13

2.4K 99 0
                                    

Seducing Her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

"What? She's my wife now. Legally. And it is
her responsibility or my responsibility to
make us happy," sagot niya sa ama na naka
de- kwatro pa ang mga paa.
"You know how young she is. Aala pang
kamuwang- muwang 'yon James. At isa, pa
bestfriend ko ang tatay no'n at bestfriend
din ni Veronica ang nanay niya." Paliwanag
ng ama.
"So what? I can do everything I want with
her,"pagmamatigas ni James.
"Oras na malaman namin na ginalaw mo
siya, I will cancel all your bank accounts pati
na rin credit cards mo." Pagkasabi ng ama
ay agad na tumayo na ito upang lumabas.
Kilala niya ang ama. May isang salita ito.
Naalala niya noon na sinabing 'wag pumunta
sa bar. Kasama sina Paul ay tumakas pa rin
siya pero kinaumagahan habang nagbabayad
na s'ya sa mall ay laking gulat niya na na-
cancel na ang lahat ng credit cards pati na
rin ang atm niya.
Hindi na siya makakawithdraw. Mabuti na
lang dahil may dala siyang cash. At isang
buwan pa iyon bago naibalik. Kung hindi
lang siya nangakong magkakaroon siya ng
average na 1.75 sa grades ay 'di pa niya
mababalik ang account.
At siyempre, sa pagkukumbinsi na rin ng
mommy niya sa kaniyang.
Kaya noong unang linggong kasal nila ay
doon siya namalagi kina Maricar sa Davao.
Nagagawa kasi niya ang gusto niya.
Ilang taon na rin sila ng babae. Ito lang ang
nakakatagal sa kaniya kahit alam naman nito
na madami siyang babae. Pero kapag
nahuhuli s'ya nito, kawawa ang mga
girlfriends niya kay Maricar dahil sa mga
alipores nito at tinatakot pa kaya ang mga
babae na rin ang kusang nakikipaghiwalay sa
kaniya. Wala naman siyang ginagawa.
Buti nga yon, sila mismo ang kusang
lumalayo sa kan'ya kaya hindi na niya
kailangang humanap pa ng rason para
makipaghiwalay.
Pagkatapos niyang magshower ay bumaba
na siya. Sakto namang kumakain ang asawa.
Napakacute nitong tingnan dahil wala itong
pakialam kung may ibang tao o wala basta
siya kain lang nang kain.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" tanong ni
Janine at tumigil sa pagsubo.
"Wala naman. Bakit? Masama ba'ng tingnan
ang napakaganda kong asawa?" balik-
tanong ni James rito at nginitian ng ubod
ng tamis. Mas lalong napangiti siya nang
makitang namumula ang pisngi ni Janine.
"Ang cute talaga ng asawa ko ," mas lalo
itong namula sa sinabi. Hindi na niya
pinansin ito at sinimulan namang kumain.
"Nextweek na pala ang finals. Puwede ba
akong umuwi ng Iloilo?" tanong ni Janine.
Nagpupunas na ito ng bibig at ininom ang
pineapple juice.
"Nope. We"re going somewhere," tanggi ni
James.
"Saang somewhere?" excited na tanong ni
Janine sa asawa.
"Basta..." tipid na sagot ni James.
"Okay..." halatang nagtatampo ito at
pumanhik na sa kwarto nila. Ang totoo
niyan ay hindi rin alam ni James. Bahala na!
Bukas niya na lang pag-isipan kung saan
niya dadalhin ang asawa. Basta ayaw niya sa
Iloilo.
Masyadong malayo. Mas gusto niyang nasa
malapit lang sila para anytime ay makabalik
ng Maynila.
"O, may tumatawag. Si babes mo," sabi ni
Janine pagkapasok ni James sa kwarto sabay
abot ng cellphone niya. Padabog na naupo
ito sa harapan ng salamin at nagsuklay.
"Jealous?" tukso ni James at lumapit sa
asawa. Hinalikan ang leeg habang nakatingin
sa refection nilang dalawa sa salamin.
"Ako? Magseselos? James?" Tawag niya sa
pangalan ng asawa.
"Hmmm?" Sagot ng lalaki habang busy sa
paghahalik ng leeg ng asawa. Hindi naman
ito tumatanggi.
"Spell, ASA!" Tinulak ni Janine ang asawa
tapos tumago siya at naglakad patungo sa
kama saka nahiga at nagtalukbong ng
kumot.
"And what do think? Papatulan kita? Spell
ASA rin Janine!" Nahiga na rin si James para
matulog.
"Ikaw ang asa, James. Pangit!" Parang isip-
bata na sabi ni Janine sa katabi.
"Mas pangit ka!" Nagtalukbong na rin ang
lalaki ng kumot at tumalikod rito para
matulog.
Bago umuwi ng bahay, naisipan nila ni Jessy
na dumaan muna sa Jollibee. Namimiss na
raw nito ang spaghetti. Tig-iisang
large fries, spag at coke lang naman ang
inorder nila. Kahit mayaman sina Jessy ay
napaka down to earth nito. Hindi ito mahilig
sa J.co, starbucks o ano man diyan na
mamahaling kainan. Kaya nga swak na swak
sila.
Naalala niya dati, sa tuwing magbi-birthday
lang sila ng nanay at tatay niya nag Jo-
Jollibee o hindi kaya minsan, wala pa nga.
Malayo rin kasi ang bayan sa kanila. Pero
ngayon, kahit araw-arawin na niya ay
makakaya na niyang bumili.
"Puwede makishare, my dear sister? Hi
Janine." Nakangiting bati ni Paul sa kanila.
Kasama nito ang dalawang kaibigan.
Ang asawa naman nito ay kinindatan pa siya.
Gusto na niyang tusukin ang mata nito.
Tumabi pa talaga ito sa kan'ya. Sakto
namang nakita niyang papasok din ang mga
kontrabida sa buhay nila ng kaibigan.
Napangiti si Janine. Kunwari, hindi niya ito
napansin.
"So Francis, sigurado ka na ba na na-
realized mo na si Jessy talaga ang mahal
mo? Naku, 'wag mong lokohin ulit ang
bestfriend ko, 'pag nagkataon, ipapabugbog
kita kay Paul." Sadyang nilakasan ni Janine
ang boses para marinig ng mga bruha. Si
Jessy naman ay halatang nagulat sa sinabi
ng kaibigan.
"Huh? Ano'ng pinagsasabi mo, best?"
tanong ni Jessy sa kaibigan. Walang
kamuwang- muwang ang mga ito sa
pinagsasabi niya. Kahit si Francis ay nagulat
din.
"Sus, nahiya pa kayo. Aminin niyo na kasi na
nakikipagbalikan ka Francis kay Jessy dahil
mahal mo pa siya hanggang ngayon, 'di
ba?" Mas lalo pang nilakasan ni Janine para
siguradong marinig nitong mga kakapasok lng.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now