6

2.4K 85 0
                                    


Seducing Her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Pagkatapos ng klase, tumawag si Mang
Tikoy kay Janine. Hindi raw ito makakasundo
sa kan'ya dahil may emergency na
pupuntahan. Namatay daw ang nanay nito.
"Ihahatid na kita. Saan ba ang bahay ninyo?"
pagprisenta ni Jessy.
"Huwag na. Okay lang ako. Magta-taxi na
lang ako friend," tanggi ni Janine. Hindi
p'wedeng magpahatid siya. Baka malaman
pa nito na sa iisang bahay lang sila ni James
umuuwi. Sikat pa naman ang asawa niya sa
campus.
"Sure ka? O sige friend, ha. Susunduin ko
pa kasi sina Mommy sa airport," paalam
nito. Nalaman niya na nasa Japan galing ang
mga magulang nito dahil sa business trip.
"Sige friend, ingat ka." Nakipagbeso- beso
na ito sa kan'ya. Napangiti siya dahil hindi
naman ganoon kasama ang first day ng
school niya.
Nakakita si Janine ng nagtitinda ng fish ball
sa gilid ng kalsada. Marami na rin namang
estudyanteng kumakain at bumibili rito.
Marami pa rin namang mayayaman na down
to earth at mahilig kumain ng street foods.
Dali-dali siyang kumuha ng bente pesos sa
wallet niya at bumili. Agad siyang naupo sa
waiting shed at kumakain habang
naghihintay ng taxi.
Napakaganda na ng buhay niya ngayon.
Nakapag-aral siya sa pinakasikat na
Unibersidad sa bansa. Libre pa ang tuition
at alawans niya. May credit card din siya na
galing sa asawa niya. Hindi gaya noon, e
halos isang beses lang sila makakain ng
baboy at manok sa isang buwan. Tuyo lang
ang palaging ulam nila.
"Hop in," napatingin siya sa sasakyang
tumigil sa harapan niya. Pag open ng
bintana ay nakita niya
Si Marky.
"Magta-taxi na lang ako. Okay lang," todo
tanggi niya. Nahihiya siya sa binata.
"Nope. I insist, ihahatid na kita." Bumaba pa
ito sa sasakyan.
"Huwg na. Nakakahiya naman," ayaw kasi
niyang isipin na abuso na siya sa
pagkakaibigan nila. E bago pa lang silang
nagkakilala.
"Ba 't ka ba nahihiya? E kaibigan ka ng
pinsan ko. At isa pa, friends na rin tayo, 'di
ba? O baka wala kang tiwala sa akin?" bakas
ang pagtatampo sa mukha nito.
"Huh? Hindi a. Baka kasi may pupuntahan ka
pa," nahihiya na siya sa binata. Na-offend
niya 'ata nang tumanggi siya.
"Wala akong pupuntahan. Pagkatapos ng
klase, umuuwi na ako. So, tara na?" Hindi na
siya tumanggi pa. Alam naman kasi niya na
hindi ito titigil hangga't hindi siya
pumapayag.
Masaya itong ka-kwentuhan. Sa katunayan,
hindi pala ito suplado. Siguro nasa mukha
lang ang pagiging maangas.
"So? Saan dito ang bahay n'yo?" tanong ni
Marky. Nasa gate na kasi sila ng St.Joseph
village.
"Dito na lang ako. Huwag mo na akong
ihatid. Alam mo na, strict ang parents ko.
Baka magalit pa sila. Salamat ha, " nakangiti
niyang sabi. Hindi na niya hinintay na
bumaba pa ito. Siya na mismo ang nagbukas
ng pinto para lumabas.
Nakatayo lang siya sa tabi ng guard's house
at hinintay na makalayo ang kotse ng binata
saka pumasok sa subdivision. Iba't ibang
klase ang mga bahay dito.
Puro malalaki at pabonggahan pa. Lahat
naman kasi ng nakatira rito ay mayayaman
at kilala sa lipunan. Kapag wala kang
milyones, hindi ka makakabili ng lupa rito.
Kaniya-kaniya kasing patayo ng bahay ang
nakatira rito. Bahala sila sa design at 'pag
mahirap ka, mahiya kang magpatayo ng
simpleng bahay dito.
Mag-a-alas siyete na ng gabi kaya madilim
na rin ang paligid. Tanging ilaw na lang ng
poste at mga bahay ang nagbibigay liwanag
sa kalsada.
"beeeeeeeeeeppp..." nagulat siya sa lakas ng
pagbusina ng sasakyan sa likuran niya.
Tumabi naman siya at patuloy na naglalakad.
Medyo malayo pa rin kasi ang bahay nila.
Nasa dulo talaga ito ng subdivision.
"Ano ba? Sasakay ka ba? O bubuhatin pa
kita?" pasigaw na sabi ng driver nito. Nang
lumingon siya, laking gulat niya ng asawa
niya pala ang nasa kotse.
Agad naman siyang sumakay at hindi na
nakipagtalo pa. Pagod na rin siya sa
paglalakad.
"So, how was your date? Bakit hanggang sa
gate ka lang niya hinatid?" seryosong
tanong nito habang nagmamaneho.
"Hindi kami nag-date, noh? At isa pa, baka
malaman pa niya na nasa bahay mo ako
umuuwi. Mahirap na, magkaklase pa naman
pala kayo." sagot niya rito. Nalaman kasi
niya kanina na business ad. din ang kurso ng
binata at nasa star section din ito kaya
sigurado siya na magkaklase ang dalawa.
"tssss.. ." sabi nito at tahimik silang dalawa
hanggang makapasok sa bahay.
"Sir, umuwi pala si Ate Fe dahil namatay ang
nanay ni kuya Tikoy." Salubong ng isang
katulong. Nasa late thirties na rin ang edad
nito.
"Okay lang, Ate Mia. Nakapaalam naman siya
sa akin. Sige, pakihanda na lang ng hapunan
namin ni Ma'am Janine mo." Pagod na sabi
ni James at nauna na itong pumasok sa
kwarto.
Kakatapos lang ng basketball dahil naka
jersey uniform pa ito.
"sige po ate, bababa na lang po kami
pagkatapos magbihis." Umakyat na rin si
Janine. Pagpasok niya, kaagad naman na
tumunog ang gripo sa shower room.
Malamang, naliligo ang asawa kaya mas pinili
muna niyang mahiga sa kama pagkatapos
hubarin ang kaniyang sapatos. Napagod s'ya
sa kalalakad lalo na at nakasapatos pa siya
kanina.

Seducing Her Heartthrob HusbandHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin