Chapter 9

34K 1.1K 1.7K
                                    

Klouie
Subdivision



Pilit kong tinatago ang ngiting sumusupil sa aking labi habang nagsasandok ng kanin. Kahit wala akong kasama sa lamesa, feeling ko ay mapapahiya ako sa ka-loob looban ko kapag may nakakita sa aking nakangiti ng matamis mag-isa.

Lampas isang linggo na ang lumipas mula no'ng first day of school at pag accept niya sa friend request ko sa fb pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ang kalamnan ko kapag naalala ko iyon.

Humihimlay pa rin ang puso ko doon. Sinong hindi? Gosh, inaccept niya kasi agad ang friend request ko. Kahit alam ko naman na ginawa niya lang iyon para sa mabilisang access namin sa isa't isa para responsibilidad namin pareho pero hayaan niyo na isipin kong may something more sa ginawa niya.

Assumera ako eh. Pero siyempre hindi ko aaminin na kinikilig ako doon.

Although hindi niya ako finollow back sa IG at bird app. Okay na sa akin iyong sa fb lang. Napansin ko kasi sa accounts niya sa IG at Twitter isang tao lang yong following niya. Kahit nga yong mga pinsan niyang Galician na naka follow sa kanya ay hindi niya pina-follow back. I wonder why.

At ito pa ang napansin ko. Isang artista ang naka following sa kanya. It's Harriette Aldridge, the primetime king of Television in the Philippines. Hindi naman ako mahilig sa mga teleseryeng manood na obra dito sa bansa kaya hindi ko ito masyado kilala.

I prefer Hollywood movies and international series. However, I learn that there are rumors about that actor because he is constantly trending on social media in the Showbiz Industry.

Ewan ko lang kung ano, basta wala akong paki sa kanya. Busy ako kakangiti about sa ginawa ni Miss Attorney sa atin.

Ano ba thoughts niyo kay artistahing Harriette?

Hindi naman iyon pogi eh. Mas pogi pa si Elias at 'yong taga first row na ka-blockmate ko na si Gajji.

Crush ko rin kasi 'yong Gajji natin. He has Korean ancestry, and every time he says good morning to me, I become more aware of the tension in the classroom. His boxy smile is cute.

Crush ko lang siya. Pero mas malalim ang pagka crush ko kay Miss Attorney. Nasa tamang landas pa rin ako.

First week ng klase ay maluwag-luwag pa ang atmosphere namin. 'Yong ibang profs kasi ay hindi sumipot at gano'n din si Miss Attorney last meeting namin sa kanya. Siyempre first week pa lang naman.

Pero nong lunes ay hindi rin siya sumipot. Nagbigay lang siya ng isang activity na sa akin nagmula. We chatted already through pm. Nag chat din naman siya sa gc namin about sa announcement niya na hindi siya makakarating muna nong lunes uli at sinend niya sa akin ang file attachment na naglalaman ng activity namin.

She also informed me that our aid will begin this coming week. One of the reasons why I'm currently forced to keep my smile to myself

After finishing my meal, I instructed my subdivision's security chief to text me if anything unusual happened on my property again. Particularly given that a shooting incident involving Vice Mayor Juarez occurred last Saturday night.

The rumors were sparked by something involving their covert organization, in which my Friends also participate.

Dad enacted stricter security measures in Assortion Subdivision and confronted the vice mayor. Sila na ang mag-usap about sa insidenting iyon at pina-imbestigahan kahit nasa Australia si Daddy. Good thing na rin daw dahil hindi ako kilalang anak ni Daddy sa Alca Pengua kasi nag-iinit ang dugo ng mga taga organizasyon sa banta ni Daddy kay Vice.

Balak paalisin ni Daddy sa Subdivision ang mga Juarez kasi inaalala niya ako at ang mga taong inosente na walang kinalaman sa grupo nila.

Ang totoo niyan parang wala kaming bahay dito sa Subdivision. Kasi yong tinirtahan ko ngayon ay parang hindi bahay eh. Sobrang dull ng desenyo. Malaki pa ang Garahe namin sa mismong looban. At mas malaki pa ang guard house at maids quarters sa bahay. Yan ang tingin kong dahilan na hindi pagkilala ng mga tao sa akin na nakatira dito. Some mistake me as the manager and scholar of the Subdivision.

My Amusement Trail ( Alca Penguña Series #1 )Where stories live. Discover now