Chapter 15

30.6K 1K 1.2K
                                    

Klouie
Threat


"Ano 'yan? Libro na naman kaharap mo? Papakasalan mo 'yan?" Mapanuyang asik ni Mommy sa kabilang linya, we're talking in a video call.

Isa siya sa mga magulang na minamadali ang anak mag-asawa. That's her issue all along, she wanted me to settle down already. Thinking that maybe I can find what I'm truly lacking for to someone.

Duh? Ang sama-sama kong tao noh. Hindi ko deserve ng genuine love. Hindi ko deserve ng kalinga ng isang tao. Mas mabuting maging pabigat na lang sa bahay.

Just kidding. Wala akong plano. Dito na lang ako sa law school. Kahit nakakaiyak na. Kapag nag fail, edi sumuko!

If only I can do it again.

But, because my father is constantly checking up on me to see if I can continue in my chosen profession, I just cannot. He is concerned about my mental health since he has noticed how far I have drifted from the child he adored the most. It's not that he doesn't want me to study law; it's just that he's afraid I'll despise it and think I'm their retirement plan. But it isn't. The problem is, I'm feeling so far behind that I'm forced to seize what's in front of me.

I'm just bad at making life decisions and always back out of things when I feel I don't have a chance. And the worst part is that I always regret it later since I didn't give it my all. The same thing happened to my feelings for the professor.

Hindi nagustuhan ni Daddy ang personalidad kong iyan ngunit hindi naman siya nagreklamo. He's waiting for me to change, for me to become a lady who can stand on her words and set divine goals for herself. After all, he is my watcher.

"Lumandi ka naman, anak. You're an adult already." Nangilabot ako sa suhestiyon ni Mommy. Kitang kita ko ang mahinang pagtawa niya.

"Come on, hindi ka mabibigyan ng anak ng mga librong yan. I heard na may mga boyfriends na mga kaibigan mo? Pero ikaw, wala pa rin. Hindi kaba na-iinggit sa kanila?"

Pa-irap akong nagbasa muli, stressing myself to the core to memorize the coverage discussion in my Consti subject.

May mga boyfriends? Eh, nangungulila naman ang mga iyon. Lalo na si Breggate at Issa. Tapos inuuto lang ang iba ng mga ka-relasyon nila kaya paano ako ma-iinggit do'n ha?

"Gusto ko na ng apo, Klouie. Gusto ko ng may maalagaan ako pag-uwi namin dyan sa Pilipinas." She mumbled, so stress.

"Edi gumawa kayo ng bagong anak, Mom. Gusto ko rin ng maalagaan pag-uwi niyo rito."

"Yuck!" Eksaherada siyang suminghap. "Ayoko nga. Masyado na akong matanda para magkaanak."

"You're just a 40 yrs old." I sarcastically stated.

Ang aga nanganak ni Mommy sa akin dahil sa kalandian niya kay Daddy. Tapos wala ng balak magka-anak ulit nang magkabalikan sila.

It's been years since I constantly asking them for giving me a little sister but they didn't. Mga tamad gumawa.

"So? Old enough not to bear a child. Hirap na hirap na kami sa pagpapalaki sayo tapos magdadagdag pa kami ng isa pa? Pabigat ka pa sa bahay. Palamunin." Madrama niyang sabi. Ilang beses akong umirap sa hangin.

"Ah, basta. Gusto ko ng kapatid, Mom."

"Gumawa ka ng sayo. Huwag mo kaming dinadamay sa mga kagustuhan mo." Direktang singhal niya.

Tss, kahit magulang ko hindi matino.

"Wala ka ba talagang natitipuhan sa university niyo? Flings or suitor? Lalaki? Wala kang lalaki?"

Nakakasakit talaga mga tanong niya. Gosh, sarap ibenta.

Umiling ako, masamang tingin ang ginawad sa kanya.

My Amusement Trail ( Alca Penguña Series #1 )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz