Chapter 20

43.9K 1.3K 2.4K
                                    

Klouie
What if



The after-party went well, but my heart function is in critical condition as a result of how she always caught me off guard with her statements.

Hindi ko na nga na process pa ang mga sumunod na nangyari, namalayan ko na lang na nagkahiwalay na kami matapos niya akong ihatid sa Subdivision ko.

Iniwan ko ang kotse sa Dark & Light Bar dahil malandi ako. Sinabi ko sa kanya na wala akong dalang sasakyan kaya hinatid niya na ako mismo.

Minsan talaga nagugustuhan ko na kung paano mag-isip ang utak ko. Akala ko pa naman puro hangin lang ang laman.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tawag ni Daddy na inutusan akong pumunta sa presinto. Kaya wala na akong nagawa at maging productive sa araw ng linggo. Dadaanan ko na lang before ako magsimba.

I was stifling my laughter as I signed the paper infront of me. Natatawa na rin ang officers na kaharap ko dahil sa ingay ng mga kaibigan ko sa loob selda.

Nakulong ang mga animals ko sa ginawang gulo kagabi at ako ang inutusan ng mga magulang nila para magpiyansa. Tinawagan nina Tito si Daddy para lang utusan ako dahil ayaw nilang tumapak sa city jail sa kadahilanang baka raw pagalitan lang nila ang mga anak.

Nakulong din daw sina Harrieth at ang mga ibang sumali sa gulo pero kagabi pa sila nakalabas habang ang mga kaibigan ko ay kinabukasan pa ako pinagpiyansa nina Tito para sa kanila.

Kaya heto ako ngayon, tawang tawa na pinapanood mga kaibigan ko sa loob. Pambihira, buti na lang hinigit ako ni Miss Attorney palayo sa gulo kagabi.

"Oh, my dear friendships! How's the journey being inside the cell?" I asked with so much amusement.

Isa-isa silang nilabas ng officer na inis na inis ang mga mukha.

"Traydor ka!" Singhal ni Chasey. "Umaga ka pa talaga pumunta rito? Wala kang puso at atay."

I just giggled at them.

"Ang sama ng experience na 'to! Wala man lang wifi ang presinto. I will rate this as one star." Reklamo ni Cinema sa Chief. Hindi siya nito pinansin.

"Malamok pa sa loob. Gosh naman, Chief. Akala ko ba elite ang syudad na ito? Wala man lang aircon ang looban." Maarteng sikmat ni Van.

"Ayaw pa maki-hotspot ng isang officer. Gusto ko lang naman magregister ng load dahil wala kayong wifi dito pero ang damot niyo." Umiling-iling si Demi na akala mo'y pinagsakluban ng lupa.

"Elias kapag nakagraduate kana, huwag kang dumistino rito ha. Ang pangit ng accommodations ng city jail." Si Breggate na mukhang disappointed talaga.

"Magsara na lang po kayo." Bagot na sabi ni Hell habang pinapagpag ang sarili.

"Sasabihin ko talaga kay Mayor na ang pangit ng experience namin. Wala man lang pa kape sa umaga." Lev looks betrayed.

"Palitan ko na lang po kayo, Chief. Mas marunong akong magtrato ng tama." Suhestiyon ni Ingrid na talagang na offend sa atmosphere ng City jail.

"Wala man lang ka dise-disenyo ang loob. Masyadong dull ang kulay ng pader at ang boring ng atmosphere niyo. At wala ring pa sound trip kapag gabi. Ekis kayo, Chief." Si Issa na ngumuwi.

"Totoo, hindi na ako gagawa ng gulo talaga kung dito lang naman ako mapupunta pagkatapos. Sa kabilang bayan na lang ako magpapakulong." Simpatya ni Elias.

"Sagot ko na po ang pagpapakabit ng wifi niyo sa susunod at ako na rin magpapalagay ng aircon sa loob ng rehas. Ang pangit talaga, wala man lang hospitality ang mga ibang officer dito. I'm a bit offended." Malungkot na sabi ni Shentel.

My Amusement Trail ( Alca Penguña Series #1 )Where stories live. Discover now