Chapter 12

27.7K 1K 1.4K
                                    


A/N: Just listen to the guitar part 👆

Klouie
Shentel


Mabilis kong hinawi ang pen capsule ko sa gilid ng lamesa para ilagay ang book stand at iba ko pang gamit. Tapos ko ng i-high light ang coverage ng lesson namin kay Miss Attorney at sa ibang subject sa codal para sa Monday ngunit hindi pa ako nakampante at nagbasa uli ng iba pang libro.

I buried myself studying and digesting some cases that have been sent for us all day. Galing akong simbahan kanina at dumiretso sa isang coffee shop na nakita ko lang sa katabi ng cathedral. The coffee shop named Zaimen Cafe. It's so eye-catching establishment.

Kasama ko pa rin si Ingrid na gumagawa rin ng school works niya. Sinamahan niya akong magsimba, yayain ko rin sana si Chasey na magsimba kanina kaso naalala ko atheist pala ang isang iyon.

I settled my specs well in my face as I continue to download the remaining cases left in my laptop. Sumasakit na ang ulo ko sa ginagawa ngunit dahil may kape sa tabi ko ay hindi ko inalintana iyon.

"Klouie..." I stole a quick glimpse to Ingrid and typed the ratio of the case in my laptop.

Nakatingin siya sa akin.

"Yes?"

"That's your crush, right?" May tinuro siya sa labas.

Since glass ang wall ng coffee shop ay makikita ang mga tao sa labas at loob nito. Nilingon ko ang lugar na tinuro niya.

Sa parking space ng katabing boutique nakita ko si Miss Attorney na lumabas sa isang kotse. Naningkit ang mata ko nang mamataan ang isang bulto ng lalaki na tumabi sa kanya para alalayan siya.

Miss Attorney gives him a sweet smile and takes his hand to gently lead the way. She looks incredibly delicate and feminine in her white dress.

So ethereal!

The man smiles at her, taking in the sight of the woman's most endearing grin. Agad kong naalala ang lalaki. Last Friday, he paid her a visit in her office.

"Is that Kuya Mason she's with?" Ingrid exclaimed.

Nabaling ang tingin ko rito nang malamang kilala niya ang lalaki.

"You know him?"

"Come on, Klouie! He's Chasey's brother. The CEO of Mariano's Enterprise. Hindi mo ba siya naalala? Pumunta rin kaya yan sa 18th birthday mo sa Iloilo." Pinandilatan niya ako ng mata. I licked my bottom lip and gave them another look.

"Chasey's brother..." I murmured, my gaze followed them into the boutique.

Hindi ko naalala ngunit familiar nga siya.

"Isa siya sa mga manliligaw ni Attorney. Matagal na 'yan may gusto kaso hindi pa available si Attorney last year kaya tumigil. I'm glad that he grabbed the opportunity again." She said dreamily.

And Miss Attorney let him court her...

Naks, dami kong kaagaw.

Hindi pa nga naaalis sa isip ko yong sinabi ni Ingrid last Friday tapos ito na naman? Ka stress talaga lumandi!

"Are you sure about her?" Ingrid asked after I went back to my works again.

I slightly nodded my head.

"I'm crushing her. Only." Hindi ko alam kung bakit may mabigat na dumagan sa dibdib ko habang sinasabi iyon.

My mind picture out how she looks so happy with him earlier. She's enjoying his company.

My Amusement Trail ( Alca Penguña Series #1 )Where stories live. Discover now