¨Ikaw talaga, Jasmin. Hindi pa man lumalaki ng tuluyan yang tiyan mo e mukha ka ng balyena. Ang taba-taba mo na!¨ Sumimangot ako kay Mommy bago inirapan siya at tinalikuran. Nakaharap na sa amin si Al. Nakangisi din ito. ¨Bahala ka diyan, pag si Al naghanap ng iba 'wag kang iiyak sa akin.¨

¨Mommy!¨ sigaw ko sa kanya. Hindi ko siya hinaharap nakatingin lang ako kay Al habang nakapanguso. Kakainis kahit si Mommy sinasabihan ako ng mataba wala man lang pakundangan kung magsalita at hindi man lang iniisip ang mararamdaman ko!

¨Tita, hindi ko po iiwanan, si Jasmin. Nung umuutot nga siya sa harapan ng mukha ko o nung pumupunta siya sa harapan ko habang nagtatrabaho ako para lang ilagay niya sa mukha ko ang utot na hawak niya ay hindi ko siya iniiwan yun pa kayang mataba siya?¨ Nakangisi pa rin ito.

¨Hoy, gago ka talaga! Ikaw ang gumagawa 'non. Balasubas to!¨ piksi ko.

¨Baby, tayo-tayo lang naman ang nakakaalam. Don't worry I still love you.¨ Aniya.

Dinig na dinig ko ang tawa sa likuran ko at ramdam na ramdam ko na namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan at galit kay Al. Kung wala lang ang dalawa ni Mommy at Mommy Mildred ay nasapak ko na ang asawa ko. ¨Tigilan niyo na yang dalawa. Kumain na kayo at ng makaalis kayo para maaga naming malaman ang gender ng baby niyo. Sana lalaki.¨ Sabi ni Mommy.

¨Ano ka ba, Jane. Mas maganda kung magiging babae ang anak nila.¨ si Mommy Mildred. Umirap nalang ako. Lagi nalang napupunta sa ganon ang usapan pag magkasama yung dalawang 'yon.

***

¨Mamahalin mo pa rin ba ako kahit matabang-mataba na ako at mapanget na ako?¨ tanong ko sa kanya ng makaupo kami sa harapan ng clinic ng Ob-gyne ko. Inaantay namin na tawagin kami ng nurse na katulong ni Doc. ¨Seryoso ako, Al.¨ sumunod ko pa.

¨kahit magmukha kang balyena o dugong mamahalin pa rin kita at hindi ipagpapalit sa-¨ inantay kong matapos ang sasabihin niya pero natigil ito. Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya bago sinundan ng mata ko ang mga mata niya kung saan nakatingin. Nakatingin ito sa legs ng babaeng nakashort shorts.

¨Pag hindi mo tinanggal ang mata mo sa babaeng 'yon hindi ko ilalabas ang anak mo!¨ mahinang banta ko sa kanya. Humarap siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. ¨Baby naman.¨ tinitigan ko siya ng isang nakakamamatay na tingin.

¨ 'Wag mo kong mababy-baby diyan baka mabatukan kita ng wala sa oras.¨ sabi ko sa kanya pero nakangisi lang ito sa akin, inakbayan niya ako bago inilapit ang mukha sa tainga ko. ¨Kahit kailan napakasadista mo sa akin, Baby, pero kahit ganon love pa rin kita.¨ bulong niya.

Inis kong inalis ang kamay niyang naka-akbay at inilayo gamit ang mga daliri ko ang mukha niyang nakakainis. ¨Mrs. Nicholas, you can come in now.¨ biglang sumingit ang nakangiting nakaunipormeng puti sa amin. ¨Yeah, sure.¨ sagot ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko dahil nakatingin at nakangiti ito kay Al. Tumayo ako sa kinauupuan namin at isinakbat ang bag na dala ko. Pero bago 'yon ay tumingin muna ako kay Al na nakangisi pa rin sa akin ngayon. ¨ 'Wag kang papasok sa loob at 'wag na 'wag mo akong susundan.¨

¨Baby naman!¨ pakli niya. Tumingin ako sa nurse na nagulat sa sinabi ko at sa galit kong boses. Tumingin ito sa akin kaya mabilis ko siyang inirapan. ¨Humanap ka na ng bagong baby mo at iwanan mo na kami ng anak ko.¨

¨Jasmin, hindi kita iiwanan lalo na't alam kong magiging kamukha ko ang anak natin.¨ napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid namin, malakas kasi ang pagkakabanggit ni Al kaya alam kong may mga nanunuod na sa amin. May mga ibang nakangiti. ¨A-At paano mo naman nasabi na magiging kamukha mo ang anak ko?¨ tanong ko sa kanya.

¨Anak natin.¨ pagtutuwid niya. Bumalik ang mga mata ko sa kanya. May halong sakit sa mga mata niya pero mas kakikitaan ng tuwa ang mga 'yon.

¨Anak ko lang to simula ngayon. Sige tumingin ka pa sa ibang babae.¨ banta ko sa kanya.

¨Natin! Magiging kamukha ko 'yan dahil paboritong-paborito mo ako.¨ Aniya.

¨Mr and Mrs.¨ saway ng Nurse sa aming dalawa pero hindi ko siya pinansin at hindi rin siya pinansin ni Al. Tumingin ulit ako sa paligid namin halos nakangiti na ang mga nanunuod sa aming dalawa na pawang mag-aasawa din.

¨Paborito mo ako kasi ako ang pinaglilihian mo. Okay lang yan, Baby magiging gwapo din ang anak nating dalawa katulad ko.¨ dinig na dinig ko ang mahihinang tawa ng nasa paligid namin pero imbis na matuwa ako ay lalo lang akong nainis dahil sa pagiging mayabang ni Al at dahil totoo ang mga sinasabi niya.

¨Gago!¨ sigaw ko sa kanya ng mawala na ako ng sasabihin sa kanya at bago mabilis na pumasok sa loon ng clinic ng Ob-gyne ko.¨Pasensya na kayo. Alam niyo namang buntis laging mainit ang ulo pero kahit ganun mahal ko pa rin ang sadistang 'yun.¨ narinig kong saad ni Al bago pa man mailapat ang pinto. Hindi ko mapigilan ang pagngiti at kilig. Kahit na nagtataray at nagsusuplada ako e hindi pa rin ako iniiwanan ng asawa ko.

¨Mrs. Nicholas, ang swerte mo sa asawa mo kaya 'wag na 'wag mo ng pakakawalan.¨ bulong ng nurse kanina. Tumingin ako sa kanya nakangiti ito sa akin pero hindi ko feel na ngitian din siya dahil isa din siya sa mga babaeng nagkakagulo sa kagwapuhan ng asawa ko. ¨Alam ko.¨ mahina kong saad.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now