Finale

4.5K 117 10
                                    

Seducing her Heartthrob Husband
by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 32 ( FINALE )

Nakikita kitang ibinababa ni James malapit sa
gate ng school at kamukha mo kasi ang lola
mo," nakangiting sabi ni Marky.
"Marky, I love you... Pinsan nga talaga kita,"
niyakap niya ito muli.
"Hey, tama na. Mamaya, mabugbog pa 'ko
ulit. Tara na, hatid na kita." Inakay na siya
nito pabalik at hinatid pauwi. This time, sa
bahay na talaga ng mga Alcarde.
Sobrang saya ni Janine sa nalaman.
"So meaning, sa 'yo mapupunta ang
kalahating yaman?" tanong niya nang
huminto ang kotse sa tapat ng bahay.
"Opo, sige na, bumaba ka na at pag-
usapan n'yong mag-asawa ang problema
ninyo," pagtataboy ng binata.
"Hindi na 'yon madala sa usapan. Kaya lang
naman niya ako pinakasalan dahil sa
kasunduan," malungkot na sabi ni Janine.
"Mahal ka ni James," seryosong sabi ni
Marky kaya napatingin siya sa pinsan.
"Hindi totoo 'yon," mahina niyang sambit.
"Ngayon lang siya nakipagsuntukan sa akin.
Ngayon lang niya inaming may asawa siya.
Kahit kailan, wala pa 'yong ipinapakilalang
girlfriend sa lahat. I mean, si Maricar, siya
lang naman ang laging nagsasabing
girlfriend siya ni James. Baba na. Selos na
selos na 'yon. Marami pa naman tayong time
para mag- usap. Goodluck!" Pinagbuksan
siya nito ng pinto.
"Salamat. See you bukas," nang makapasok
ay dali-daling umakyat siya sa taas. Hindi na
siya kumain dahil busog na siya sa kinain nila
ni Marky kanina sa resort.
"Good evening po, tita, tito." nakasalubong
niya ang mag-asawang pababa sa hagdan.
"Good evening din, hija. Kumain ka na ba?"
tanong ng ginang.
"Opo, tita. Mauna na ho ako," magalang na
paalam niya sa mga ito. Alam niyang may
nais itanong ang mga ito pero mas piniling
tumahimik na lang. Nakalock ang pinto ng
kuwarto. Laking pasalamat niya dahil dala
niya ang duplicate ng susi. Pagkabukas ng
pinto ay natumba siya dahil sa naapakan.
"O uch!" reklamo niya at kinakapa ang
switch.
"Ano'ng nangyari rito?" ang kalat ng
kuwarto. Ang unan, kumot at mga damit na
inilagay niya sa maleta kanina ay nasa sahig
na. Basag rin ang malaking salamin sa
dresser nila. Nagulat siya sa asawa. Nakaupo
lang ito sa sulok at may mga lata ng beer na
halatang naubos na nitong nainom. Tulalang
nakatitig ito sa kaniya at may tumutulong
dugo ang mg kamay dahil sinuntok nito ang
salamin.
"James, ano ba ang ginawa mo?" galit na
tanong niya at inagaw ang iniinom nito.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
nag-aalalang tanong niya sa asawa. Kahit
papa'no ay mahal niya ito.
"Ba't ka pa umuwi, Janine? Para ipakita sa
akin na iiwan mo na ako? Na mas pipiliin mo
ang lalaki mo kaysa sa akin na asawa mo?"
walang emosyon nitong sabi. Inumpisahan
niyang pulutin ang mga damit na nakakalat
sa sahig.
"Ano, ha? Mag-i-impake ka na naman?"
hindi niya ito pinapansin at lahat ng damit
ay nilagay niya sa kama. Titiklupin niya ang
mga ito mamaya.
"James, pagod na nga ako, ganito pa ang
maabutan ko?"
"Huwag mong ibahin ang usapan! Ano?
Magtatanan na kayo? Putang ina naman,
Janine! Huwag mo 'kong iwan. Hindi ko
kaya," tumayo si James at niyakap mula sa
likod ang asawa.
"WALA KAMING RELASYON NI MARKY!"
madiin niyang pahayag.
"E bakit makaakbay sa'yo ang gagong 'yon,
wagas? Damn! Janine, makakapatay ako ng
tao. Sa kaniya na lahat ng babae, 'wag lang
ikaw. Asawa na kita, e!" Galit na sabi ni
James at lalong hinigpitan ang pagkayakap
sa asawa. Hinalikan niya ito sa leeg.
"Hmp! Asawa? E, bakit dine-deny mo ako?"
"Kasi, iiwan mo rin naman ako kapag
malaman mo ang last will ng lolo mo. Hindi
ko kaya 'yon! Hindi ko kayang mawala ka.
Alam kong napipilitan ka lang pero honey,
mahal kita mahal kita noon pa. Wala na
akong pakialam pero basta, akin ka lang at
hindi ako papagag na mapunta ka kay
Marky. Hindi ako papayag sa annulment!
Mamamatay muna ako!" mahabang saad ni
James.
"Hmp! Hindi mo naman ako mahal e, kita
mo, hindi ka nga umuuwi. Doon ka sa
Maricar mo!"
"Saa condo kaya ako ni Paul umuuwi at kung
hindi kita mahal, hindi ako makipagsuntukan
kay Marky sa harap ng maraming tao. At
talagang nag- impake ka na, ha." Paliwanag
ni James.
"Hindi, a. Nag-impake lang naman ako kasi
akala ko, paaalisin mo na ako." naiiyak na
sabi ni Janine sa asawa.
"And why would I do that?" nakasalubong
ang kilay ni James.
"Kasi akala ko, hindi mo ako mahal. A-Akala
ko, ipapa-annul mo na ang kasal natin. A-
Akala ko, hindi na kita makikita." Tuluyan na
siyang umiyak. Iniharap siya ni James at
niyakap.
"Hush... Tama na. Ako nga itong natatakot!"
Hinigpitan pa nito ang yakap kay Janine.
"Kasi James, mahal din kita... Mahal na
mahal din kita," patuloy lang ang pag-agos
ng mga luha niya.
"I love you too, honey." hinalikan siya ni
James sa mga labi. Mariin at puno ng
pagmamahal. Nagmamadali itong alisin ang
mga damit nila at inihiga siya sa kama.
Sobrang nami-miss lang nila ang isa't isa.
"I love you, Janine." bulong ni James habang
sinimulan niya itong hagkan sa mga labi
pababa sa dibdib. Nang magsawa ay
papunta na ang mga halik nito sa ibaba ng
puson niya.
"H-Hon--ney.... K-Kwan, ayoko niyan."
hinawakan niya sa ulo si James para pigilan.
"Why? If you don't, then you drive."
Nagpalit sila ng puwesto ni James. Siya na
ngayon ang nasa itaas.
"Ahmm... Hindi ko alam 'to," napangiti si
James sa sinabi niya.
"Don't worry, honey, I'll guide you..."
Nanunukso nitong tugon kaya sinunod na
lang niya ang gusto ng asawa na sa kalaunan
ay nagustuhan na rin niya.
Kinabukasan, tinanghali na silang magising
at hindi na pumasok kaya pumunta sila sa
doctor para ipagamot ang sugat ng asawa.
Iniligpit rin ng mga katulong ang kuwarto
nila at pinalitan ang salamin. Ipinaalam ni
Janine ang tungkol kay Marky na pinsan niya
ito pero nagtatampo pa rin ang asawa dahil
bakit kailangan daw magpaakbay siya?
Ipinagtapat rin ni James sa asawa kung bakit
iniiwasan niya ito noon. Na bawal na may
mangyari sa kanila pero pasaway si Janine.
Dahil sa karisma niya, hindi pa nakatanggi si
James.
Tahimik na rin si Maricar. Alam nito na wala
na siyang mapapala kay James dahil alam na
ng lahat na TAKEN na ito. Sinuot na rin nila
ang wedding ring nila at pinalitan na ni
Janine sa registrar ang apelyido niya.
"'Insan!" Tawag niya kay Marky. Papasok kasi
ito sa canteen. Tumayo si Janine at niyakap
ito.
"Ano ba! honey naman," reklamo ni James.
Mabilis na tumayo ito at tinanggal ang
kamay niya na nakayakap kay Marky.
Napailing si Marky. Mas naging possesive at
seloso si James pero mas lalo naman itong
naging caring at mapagmahal sa asawa.
"Pinsan ako, James, kaya 'wag mo akong
pagselosan, puwede?" naupo na si Marky sa
table nila. Madalas na itong sumasama sa
kanila.
Nakilala na ni Janine ang half-sister ng nanay
niya na mother ni Marky. Sobrang bait ng
nito. Parang tunay na anak na nga ang
turing nito sa kaniya.
Close na rin sila ng nakababatang kapatid ni
Marky.
"Sus, pinsan, pinsan! Kahit pinsan, wala kang
patawad!" Reklamo ni James at inalalayan
ang asawang maupo sa tabi nito. Habang
buhay na yata nitong pagselosan ang pinsan
ni Janine.
Nawala man ang mga magulang ni Janine sa
kaniya, sobra-sobra naman ang ipinalit ni
God sa buhay niya. Plus, may bonus pa na
sobrang guwapo at hot na asawa.
Wala naman palang masama sa ginawa niya
noon if she was "SEDUCING HER
HEARTHROB HUSBAND..."

------------- END ------------------

A/N;
Salamat po sa pagbabasa..at pasensya na po
sa bed scene at kamanyakan....hehehe..

Short story lang po siya.
Ayan ang bilis matapos kasi diba kina
copypaste q lng sya sa memo ko.pasensya
pala sa typo.wrong grammar etc kasi wala
na po akong time para echeck.never q nga
po inexpect na darating ako sa point na
mapublish ko to...salamat po sa pag
unawa...

Remember;;;

"Make love"...not sex...shalamat...

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now