31

2.8K 100 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

Gumanti rin ang asawa niya.
"Ta ma ka..." pilit nitong hinabol ang hininga.
Pareho na rin silang sugatan at putok ang
mga labi.
Iyak lang nang si Janine. Lahat ng
estudyante ay lumapit pati sina Maricar.
"Hindi ko nga siya girlfriend pero may
karapatan naman siguro ako na makausap at
makasama ang asawa ko, di ba? Kaya mas
may karapatan ako sa kanya!" Pasigaw na
sabi nito habang pinapahidan ang pumutok
na labi. Pikon na pikon na ito sa kausap.
"Talaga? Paano mo siya naging asawa?"
nakataas ang isang sulok ng labi ni Marky na
nanunuya kay James.
"We're married legally. She's my wife and
she's mine! My property and my everything
kaya wala kang karapatan! Hindi ko na
kailangang mag-explain pa sa' yo, GAGO!"
Susuntok pa sana si James kaso pinigilan
nina Paul at Francis. Pinigilan din ni Janine si
Marky para tumigil na ang dalawa.
"Fuck! Bitiwan n'yo 'ko! Don't you ever
touch my wife! Paul, ano ba?" sinusubukang
makawala ni James sa mga kaibigan kaso
mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito.
Nakatunganga si Janine. Hindi pa niya ma-
absorb ang mga nangyayari.
"Talaga lang James, ha. Asawa mo? E di,
welcome to our family. How can I fuck her if
she's my cousin?" nakakunot ang noong
tumingin si Janine kay Marky dahil sa sinabi
nito.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" nalilitong tanong
niya rito pero sa halip na sumagot ay hinila
siya ng binata papunta sa parking area at
pinasakay sa kotse. Tahimik lang itong
nagda-drive. Hindi rin alam ni Janine kung
paano ito kausapin.
"Baba na," mahinahon nitong sabi. Sa isang
private resort sila napadpad.
"Wow, kanino 'to?" manghang tanong niya
sa binata. Maganda at tahimik ang paligid.
Puti ang buhangin at ang linis ng tubig na
humahampas sa dalampasigan.
"Family. Pinamana ng lolo ko kay daddy,
tara na." Inakay siya nito papunta sa maliit
na cottage. Lumapit ang matandang lalaki
na caretaker
ng resort at binigyan sila ng makakain.
"Ano'ng sinasabi mo kanina na pinsan mo
'ko?" usisa niya. Tumawa si Marky.
"Marky naman, hindi ako nakikipagbiruan!"
Napipikon niyang saway sa binata kaya
sumersyoso na ang mukha nito.
"Okay, fine." Nakataas ang dalawang kamay
nito tanda ng pagsuko.
"'Yng mom ko, anak sa labas. Hindi niya
nakilala ang daddy niya dahil iyon daw ang
makakabuti sabi ng lola ko at ayaw na raw
nila ng gulo. Ex girlfriend kasi ng lolo mo
'yong lola ko at hindi nito alam na buntis
ang lola ko noon kaya hindi na rin nasabi ng
lola ko kay Don na may anak sila at 'yon nga
ang mom ko. Half sister ng mommy ko ang
mommy mo. So meaning, magpinsan tayo."
Mahabang paliwanag nito. Kahit medyo
magulo ang paliwanag ng binata ay isa lang
ang pumasok sa utak ni Janine: May pamilya
pa siya.
Niyakap niya si Marky.
"Wow, pinsan kita. P-Pinsan nga kita kaya
pala ang g-gwapo mo rin," naiiyak na sabi
niya. Sobrang saya niya sa nalaman.
"Ops... Bitiwan mo 'ko. Baka mamaya,
makita pa tayo ng asawa mo..." Kumalas si
Janine mula sa pagkakayakap dito. Tawa
naman ito nang tawa.
"P aano mo nalamang magpinsan tayo?"
excited na tanong ni Janine. Kaya pala sa
una palang ay sobrang lapit na ng loob niya
sa binata. Iyon pala ay magkadugo sila.
"Bago namatay ang matanda, nalaman niya
ang lahat at humingi ng tawad kay Mommy.
Hindi naman galit ang ina ko dahil hindi
naman alam ni Lolo na may iba pa pala
siyang anak dahil matagal na ring namatay si
Lola. Two months ago, may ibinigay sa amin
ang abogado ni Lolo. Binasa sa amin ang
unang will and testament at ang bago. Ang
sabi ng abogado, two weeks ago lang daw
niya nakita ang bagong last will ni Lolo. So,
nag assume kami na natuloy ang kasal mo
kay James which is tama nga kami,"
nakangiti lang ito habang nagki-kuwento sa
kaniya.
"Paano mo nalaman na ako ang girl na 'yon?
I mean, matagal kaming nawala at hindi pa
alam ng lahat na ako ang nawawalang apo ni
Lolo."
Ngumisi ito sa tanong niya.
"Simple lang. It's either you or si Maricar
lang naman," mas lalo itong gumagwapo sa
paningin ni Janine dahil pinsan niya pala ito.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now