27

2.2K 85 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Babes ," tawag nito sa asawa niya at
yumakap pa sa lalaki nang makalapit.
"Wala naman akong ginawa pero tinulak
niya ako," sumbong ni Maricar.
"Wala ka na bang magawang matino? Mag-
i-eskandalo ka na naman? Nasuspende ka na
nga noong isang araw, ano ba ang gusto
mo? Pa expel dito?" singhal ng asawa.
Nagulat si Janine sa naging reaksyon nito
dahil si Maricar pa talaga ang kinakampihan
niya.
"Magsama kayo!" Galit na sabi niya sa asawa
at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Sa
gymasium siya dinala ng kaniyang mga paa.
Sakto namang walang tao dahil lunch time
kaya umiyak para ilabas ang sama ng loob sa
asawa.
"If you need a shoulder to cry on, feel free
to use mine." Napalingon siya sa nagsalita.
"MARKY !" Tumayo siya at niyakap ang
kaibigan.
"Saan ka galing? Grabe, ang tagal na kitang
'di nakikita. Busy ka yata?" namiss talaga
niya ito.
"Practice lang ng soccer. Alam mo na, may
laban kasi kami sa ibang bansa kaya minsan
lang nagka oras at excempted din minsan sa
klase," nakangiti sagot nito. Kung si James
ay varsity ng basketball, ito naman ang
varsity ng soccer. Ang dami ring humahabol
na babae rito pero unlike James, mas
palakaibigan ito.
"Here, use this. Masyado ka yatang nabasa
sa coke kanina," at ipinasuot sa kaniya ang
jacket nito.
"Paano mo nalaman?" nahihiyang tanong
niya.
"I was there," simpleng sagot ng binata.
"Talaga? Nakita mo? Nakakahiya naman,"
napayuko siya dahil sa kahihiyan.
"Yupz. I saw it. 'Ando'n ako sa canteen
kanina. Lalapit na sana ako nang dumating
sina Maricar at last day, nakita ko rin no'ng
nakipagsabunutan ka." Tumawa ito. "Ganiyan
dapat, lumaban ka 'wag kang paapi!"
Ngumiti si Janine sa sinabi ng binata.
Gumagaan ang loob niya kapag ito ang
kausap. Kung hindi niya unang nakilala ang
asawa ay malamang crush niya ito.
"Ayan, nakangiti ka na niyan. Tara na, I
think, may damit ka pa sa locker mo,"
inalalayan siya ng binata para tumayo.
"Wow, how sweet. So, kung hindi mo
makuha ang boyfriend ko, ang ex ko naman
ang inaakit mo?" palabas na sana sila nang
biglang pumasok ang players ng basketball
team kasama si Maricar at ang mga alipores
nito.
"Tama. Kasi malandi! Alam kasi niya na hindi
na siya oobra kay James," dugtong ni
Sharon na nagmumukhang clown sa kapal
ng makeup nito.
"You're right! Ba't ko naman isisiksik ang
sarili ko sa taong pilit namang lumalayo sa
akin. E di, do'n na ako sa taong hinahabol
ako. Mas masarap pa mahalin," tuloy-tuloy
lang silang lumabas at hindi na nila
pinapansin ang mga pinagsasabi ng mga ito.
Hindi na rin siya nag- abala pa sulyapan ang
asawa.
"Magbihis ka na. Hintayin kita rito," ani
Marky at naupo ang sa labas ng CR.
Pagpasok niya, marami na ri ang nakapila at
nakatingin lang sa kan'ya pero wala siyang
panahon pa para patulan ang mga ito.
"Wala ka bang pasok, Mark?" tanong niya
rito habang kumakain ng spaghetti. Bumili
sila sa canteen dahil nagugutom pa rin siya
dahil hindi niya naubos ang kinakain kanina
dahil nga dumating sina Maricar.
"Mamaya pa. Mga alas tres pa. E, ikaw?"
balik-tanong ni Marky. "Wala rin, mamaya
pa alas tres din."
"Go o d." Sinimulan na rin nitong kumain.
Nasa tree park sila at nakaupo sa bench.
Kaunti lang ang mga estudyante dahil oras
na ng klase.
"Ano'ng sinasabi ni Maricar na ex ka daw
niya? Totoo ba 'yon?" curious na tanong ni
Janine. Isang malalim na buntong hininga
ang pinakawalan ng binata.
"Yes, ex ko siya." Walang ganang sagot nito.
"Huh? Bakit? I mean, paano?" sunod-sunod
na tanong niya.
"Huwag na nating pag-usapan, nakaraan na
iyon." Walang ganang sagot ni Marky.
"Please naman, Marky, gusto ko talagang
malaman kung bakit o paano kayo
naghiwalay?" pagpupumilit ni Janine.
"Stop pouting. Okay, fine." nakangiting sabi
nito na tila sumusuko na sa kakulitan niya.
"Transfery lang kasi ako rito noong firstyear
ako, second sem. Tapos itinago namin ang
relasyon namin ni Maricar. 'Yon pala, ayaw
niyang ipaalam boyfriend din niya si James."
Parang wala lang dito ang nangyari habang
nagku-kuwento.
'So, paano mo nalaman?"
usisa niya. Tumigil pa siya pagkain para lang
pagtuunan ang pinagsasabi nito.
"Noong nahuli na kami ni James. Pumunta
ako sa condo niya noon at nagkataong
pagbukas palang niya ng pinto, hinalikan na
niya ako at hindi niya alam na kasunod ko
rin pala si James." Napangiti pa ito habang
nagku-kuwento.
"O, ba't nakangiti ka pa?" naiinis siya. Hindi
niya lubos maisip kung paano kaya
nagagawa ng kapwa babae ang gano'n?
Babae pa rin 'yon kaya dapat,
pinapahalagahan nito ang sarili. Ang daming
nagsasabi na hindi lang ang lalaki ang
puwedeng manloko para kay Janine, iba kasi.
Kapag ang lalaki ang manloko, walang
mawawala sa kanila pero kapag babae ay
hindi naman yata tama iyon? Dapat
parehong loyal sa relasyon.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now