26

2.2K 81 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

"Wow, ha. As in wow, lang ha. Now, ako
naman ang tinatanong mo kung ano ang
problema ko? IKAW! Ikaw James ang
problema ko! Hindi ka maintindihan. Niong
isang araw lang, ang bait, bait mo tapos
ngayon, ganiyan na ang inaasal mo? Ano'ng
gusto mong mangyari, ha?" hinarap niya ito
at nakipagtitigan sa mga mata. Napayuko
ang asawa at mahabang katahimikan ang
namayani. Bumuntong ito ng malalim na
hininga.
"I think, we should take a break. I mean,
ayoko lang na malaman ng lahat na may
relasyon tayo." Muli itong nagpakawala ng
isang malalim na buntong hininga.
"So? Kinakahiya mo na ako ngayon, ha?"
pilit niyang pinapakalma ang sarili.
"Hindi naman sa gano'n. Janine, please, can
we skip this one?" nahihirapang magsalita si
James. Blangko ang mukha ni Janine dahil
halos hindi pa kayang maabsorb ng utak
niya ang lahat.
"Hindi pa ako handa, okay? Hindi pa ako
handang maging asawa mo sa harap ng
lahat lalo na sa school campus. Sana
maintindihan mo."
"TAMA NA!"pasigaw na sagot ni Janine.
"Alam ko James, dahil na naman 'to kay
Maricar. Huwag mo nang i-deny. Nakita ko
kayo, hinatid mo siya pauwi sa bahay nila.
Bakit?Nagkabalikan na ba kayo, ha?
Sumagot ka!" Pinaghahampas niya ito sa
dibdib subalit hindi natinag ang lalaki.
Napaupo siya sa sahig dahil kanina pa
nanlalambot ang tuhod niya.
"Walang kinalaman si Maricar dito. Ayoko
lang talagang malaman pa ng lahat ang
tungkol sa atin and can you please pretend
na hindi tayo magkakilala 'pag
nagkasalubong tayo sa campus?" pakiusap ni
Jamez.
"Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari?
Ha, James?" mahina na ang boses na
lumalabas sa mga bibig niya.
"YES," walang ka emo-emosyong sagot ng
asawa.
"Fine!" Nangigigil niyang sagot umakyat sa
kama saka nagtalukbong ng kumot.
Lumabas ang asawa at narinig niyang umalis
ang sasakyan nito.
"Saan na naman kaya ito pupunta?
Malamang kay Maricar," kinausap niya ang
teddy bear na nasa tabi niya at niyakap ito.
Dito na niya inilabas ang lahat ng luha na
kanina pa nagbabadyang tumulo. Alas tres
na ng madaling araw pero hindi pa rin
umuwi ang asawa at siya? Hanggang ngayon
ay iyak pa rin nang iyak.
"Hayop ka, James! Hayop ka! Isinusumpa ko
na ito na ang huling araw na magpakagaga
ako sa 'yo!" Galit na sambit niya. Sobrang
mahal na mahal na niya ang asawa. Matagal
na kaya nga kahit ang sarili niya ay ibinigay
niya rito. Sa una pa lang, alam na niya na
hindi siya kayang mahalin nito. Na lahat ng
ito ay ginawa lang ng asawa dahil sa
kasunduan ng mga lolo nila.
Wala kasi siyang magawa kanina kaya
naisipan niya sanang puntahan si Jessy sa
school. Tutal, may two hours vacant sila
kaso nakita niyang palabas ang kotse ng
asawa kaya pinasundan niya ito sa taxi driver
at nalaman niyang sa bahay nina Maricar ito
tumigil dahil nakita pa niyang bumaba ang
babae galing sa kotse ni James at humalik
pa sa pisngi ng asawa.
Iyak siya nang iyak dahil bukas, hindi pa rin
siya makapasok dahil suspended pa rin sila
pero si Maricar, nagawa pang bisitahin si
James sa school kanina.
Ang malas naman niya. Kung saan papasok
na siya ay absent pa si Jessy. May
importanteng lakad daw ito dahil biglang
isinugod ang lolo niya sa hospital kaya
napapunta sa Batangas.
"Kailan ka babalik dito, bes?" kausap niya ito
sa cellphone habang naglalakad papunta sa
classroom nila.
"Hindi ko pa alam, bes. Hindi pa kasi stable
ang kalagayan ni Lolo, e." Kahit nasa
cellphone ay halatang malungkot ang boses
nito.
"Nandiyan ba si Paul?" Tanong niya.
"Nope, nandiyan siya. Hindi siya puwedeng
pumunta rito dahil after ng klase, tine-train
siya ni Dad para
sa company. Siya na raw ang next na
hahawak ng ibang businesses namin sa
Europe. At sa summer, siya na lang daw ang
sasama kina Dad sa France at ako ang
magbabantay kay Lolo. Sige na bes, wait
lang, nagising na si Lolo, bye." tinapos na
nito ang tawag.
"'Di ba, siya 'yong babaeng ambisyosa?"
narinig niyang sabi ng babae sa likuran niya
habang naglalakad.
"Oo nga, ang kapal ng pagmumukha para
sabihing boyfriend niya si James."
Nagtawanan ang mga ito. Dedma lang siya
dahil baka kapag pinatulan pa niya ay
masuspende na naman siya.
"Hi miss, ambisyosa." Nakasalubong niya ang
malanding si Maricar at ang kapal ng mukha.
Naka abrel-siete pa sa asawa niya at ang
hayop na lalaki, ni hindi man lang nakatingin
sa kaniya. Diretso siya sa paglalakad. Halos
lahat ng estudyante ay nakataas ang mga
kilay na nakatingin sa kaniya.
"Get lost!" Pahabol pa ni Maricar. Pagpasok
niya ay sa kaniya rin ang tingin ng mga
kaklase. Halatang naaawa, galit at may
panunuya ang mga tingin ng mga ito sa
kaniya pero dedma na naman niya ang mga
ito.
Pagkatapos ng klase, mag-isa siyang kumain
sa canteen.
"Wow, mag-isa ka 'ata? Don't tell us na
iniwan ka na ng bff mo dahil na discover
nito na napaka ambisyosa mo?" mataray na
sabi ni Maricar subalit hindi na niya ito
pinapansin at ipinagpatuloy lang ang
pagkain.
"Hey, bitch! Kinakausap kita!" Napatayo siya
nang bigla siya nitong buhusan ng malamig
na coke sa ulo.
"Ano ba'ng problema mo, ha?" sabay tulak
niya rito. Agad naman itong natumba. Kita
pa nga ang panty nito. Ang ibang nakakita
ay gusto nang matawa. Susugurin na sana
siya nito nang dumating si James.

Seducing Her Heartthrob HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon