16

2.2K 87 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

"Girls, tama na!" Saway ni James sa mga ito.
"Babes, please 'wag mo nang intindihin 'yan,
okay? Dahil hindi naman ako papatol
diyan," dagdag pa niya at hinila si Maricar
palabas ng canteen.
"James ALCARDE!" Malakas na tawag ni
Janine sa asawa kaya napatigil ang mga ito.
"Ito ang tandaan mo: Magbabayad ka at
pagsisisihan mo ito! Magsama kayo ng
babae mo! Hindi ka malaking kawalan sa
buhay ko!" Hinila na rin ni Janine ang
kaibigan at nauna nang lumabas sa canteen.
Nawala na ang gutom niya. Mas naiinis siya
sa mga salitang binitiwan ng asawa. Wala
siyang ideya kung
ano ba ang pumapasok sa isip nito kung
bakit bigla na lang nag-iba ang mga
ikinikilos.
"Hayop ka James, haaaayooop!" Nasa
rooftop sila ni Jessy at pansamantalang
doon niya pinapalabas ang sama ng loob.
Umiiyak na napaupo siya at niyakap ang
mga tuhod sabay pahid ng mga luha.
"Best, tama na. Hayaan mo na sila," pag-
aalo ng kaibigan at hinihimas ang likod niya.
"H-hindi ko lang kasi m-maaisip na m-
mapahiya ako ng gano'n. Isa pa, wala naman
akong s-sinasabing kami, a. Bakit kailangan
niya akong ipahiya?" sabi niya habang
humihikbi. Napahiya talaga siya sa ginawa
ng asawa kanina.
"Hay naku, best, hayaan mo na sila! Babalik
din ang karma sa masama nilang gawain!"
Galit din na sabi ni Jessy. Nagtagis pa ang
mga bagang nito nang maalala ang ginawa
ng lalaki sa kaibigan.
"Halatang may pinaghuhugutan ka din best,
a." Tukso ni Janine. Mukhang mas bitter pa
ito sa kaniya.
"Diyan tayo best, e. Concern lang ako,"
kunwari nagtatampo na wika ng kaibigan.
Napangiti si Janine. Alam naman kasi niya
ang nakaraan ni Jessy.
"James Alcarde, humanda ka!" Bulong niya
sa sarili. Hindi niya ito mapapalampas.
Gaganti siya!
Natapos lang ang final sa first semester,
hindi sila nagpapansinan sa loob ng bahay.
Umiiwas din si Janine para hindi sila magkita.
Kapag malaman niyang umakyat na ito sa
kwarto ay tyaka naman siya bumaba para
kumain.
Si Jessy naman, pagkatapos ng
final exam ay agad itong lumipad patungo sa
Canada at hindi na rin natuloy ang plano nila
na sumama sa bakasyon kasama ang barkada
ng asawa. Kahit nga sa party ni Paul sa
bahay nina Jessy ay hindi rin siya pumunta.
Si Jessy ay hindi rin umuwi sa bahay nila ng
araw na iyon. Mas pinili pa nitong matulog
sa hotel dahil magkikita lang sila ni Francis
doon.
Paminsan-minsan, naririnig ni Janine na
pumupunta sa bahay nila si Maricar at ang
mga barkada nito. Kampante naman kasi si
James na hindi siya lalabas.
Mag-iisang linggo na nang mag- umpisa ang
klase. Maraming pasalubong si Jessy sa
kaibigan na galing sa Canada. Mga pabango
at damit na magaganda. Gawa raw iyon ng
kaibigang fashion designer galing pa sa
France.
Na-late na silang umuwi dahil nanood pa sila
ng sine ng kaibigan. Kumain muna si Janine
sa kusina bago umakyat dahil sobrang
nagutom siya sa kakagala sa mall.
"Inday, kumain na ba si James?" tanong ni
Ate Fe sa isang katulong.
"Opo ate, magsi-swimming pa raw po siya
at 'wag daw i-lock ang pinto," sagot ng
bago nilang katulong.
"Gano'n ba? Sige, pakiligpit na lang ng
kinainan ni Ma'am Janine at matulog ka na
rin," pakiusap ni Aleng Fe. Kakatapos lang
kumain ni Janine nang marinig ang usapan
ng mga katulong.
"Swimming pala ha," napangiti siya ideyang
pumasok sa kaniyang isipan.
-------------
Kanina pa si James lumalangoy papunta't
pabalik sa pool. Mas pinili niyang dito na
magswimming sa likod na pool para walang
istorbo.
Gusto kasi niyang makapag-isip at
makapagrelax. Bago siya pumunta rito ay
binuksan muna niya ang mga ilaw sa poste.
Ayaw naman niyang mag swimming na
walang ilaw kahit maliwanag pa ang buwan.
Wala namang ibang nakakapasok dito kahit
hindi nakalock ang maliit na gate. Alam kasi
ng mga katulong na naliligo siya.
Kapag walang utos niya ay hindi
nakakapasok ang mga ito rito. Mas
kampante siyang maligo na nakahubot
hubad. Backstroke, free style at kung ano pa
ang ginagawa niya. Nang mapagod sa
paglalangoy ay pinili na lang niyang
magfloating at tumingin sa bilog at
maliwanag na buwan.
Isang mamalalim na buntong hininga ang
pinakawalan niya. Gano'n na ba talaga ka
galit ang asawa sa sinabi niya? Alam niyang
iniiwasan siya nito at hindi kinakausap.
Nakipagbalikan siya kay Maricar dahil alam
niyang safe siya rito. Kung patuloy siya na
didikit sa asawa, malamang hindi na siya
makapagpigil ng sarili at may mangyari
talaga sa kanila. Kahit sabihing mayaman sila
at kasal pero may kasunduan pa rin sila ng
daddy niya.
Nang gabi matapos ang muntik nang
mangyari sa kanila sa kotse ay tumawag ang
daddy niya. Naalala niya ang usapan nila.
"O ras na mabuntis siya at hindi pa
nakapagtapos sa pag-aaral ay automatic na
mawala sa atin ang kompanya pati na rin
ang kompanya nina Janine," sabi ng daddy
niya sa kabilang linya.
"What the fuck, dad? That's bullshit!
Ipapakasal kami tapos hindi puwedeng
magkaanak? Ano'ng kasunduan 'yon?" galit
na tanong niya sa ama.
"Easy, son. Hindi ko rin alam kung bakit iyon
ang last will ng mga lolo ninyo. I'm--" Wala
na siyang balak patapusin pa ang sinasabi ng
ama at ibinaba na niya ang telepono.
Aaminin man niya o hindi, malakas talaga
ang physical attraction niya sa asawa.
MAHAL? Hindi niya masabi kung mahal niya
ito.
Hindi pa naman siya na-inlove kaya wala rin
siyang batayan kung paano ba talaga ang
ma-inlove.
"Mind if I join you?"

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now