30

2.5K 97 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Kaunti lang ang klase nila ngayong araw at si
Jessy naman ay absent kaninang umaga.
Ngayong hapon daw ito papasok.
"Jessy!" Bulalas ni Janine nang papalapit ito,
may karga-kargang bata.
"Waaah... Ang cute. Hello, baby." Nakangiti
niyang bati rito.
"Eyow po," inosente nitong bati. Ang cute,
cute nito lalo na ang dimple sa kanang
pisngi.
"Hala, kamukhang-kamukha mo, friend."
Tuwang- tuwa na sabi ni Janine. Mahilig din
siya sa mga bata.
"Siyempre, kanino pa ba magmamana 'to, 'di
ba?"pagmamayabang ng kaibigan.
Kuhang-kuha nito ang features nina Jessy,
maputi at hndi maikailang magkamag-anak
nga sila.
"Adi!" Tawag ng bata sa papalapit na si
Francis kasama si James na may kasamang
babae, nakahawak pa sa braso ng asawa
niya.
Hindi ito estudyante dahil naka civilian.
Halatang mayaman at sopistikada dahil
maganda, maputi at matangkad din ang
babae.
Nanliliit na naman si Janine sa sarili. Ang
layo, layo nilang dalawa ng bagong babae
ng kaniyang asawa. Siya ay simple lang.
'Yong hindi pang rampa ang dating. 'Yong
pambahay lang na asawa.
"Hi cute little girl. Naku, daddy na ang
tawag mo sa 'kin. Mapagkamalan kami niyan
ni Jessy na mag-asawa," tukso nitong sabi
na halatang pinagtitripan ang kasintahan
pero pinandilatan lang ito ng dalaga.
Alam ni Janine na kanina pa may nakatingin
sa kan'ya at hindi nga siya nagkakamali,
pinagmamasdan siya ng asawa. Mukhang
hindi ito nakatulog dahil nanlalalim pa ang
mga mata.
"Nasobrahan yata sa pagpapaparty," bulong
ni Janine.
"Hey, bitch! Don't you dare touch my
boyfriend!" Sigaw ni Maricar at hinila niya
ang buhok ng babae na nakahawak sa braso
ni James.
"Hey, stop it!" Tinulak din ng babae si
Maricar.
"Ah... Lalaban ka, ha?" nanggigigil na hinila
ni Maricar ang buhok nito.
"STOP IT!" Malakas na sigaw
Ni James. Marami ang napahinto sa
paglalakad at nakatingin na sa kanila.
"Maricar, puwede ba? Tigilan mo na 'to!
You're not my girl or whatever you call it
dahil wala namang tayo!" Madilim na ang
mukha nito.
"What? J-James, what you mean?"
natarantang tanong ng dalaga.
"Heard me, right? Hindi kita girlfriend so
please, tama na at 'wag na 'wag mo na
akong istorbohin pa!" Napipikon na sabi
James.
"At kailan pa tayo naghiwalay, James?" hindi
makapaniwalang tanong ni Maricar. Nakikinig
lang sina Janine at ang mga estudyante sa
usapan nila.
"When I saw you fucking somebody and that
was three years ago!" Nairitang sagot ni
James at umalis sa harapan nila. Naiwang
tulala si Maricar. Nagbubulungan na rin ang
lahat ng nakarinig.
"Buti naman Paul at naisipan mong
magpakita? Kanina pa kita hinahanap,"
nakangiting sabi ng babae na kasama ni
James kanina. Papalapit kasi si Paul sa
kanila.
"Ang popogi naman pala ng mga friends
mo. 'Yong isa nga, tinulungan akong
maglakad dahil natapilok ako kanina,"
sumbong nito. Ngayon lang napansin ni
Janine na pa ika-ika ito sa paglalakad.
"Uy, kuya, pakilala mo naman kami. Ako nga
pala si Jessy, kapatid niya at sina Francis
and my bestfriend Janine," pagpakilala ni
Jessy na binibigyan ng lolipop ang
pamangkin na karga ni Francis.
"I'm Diana, girlfriend ni Paul." Nakangiti
nitong tugon.
"Excuse us," sabi ni Paul at hinila palayo ang
babae. Sila naman ay bumalik na sa klase.
Pinabantayan muna ni Jessy ang pamangkin
kay Francis dahil wala itong pasok.
Alas tres palang, tapos na sila kaya naunang
umuwi si Janine dahil hihintayin pa raw ni
Jessy si Francis.
"Hello, beautiful. Pauwi ka na?"
nakangiting bati ni Marky habang
sinasabayan si Janine sa paglalakad.
"Uy, Marky. Oo, pauwi na, bakit? Ihahatid
mo 'ko?" biro niya sa binata.
"Mamaya ka na umuwi, nood ka muna ng
practice namin sa field." Inakbayan siya ni
Marky.
Komportable naman siya kahit akbayan siya
ng binata pero pansin niyang marami ang
nakatingin sa kanila.
"Hmp! Mamamatay kayo sa inggit!" Bulong
niya sa sarili.
"Ngingit-ngiti mo diyan? Uy... Kinikilig.
Inlove ka na, noh?" tukso ng binata.
"Uy, 'di, a." Todo deny ni Janine. Hindi
naman talaga. Iisa lang ang mahal niya at
malapit na itong mawala sa kaniya.
"Makipagsex nga, sa kaniya, last na lang."
Napatawa siya sa iniisip.
"Kapag ganiyan daw na tawa ng tawa ang
babae, may kamanyakang iniisip." Tumawa
ito ng malakas.
"Wala, ha." Todo tanggi ni ulit pero totoo
naman ang sinabi ng binata.
"Hmm... Defensive," at lalo pa siya nitong
inakbayan. Malapit na sila sa field at marami
ang nanonood ng practice lalo na ang mga
babae. Paano, mga gwapo rin ang soccer
players.
"Can we talk?" biglang sumulpot si James sa
dinaraanan nila at hinila siya palayo pero
nahawakan din siya ni Marky sa braso.
"Huwag kang makialam dito, Mark!"
Nagtitimpi lang ng galit si James.
"No, James. Wala na kayo, 'di ba? Hindi mo
naman siya girlfriend kaya tigilan mo na
siya!" nakangising sagot ni Marky.
"It's NONE of your business!" Mariing sabi ni
James. Agaw-pansin na rin sila sa mga
estudyante sa paligid.
"Well, Mr.Alcarde, she is My BUSINESS!" Giit
na sagot ni Marky. Nakipagtitigan pa ito kay
James.
"Ahm... K-Kwan... Guys, sandali! Woah!"
Nagulat si Janine nang biglang sinuntok ng
asawa si Marky.
"My ghad, James!" Sigaw niya nang sinuntok
din ito ni Marky.
"TAMA NA!" Umiiyak na si Janine. Takot pa
naman siya sa mga ganitong away.
"Bakit? Bakit ganiyan ka sa kaniya, James?
Girlfriend mo ba siya? Hindi naman, 'di ba?"
ganting suntok ulit ni Marky dito.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now